Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

Nicholas Monteverde

“Nico!” Hindi ko siya pinansin. “Nico! Mag-usap tayo! Ano ba?”

Kaagad akong pumasok sa sasakyan at pumaharurot paalis ng condo. Nahampas ko ang manibela dahil sa inis. I just saw my girlfriend cheating on me. Kung hindi ko pa sila nakitang magkasama sa iisang kama, baka natuloy na ang balak kong pag-propose sa kanya.

“Fuck!” malakas kong sigaw. Kung hindi pa ako nakapagtimpi ay baka nasaktan ko na pati si Patricia. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. “Damn it!”

Balak ko pa sanang yayain magbakasyon sa ibang bansa. I was too stunned to speak nang makita silang magkayakap. Gusto kong basagin ang bungo ng lalaki pero hindi ko ginawa. I am not a monster, at least.

Di-diretso na sana ako nang biglang may tumawid at huminto sa gitna ng kalsada. Bumusina ako ngunit hindi sila natinag. “Fuck! Get out of the way!” inis kong sigaw kahit hindi naman nila ako naririnig.

Huli na ang lahat. Pikit mata kong inapakan ang preno ng sasakyan. Hinanda ko na rin ang aking sarili baka sakaling mapuruha ako. Dumaan ang ilang segundo, walang nangyari. Pigil-hininga kong iminulat ang aking mga mata. Nakatayo pa rin sa harap ng aking sasakyan ang dalawang babae.

“What the hell? Are you dumb?” Galit akong bumaba sa sasakyan. Halos pumutok na ang ugat sa aking sentido dahil sa galit. Muntik pa akong mabangga dahil sa katangahan nv dalawang ito. Napansin kong natigilan ang dalawang babae. Napalunok pa ito, ako man ay natigil din nang magtagpo ang aming paningin. Naikuyom ko ang aking kamao.

“What are you doing? Are you trying to kill me?” galit kong tanong sa mga ito.

Nang magsimulang nagsalita ang babae ay kusang natigil ang pag-inog ng mundo para sa akin. Hindi ko naririnig ang kanyang mga sinabi. Nakatitig lang ako sa kanya na parang baliw. Muntik ko ng i-umpog ang sarili kong ulo sa sasakyan.

“What's happening to me?” gulat kong tanong. Umiling-iling pa ako upang magising sa realidad. Wala sa sarili akong bumulong habang naglalakad pabalik sa aking sasakyan.

Pagbukas ko ng pinto ay biglang may tumama sa aking batok. Gulat akong napayuko nang tumambad sa akin ang isang sapatos. Galit kong nilingon ang babae at sisigawan na sana ito nang bigla na lang itong mahimatay.

Nakatulala akong nakatingin sa kanila. Nagsimulang dumami ang mga nanonood. Sigaw nang sigaw ang kasama nito. At dahil ayaw kong magmukhang masama sa harap ng tao, lumapit ako at binuhat ang babae. Sa sobrang gaan ay nagulat ako.

“I'll bring her to the hospital,” presinta ko pa. Aligaga naman na sumunod sa aking ang kasama nito.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tumulong pa ako. They are not my responsibility. I knew something was not right the moment I saw her. Hindi tuloy ako mapakali habang nagmamaneho. Kaagad siyang inasikaso ng doktor.

“How is she?” inip kong tanong pagkatapos na mabigyan ng pangunahing lunas ang babae.

Pairap na lumingon sa akin si Mateo. “She’s fine, Nico. Nahimatay lang siya dahil siguro sa sobrang pagod and having an empty stomach triggered it,” nakangiti niyang sagot sa akin.

I don’t know but I got irritated seeing him smiling while saying those words.

“Tsk. Are you sure?” asik kong tanong sa kanya.

“Of course. What do you think of me, manghuhula? Tss. She needs some rest,” nakangiti pa rin niyang sabi habang nakatingin sa akin. Nanunukso siyang ngumisi. 

“Okay, you can go now. And stop fucking staring at me like an idiot,” inis kong sabi. “I’m going to pluck your eyes out,” pananakot ko pa.

“Haha! Bro, chill. I’m just happy to see you helping others. She must be something,” sabi niya na binigyan ako ng makahulugang tingin.

“Something, my ass. Stop it and get out,” pagtataboy ko kay Mateo. “I don't need your opinion,” seryoso kong sabi kaya lumabas na rin siya ng silid habang nakangiting umiiling.

Bumukas ulit ang pinto kaya naman inis akong lumingon. Muntik na akong sumigaw ngunit nahinto ako nang pumasok ang kasama ng babae. May bitbit itong supot ng pagkain.

“Ito na po yong pinapabili ninyong pagkain, S-Sir,” parang takot nitong sabi sabay abot sa akin ng sukli.

Mabilis akong umiling. “Sa inyo na iyan.”

Gulat siyang tumitig sa akin. “P-Po?” Huminga siya nang malalim nang hindi ako sumagot. “Salamat po, Sir, pero hindi po ako nanghihingi ng pera at baka po magalit si Ate Ganda—” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang may nambatok sa kanya.

Sabay kaming napalingon sa babaeng nakaupo na ngayon sa kama. “Hoy, anong magagalit? Grasya na nga ang lumalapit sa iyo, tatanggihan mo pa. Saka hindi ba at nanghihingi ka ng pagkain sa akin kanina kasi gutom ka? Naku!” sabi nang babae na hinihimas ang sariling ulo. “Dapat lang na tanggapin mo iyan. Muntik na akong mamatay sa nerbiyos dahil sa lalaking iyan. Saka kailangan mo ’yan,” pangangaral pa ng dalaga.

“Pero Ate, kailangan ba talagang batukan mo ako? Masakit po ang ulo ko. Baka naalog na utak ko. Alam mo namang gutom ako,” nakasimangot na turan ng dalagitang babae sa kasama nito.

“Sorry naman.”

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. “How are you feeling?” singit kong tanong sa usapan nilang dalawa. Lumingon sa akin ang babae bago sumagot.

“Hmm.” Nanlilisik ang mga mata ng dalaga. “Mabuti na lang at hindi ako natuluyan. Kapag nagkataon ay mumultuhin kita.”

Gulat akong tumitig sa kanya. “Multo? Are you crazy?” tanong ko. Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa batok.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagngingisihan ang dalawa habang nagtitinginan at para bang may pinag-uusapan sila na sila lang din ang nakakaintindi.

“Hindi. My name is Samantha, not Crazy,” nakangiti at pabalang niyang sagot na naging dahilan upang humagalpak ng tawa ang kasama niyang babae.

Mga baliw!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago muling nagsalita. “Are you making fun of me?” tanong ko habang nakatiim ang mga bagang. Nahinto sa pagngisi ang dalawa. Lumingon sa akin si Sam— I don't care about her name.

“Ikaw? Tsk. Hindi ka nakakatuwa, okay?” aniya.

Hindi ko alam kung bakit ako napatitig sa kanyang mga mata. Kulay abo ito na bagay sa kulay niyang morena. I was hypnotized for a moment at nahalata niyang nakatitig ako sa kanya.

Malakas siyang tumikhim. “Hmm. Nagandahan ka ba sa akin?” pakindat niyang tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ceo's Probinsyana WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon