CHAPTER 1

78 4 1
                                    


*yaaawwwnnn*

 

Tingin sa orasan kung anong oras na and it's still 5 in the morning, early riser ako eh. Naligo na ako at nagbihis ng school uniform namin. It just took me 45 minutes to do all of it then I decided to go down stair. Anyway, I'm Stacy Marie Buenaflor, fourth year  high school student. No need to describe myself cause I already stated in the prologue. Kakatamad eh.


"Good morning Chi" bati sa akin ni Carla Buenaflor , mama ko. Nagtataka siguro kayo noh kung sino si Chi, malamang ako yun ewan ko lang kung saang lupalop nila kinuha eh ang layo-layo nung Chi sa Stacy Marie diba?


"Morning too mama" bati ko rin sa kanya .


"Osya ,umupo ka na at mag-almusal at papasok na rin ako sa trabaho" sabi ni mama habang inaayos ang kanyang damit . Isa pa lang call center agent ang mama ko.


Nag-iisang anak lang ako at dalawa na lang kami ni mama . Ewan ko kung nasaan an gang tatay ko. Sabi ni mama may iba na raw siyang pamilya. Galit ako sa tatay ko kasi hinayaan niya lang kami ni mama. Huwag na nga natin siyang pag-usapan kaka-bv .


"Geh ma, ingat kayo"


"Ikaw rin anak, aral mabuti ah" paalam ni mama.


"Opo "

 

Umalis na si mama at kumain na rin ako. Naglakad na lang ako papuntang school kasi maaga pa naman atsaka exercise na rin ito. Pagdating ko, ipinakita ko kay kuya guard ang I.D ko then hinanap ko kung anong section ako. Maaga pa naman kaya  kokonti pa lang ang students. Habang tinitingnan ko kung anong section ako, may nagsalita sa tabi ko.


"Hi!" sabi niya pero di ko siya pinansin malay ko ba kung ako yung kinakausap niya eh mayroon rin naming ibang students ditto maliban sa amin.


"Hi Stacy!" sabi ulit nung katabi ko pero ako ba yung kinakausap niya. Tiningnan ko na lang siya at ngumiti ng tipid. Di ko siya kilala eh.


"Ahmm , I'm Rence" pakilala niya sa sarili. Di ko siya pinansin at pumunta sa room . Alam ko naman na  kung anong section ko, san pa ba kung di sa top section. Talino ko eh.


Habang naglalakad ako, naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya tiningnan ko kung sino yun. Yung lalake rin kanina sa bulletin board. Tssss, ang kulet naman niya.Di ko na lang pinansin at itinuloy ang aking paglalakad. Call me suplada or anything, ano naman ngayon. Sinabayan niya ako at dumaldal ng dumaldal. Kinwento niya kung bakit niya ako kilala. Classmate nap ala kami since nung first year high school. Sorry naman, di ko talaga siya kilala eh. Nakarating na kami sa room naming and humanap na ako ng magandang pwesto. Umupo ako dun sa last row na tabi ng bintana. Dito ko trip, umay na ako sa harap. Tumabi naman sa akin yunng lalake. Limot ko na pangalan niya eh.Mabait naman siya kaya lang basta masyado siyang maingay. Ayokong-ayoko sa maiingay. Kairita siya kaya pinatahimik ko muna siya.


"Pwede ba tumahimik ka nga" sabi ko sa kanya.


"Kanina ka pa. Di naman kita kilala" dagdag ko pa


"Nagpakilala na kaya ako kanina sayo, I'm Rence" pilosopong sagot niya sa akin. Tsss..I rolled my eyes at him.


"Huwag mo nga akong kausapin"


"But I want to be friends with you"


Di ko na lang siya pinansin. Breaktime na namin pero ayaw kong kumain, busog pa ako eh. Umalis na lang ako at nagtungo sa Garden kasi mahangin dun at tahimik di tulad sa room na ang ingay-ingay dagdag pa yung katabi ko na putak ng putak.


Nakarating na ako sa Garden at nakita ko dun si Rence , yung katabi ko na maingay na kumakain kasama ang isang babae. Baka girlfriend, ang sweet nila eh , nagsusubuan pa. Tumalikod na lang ako at dumiretso sa room. Hinintay ko na lang na mag-bell at nagsimula na rin ang klase. Sa kalagitnaan ng klase, biglang tumunog yung tiyan ko. Shet sana walang nakarinig. Malas nga naman oh, tumunog ulit. Tummy makisama ka naman .


Narinig ko na lang na tumatawa yung katabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya pinilit niyang huwag tumawa. Then after awhile, bigla akong kinalabit ni Rence.


"Stacy ito oh pagkain, binilhan kita kanina sa canteen ng snacks incase na magutom ka kasi di ka bumili ng pagkain mo" sabi niya sabay abot ng pagkain sa akin.


"Huwag na, titiisin ko na lang. Malapit naman ng mag-bell eh." tanggi ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi eh, sinungitan ko siya kanina tapos ito mabait pa rin siya.


"Kunin mo na, huwag ka ng mahiya. Alam kong kaya mong tiisin pero sa tingin ko hindi kaya ng mga alaga mo kaya kunin mo na." pilit pa rin niya.


Sa huli tinanggap ko na rin, gutom na talaga kasi ako. Nagpasalamat na rin ako sa kanya.


Hindi ko napansin na may mga ilang classmate namin ang nakatingin sa amin.Bigla akong nahiya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila.

MY MONSTER CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon