Blurb

6 0 0
                                    

Malas. Iyon ang nasa isip ni Nico nang muntikan na niyang mabangga ang isang magandang dilag. Dahil sa malakas nitong bunganga ay umurong ang awa na naramdaman niya. Lakas-loob pa siya nitong binato ng suot nitong sapatos. Dahil sa inis ay papatulan na niya ito ngunit bigla itong nahimatay.

Palabiro, makulit, at madaldal. Iyon si Samantha. Laki siya sa probinsya kaya naman ay lumuwas siya sa maynila upang makipagsapalaran. Para sa kanya ay hulog ng langit ang pagtatagpo nila ng binatang si Nico kahit ubod ng sungit nito. Kaagad niyang tinanggap ang alok ng binata na tumira pansamantala sa pamamahay nito.

Hindi niya namalayan na nahuhulog na pala ang loob niya rito. Ngunit alam niyang mali, at sa huli'y masasaktan lamang siya. Dahil langit ito, at lupa siya. Tatanggapin kaya niya ang alok nitong maging Mrs. Nicholas Monteverde?

A/N: This is a story of fiction. Imagination ko lang po itong lahat 😜

The Ceo's Probinsyana WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon