Chapter 10

175 3 1
                                    

Nagpunta kami sa isang restaurant kasama ang buong team. Si Niel at Ley naman hindi nakasama kasi may pupuntahan daw eh.

Ililibre nga talaga kami ng lunch ni Wayne at sa isang resto pa. Galante ang captain oh!

"Dapat pala Kim kasali ka sa cheering squad ng school. Ayos ka rin naman mag-cheer eh!" sabi ni coach habang kumakain kami.

Medyo tumigil naman silang lahat at tiningnan ako bago nagsitawanan.

Parang nakakaasar yun ah.

"Si Kish, sa cheering squad? Pfff!"sabi ni Wayne at tumawa pa.

"Kapal mo! Pero asa pa naman na sasali ako dun no!" sabi ko.

"Eto naman eh, asar agad."

"Ewan ko nga sa'yo."

"Hay, ang mga batang to. Magsisimula pa ng LQ dito."sabi ni coach

"LQ??" sabay naming sabi ni Wayne. Agad na?

"Oo. Eh di ba magkasintahan kayo?"

"*cough cough cough*!"

Nasamid ako bigla. Hinimas-himas naman ni Wayne ang likod ko habang umu-ubo ako.

Ano ba naman yang pinagsasasabi ni coach.

"Ah, hindi po kami ni Kisha. Hindi kami talo nyan." sabi ni Wayne at tumawa yung iba. Nakakatawa ba yun?

"Eh? Kala ko ba last year pang kayo? Although nagtataka ako kung bakit kilos lalaki ang girlfriend ni Dwayne."

“Ano ba yan coach. Huli kayo sa balita.” sabi nung isang player na tawagin na nating Player1

"Hehe. Sorry ka na lang coach dahil tomboy ako. Forever."  sabi ko.

Tumingin sakin saglit nun si Wayne. Mi-nouth ko ang ‘bakit?’ pero umiling lang sya.

"Sayang talaga. Kala ko pa naman kayo na eh. Bagay pa naman kayo." sabi ni coach.

Whaaat?? (=w=)

“Wala ba talaga o kunwari lang wala?” sabi bigla ni Player1

"Oo nga. Bakit may pahug-hug pa kayong nalalaman?" sabi ng isa pang player, si Player2.

Huh?

“Yun yung pagkatapos ng game di ba?” sabi ni Player 4

"Kita namin yun no!" sabi ni Player3.

“Para kaya kayong mag-shota!”

Sunud-sunod na nilang sinabi ang mga “sweet moments” daw namin ni Wayne.

Err… Kung pwede lang sana, tigilan na nila yun. Nangingilabot ako eh. Walang-wala sa memory ko na nagmukha kaming mag-shota ni Wayne. Nevah!

"Uuy! Namumula si Captain! Hahaha!" sabi ni Player3.

Napatingin ako nun kay Wayne kaso hindi sya nakaharap sakin at pinapatahimik nya ang mga nang-aasar nyang teammates.

 Namumula?

Well, nakakahiya naman talagang mapagkamalan kayong mag-shota di ba?

"Ano ba kayo? Ganun lang talaga ang friendship naming ni Kisha. May pagkasweet pero friends lang kami." sabi ni Wayne habang nagkakamot ng batok.

When the "Gay" Falls for the "Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon