Chapter One

16 0 0
                                    

Living for twenty years already taught me a lot of lesson. And one of that is 'We shouldn't take anything as advantage.'

"Kaya pa ba?" Tanong ni Neil, isa sa mga kasamahan kong nagtatanim ng palay sa farm. Kahit tagaktak ang pawis at masakit na ang likod ay tumango ako.

"Tibay mo talaga, Mendel." Aniya at bahagyang tumawa. "Hindi ko na kaya. Magmemeryenda muna ako, kung gutom ka na ay pumunta ka nalang sa puno ng mangga na 'yon." Itinuro niya ang isang malaking puno ng mangga sa gitna ng bukid. Nandoon na ang ibang magsasakang kasama namin para mag meryenda.

Alas diez na din kasi ng umaga. Tirik na ang araw at pagod na ang lahat dahil kaninang alas singko palang ay nagsimula na kami sa pagtatanim.

Tumango ako ulit kay Neil, nagpaalam siya sa pangalawang pagkakataon at iniwan ako sa gitna ng bukid.

Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Wala akong panahon para magpahinga dahil kailangan kong makadami ngayong araw. May babayarang project si Yujih, ang pangalawang nakababatang kapatid ko. Hindi naman na masama ang 700 na kinikita ko sa isang araw pero dahil may tatlo akong kapatid na sinusuportahan ay kailangan ko pang mas lalong magsipag.

Pinag-aaral namin ni Kandel ang tatlo naming kapatid. Imbes na mag-aral rin siya ay tinutulungan niya na muna ako. Mag-aaral daw siya ulit kung nakapag-ipon na kami ng malaki-laki. Noong una ayaw ko siyang pahintuin sa pag-aaral pero nang kalaunan ay hindi ko na din siya napilit.

She really wants to help and I don't have any choice that's why I accepted it.

Hindi ako tumigil at nagpahinga hanggang sa umabot ng alas dose. Sanay na ako sa trabahong ganito dahil bata pa lamang ay sinubok na ako ng mundo.

Our parents died when I was 12 years old. Walang gustong kumupkop sa amin ng mga kapatid ko kaya ako na ang nagsilbing ilaw at haligi ng tahanan namin.

At first, it was really hard. Hindi ako sanay sa kung ano-anong trabaho dahil maayos naman ang buhay namin noong mayroon pa ang mga magulang namin. Mama is a teacher and Papa is an Engineer. They already saved some money before they died that's why from the first years of them being gone, we can still survive.

Pero kalaunan ay humanap na ako ng trabaho, kahit bata pa, at kahit wala pang alam. Sinubukan ko.

I don't want to fully spend the money our parents left us. Alam kong lahat ng kapatid ko ay lalaki at lahat sila ay kailangang mag-aral at makapag tapos. I don't want them to live a life that is hard. A life that can't provide them the needs they want. Dahil alam kong mahirap 'yon. At alam kong hindi iyon ang nararapat para sakanila.

"Alas dos daw tayo ulit babalik."

"Okay, May time pa ako para makapagluto kung gano'n." Sagot ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Magkapit-bahay lang kasi kami ni Neil at malapit lang naman iyon sa bukid kaya nilakad nalang namin. Neil is my friend since I was 15. I met him at Mang Kevin farm, isa sa malaking sakahan ng palay at monggo dito sa San Mateo, Isabela.

"Anong lulutuin mo?" Kuryosong tanong niya, bahagya pang nagliwanag ang mukha kaya napatawa ako. Masungit siyang tumingin sa akin.

"Anong tinatawa-tawa mo?" Matapang niyang tanong, akala mo naman ay kaya niya akong talunin.

"Wala, cute mo." Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya 'yon dahil biglang naging pula ang pisngi niya.

Tumawa ako ng malakas ng makitang pulang-pula na siya ngayon. Inirapan niya ako at mabilis na naglakad. Hinabol ko siya pero dahil matangkad at malaki ang hakbang niya ay hindi ko siya nasabayan.

Neil is tall and Yes, handsome. He's also a mestizo, hindi ko nga alam kung bakit hindi siya umiitim gayong babad kami palagi sa araw. Mahaba ang pilik mata at maganda rin ang ayos ng kilay niya. Kung hindi ko ngalang siya kaibigan ay magiging crush ko na sana siya...medyo...slight.

Solace In The Midst Of Chaos (Province Series No.1)Where stories live. Discover now