“We are meeting someone in a sweet mansion.” He looked at Larken, and a sweet smirk formed on his lips. “And you'll definitely want to meet him," he added.
Sandaling sumilay ang ngiti sa labi ni Larken. “Edi, ano pang hinihintay natin? Let's go!” magiliw na sambit niya at nagpatiunang lumabas sa amin.
A sweet mansion? Saan naman kaya niya kami dadalhin? Napakamot na lang ako sa aking ulo at sinundan silang dalawa palabas.
Hindi pa man ako nakakapasok sa kotse ay pinagbuksan agad ako ni Xavien, and he gave me a sweet smile.
Ngumiti lang ako sa kanya at nang makapasok ako ay hindi ko mapigilan ang naglalarong mga paro-paro sa aking tiyan. Si Xavien ang magmamaneho ng sasakyan at agad niya rin na binuhay ang makina nito.
Wala talaga akong ideya kung saang mansyon kami pupunta, hindi rin kasi nagbigay ng iba pang detalye si Mr. Morris tungkol sa mangyayari sa kaso, maliban sa mga files and documents na mayroon kami.
“Do you think na connected ang nangyari kay Larken sa hawak nating kaso ngayon?” I asked.
Napagawi ang tingin nila sa akin ng sabihin ko iyon at ilang saglit lang ay pinangunahan na ito ni Xavien.
“Based on the code that we found in his room, there's a probability na may kinalaman ang taong nasa likod ng iyon at konektado ito sa isa pang tao,” Xavien remarked.
“What do you mean na isa pang tao?” Nagtatakang tanong ni Larken at napatigil tuloy siya sa pagnguya niya ng dala niyang chichirya.
“You'll meet him soon once we get there so hold your clues firmly because this is going to be a deduction show.” Then, a simple smile formed on his lips.
He's already interested in this case at kitang-kita naman iyon sa kanyang mukha.
Nang makarating kami sa tapat ng mansion ay may mga kotseng nakaparada. Mukhang nauna pa sila kaysa sa amin. Nang ihinto ni Xavien ang sasakyan ay sabay-sabay rin naman kaming lumabas.
“Grabe ang laki pala nitong bahay, sino kaya ang magmamana nito?” pabulong na sabi ni Athena.
“I don't know, pero ang masasabi ko lang ay maswerte ang pamilya nila dahil nakapagpatayo sila ng ganitong mansyon,” aniya ko.
Kung titingnan ang mansyon na ito ay para kaming naglakbay sa sinaunang panahon. Ang disenyo kasi nito sa labas ay nag-iisang kulay lang na nagpapamutawi sa buong paligid. Isa pa, parang isang malaking palasyo ito na isa kami sa mga prinsesa na naririto ngayon.
Sinalubong naman kami ng dalawang guard na nasa labas. Kahit taga-bantay lang sila ay elegante pa rin ang kanilang kasuotan na may halong pula at itim ang kanilang uniporme at may ranggo pa na nakadikit sa kanilang mga balikat.
Yes, they're acquired military personnel base sa sinabi ng isang lalaki habang kausap ito ni Xavien. Itininalaga sila upang maiwasan ang mga taong magtatangka sa buhay ng may-ari ng palasyong ito—yon ang pagkakarinig ko sa mga sinasabi nung dalawang lalaki.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives (File 1 Part 2)
Mystery / ThrillerHighschool Detectives (File 1 Part 2) Deception. Dominance. Disparity.