INTRO II (SOCIOPATH)

33 0 0
                                    

Hi, my name is Dexter Mateo Anton Flores.


You can only call me by my full name Dexter Mateo Anton Flores.


Mga close ko lang na kaibigan ang pwedeng tumawag sakin ng kung ano-ano.


Kung di kita ka-close wala kang karapatan, dejoke.


Magulo ako makulit at masasabi kong mabait na tao.


Hindi ako masyadong mahilig mag-ingles kapag nakikipag-usap kahit laki ako sa isang mayaman na pamilya. (Oops)


Hala hala di ko dapat nasabi yun :O


Sige na nga pero wag mo sasabihin kahit kanino ahh


Oo, lumaki ako sa isang broken family na may-ari ng isang business.


Naniniwala ako sa true love, at happy-go lucky ako.


Well.... On the outside yun yung appearance ko.







Ang totoo niyan eh Sociopath ako.


Hindi nila alam tungkol sa akin ay ang totoong ugali ko.


Mapagpanggap ako at tinatago ko palagi ang aking sarili.


Actually nahihirapan akong maglabas ng nararamdaman ko.


Mahilig ako magsulat ng mga poems at magdrawing ng kung ano-ano kapag may problema.


Walang nakakaalam ng totoong ako kundi ang sarili ko lamang.


Magaling ako magsinungaling at madalas ay nagsusuot ako ng maskara para magmukang masaya ako kahit hindi.



Nagsimula ito noong naghiwalay ang dalawang magulang ko.


May bago ng sariling pamilya ang Mommy at Daddy ko.


At ngayon kela mommy ako nakatira.


May bagong asawa na rin siya at mga anak.


Mahal na mahal ko pa rin naman sila kahit ganun.


Mahal ko na rin ang bagong asawa ng aking mommy dahil siya ang tumayong tatay sakin simula ng naghiwalay sila daddy at mommy eh.



Nag-aaral ako ngayon sa Grandview High at grade 9 na ako sa pasukan.


Ilang years na rin ako rito nag-aaral at lumipat nga pala kami sa eskwelahan na ito dahil naghiwalay ang mga magulang ko.


May isang kapatid ako sa aking totoong pamilya at may bagong tatlong na kapatid ako sa bagong pamilya ng aking mommy at isa naman sa aking daddy.


Magulo no? Masasanay ka rin.



Si Gaille? Ahhh parang kapatid ko na yun. Kung maaari gusto ko siya palaging makasama sa school.


Nakakatawa siya, matalino at palagi niya akong tinutulungan kapag may problema ako.


Halos lahat ng kailangan ko ay binibigay niya.


Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil palagi siyang nandyan para sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sociopath x IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon