Phase 2 - That Abstain
**
=Ryina's P.O.V=
Sinangga ko ang kamao niya dahilan kung bakit ko sinipa ang pagkalalake niya at sikmuraan siya. Mabilis akong ng round kick sa mukha at tumayo ako habang nakaabang ang kamao ko sakanya. Nakangisi ako na pinagmamasdan siya habang nakahiga na siya.
"Damn you"
Natawa nalang ako habang pinagmamasdan ko na tumatakbo ang nilalang sa tingin ko ay inatake ng duwag. Hay nakuh. Kung sino naman ang lalake ay siya naman ang duwag at walang kakayahang labanan ako.
"Yina. Andiyan ka lang pala!"
Bigla ako napatingin at nakita ko si Lian kasama ang mga Death Princesses. Nakangiti akong sinalabong sila.
"Eh masyadong boring eh. Kaya naghanap ng panglibangan"
"Ano pa nga ba? Hindi naman 'yan bago sayo ang maghanap ng gan'yan klaseng away" Nakasimangot na sabi ni Rian. Natawa nalang ako.
"Masanay na kayo"
Bigla ako napatingin kay Sian na walang pakialam sa mundo. Ngumisi lang ako.
"Oh? May laban ba?" Tanong ko at pinagtutunog ko ang mga daliri ko. Ready eh.
"Wala! 'Wag ka ng umasang may papatol sa atin! Alam mo naman na takot ang mga duwag na 'yon?" Lian.
Bigla ako napabuntong hininga. Oo nanlumo nanaman ako. Hindi na 'to una lalo na't paulit ulit 'to. Wala akong magawa kung 'yan ang totoo. Dahil katunayan ay kahit man mga duwag ang kalaban namin ay atleast ay may kamao akong matatanggap. Wala kasing nagtatangkang lumaban sa amin dahil kinakatakutan kami. Those gangster Rank whick they got Rank 1—definitely coward. We don't count our gang name those cheap Ranking. They just making nonsense that they made us funny.
"Aish! Uwi na lang tayo!"
Padabog akong pumasok sa Bar at kinuha ang bag ko. Nasa bar kami ng kasamahan ko dahil sa katuwaan nila. Hindi ako pumayag sa una pero tila pinaglihi sila ng mga unggoy at makukulit. Pagkauha ko ng bag ko ay lumabas ako pero bago 'yon ay may nabangga ako.
"You must seen your way." Normal na pagkakasabi ko sa nabangga ko. Nakita kong umangat ang ulo niya.
"Pasensiya. Hindi ko nakita ang daan"
Ngumiti siya at umalis. Natulala lang akong naiwan at lumingon. Tila may tumutulak sa akin na alamin siya. Pamilyar ang mukha niya lalo na't ang presinsya niya. Hindi ko siya mamukhaan pero alam kong kilala ko siya!
Luminga ako para hanapin siya at hindi ako nagkakamali na nakita siyang pumasok sa Comfort Room. Sinundan ko siya at hinintay sa labas ng C.R
Sa bawat minuto ay may lumalabas na nilalang na babae kaya napapatingin ako rito. Hindi ko mawari ang sarili ko kung bakit ako nag hahanap o hinihintay ang babaeng 'yon.
"Still waiting?"
Bigla ako napasinghap at mabilis akong lumingon kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Nakita ko ang lalakeng nakasandal sa kabila ng C.R ng mga lalaki.
"For those whom waiting that meaning for death nearing."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya dahilan na maiwan ulit ako dito na nalilito at natulala. Wala akong alam sa sinasabi n'on lalo na't hindi ko kilala ang lalakeng 'yon pero tila may kahulugan ang sinabi n'on at nagawa niya akong palituhin.
Anong ibig niyang sabihin?
Doon ko napansin na walang bakas na babaeng pigurang hinahanap ko at hindi na lumabas. Pumasok kaya ako? Sa halip na pumasok ay umalis nalang ako sa Bar na naguguluhan. Alam kong ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga gan'yan pero tila talagang nagbabanta ito. Hindi ko talaga alam!
BINABASA MO ANG
The Infernal Returned
ActionShe Returned. And The Real Will beginning. Now Everyone's Important will be Lost Too. Because She's Infernal. And The Infernal is Returned. *** Book 2 of The Lost All Rights Reserved® Original & No Softcopies Written By: Yura_Hye_Shien