CHAPTER THREE

21 2 24
                                    



Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko s'ya ng malakas kaya napaupo s'ya sa sahig. Kinuha ko ang batuta ko sa gilid ng lamesa at akmang ihahampas ko sa kan'ya ito nang biglang tumayo s'ya at takot na takot na tumingin sa akin.

"P-Pare ano bang nangyayari sayo?!" Pasigaw na tanong n'ya sa akin kaya napahinto ako at parang nahimasmasan.

"Lester, kakaiba ang pakiramdam ko." Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagkalito.

Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. Nakikita ko rin sa kanya ang takot at pagkalito sa mga ikinilos ko. Nawala na ang kaninang nakakatakot na itsura n'ya.

"Ivan, may problema ka ba?" Tanong n'ya sa mahinahong paraan. Umiling lang ako sa kan'ya. Kahit ako hindi ko mawari kung anong nangyayari sa akin.

Napabuntung-hininga s'ya at nagsimulang magsalita.

"Kung may problema ka, nandito ako para may makakausap ka. Ayoko lang makita na parang nababaliw ka at nagsisigaw ng walang dahilan."

Nagsisigaw?

"Hindi ako sumigaw, lester."

"Anong hindi?! Eh bigla ka na nga lang sumigaw nung hinawakan ko 'yong tasa ng kape na 'yon." Tinuro n'ya ang kape kaya agad-agad akong tumayo para tingnan ito.

Nanlaki ang mata ko nang makitang umuusok pa rin ito at walang bawas kahit na konti.

Nakapagtataka, nakita kong ininom n'ya 'yon kanina at sinabi pa n'yang kakaiba ang lasa nito.

Nagsalita si Lester sa likod ko kaya nanatili akong nakatayo at nakatulala sa kape habang nakikinig sa kan'ya.

"Natakot nga ako sa itsura mo eh, para kang papatay ng tao. Kaya nong hinawakan kita bigla mo na lang akong itinulak. Ano bang meron sa kape na 'yan at ganon na lamang ang naging reaksyon mo?" Humarap ako sa kan'ya at nagulat pa s'ya nong hawakan ko ang balikat n'ya.

"B-Bakit?" Tanong n'ya.

"May pera ka ba? Samahan mo ko may pupuntahan tayo," sabi ko sa kan'ya na ikinakunot ng kan'yang noo.

"Pero paano 'yong alak?"

"Tsk! Mamaya na 'yan mas mahalaga 'to."

Agad-agad kaming umalis ng apartment at kahit ayaw n'yang sumama ay pinilit ko s'ya. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang kaba. Mabilis na lang ang byahe dahil ala-una na ng madaling araw.

Pagkababa namin ng jeep ay nagmamadali akong maglakad patungo sa karinderyang kinainan ko kanina dahil sigurado akong 'yon ang dahilan ng mga nangyayari sa akin kanina.

"Pre saan ba talaga tayo pupunta?" Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napahinto ako sa isang malaking basurahan dahil sigurado akong dito na banda 'yon. Ngunit kataka-takang walang kahit anong nakatayo na karinderya o bahay man lang dito, kundi isang bakanteng lote na parang napaglumaan na ng panahon. Lumapit ako dito at hinawakan ang mga wasak na kahoy na nakadikit sa pader na isang lindol na lang ay siguradong mawawasak na.

"Pare ano bang ginagawa natin dito?" Tumingin ako kay Lester at saka nagsalita.

"Dito sa mismong kinatatayuan natin, dito ako kumain kanina-kanina lang." Halos matawa siya sa mga sinabi ko.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"

"Karinderya 'to kanina. May mga tao pang kumakain at maraming putaheng masasarap. Hindi pa nga ako nakapagbayad dahil wala akong pera at pinangako ko sa tindera na babalik ako para magbayad at kumain ulit."

Sa pagkakataong ito ay tumawa na s'ya ng malakas kaya medyo nainis ako at tumingin na lang sa iba.

"Pre nakadr*gs ka ba? Paanong magiging karinderya 'to eh mukhang matagal ng abandonado ang lugar na ito." Ganon din ang ipinagtatakha ko. Naghahalucinate lang ba ako kanina dahil sa sobrang gutom?

Ngunit sigurado akong hindi, dahil nararamdaman ko pa sa aking tyan ang kinain ko kanina. Hindi pa ako natutunawan.

Pumasok ako sa madilim na bahagi ng lugar na ito at para s'yang isang kwarto. May mga wasak na kahoy at malalapad na tabla na mukhang lamesa at upuan. Napansin ko rin sa gilid ang isang electricfan na wasak at nangangalawang na. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong iyon ang electrifan na nasa tabi ko habang kumakain.

Nilapitan ko ito at kinuha ang isang parte nito, pagangat ko nito ay may bumagsak na isang bagay na parang picture frame. Dahan-dahan ko itong inabot at tinignan. Dalawang babae ang nasa larawan, magkamukha sila at hindi ako pwedeng magkamali isa sa kanila ang nagserve sa akin ng pagkain kanina. Ang tanging kaibahan lang sa itsura nila ay ang kanilang mga ngiti. Mas malapad at halos umabot na sa tenga ang ngiti ng isa at ang isa naman ay normal at maamo kung ngumiti.

Tinitigan ko ang picture at habang tumatagal ay para akong nahihipnotismo nito. Nagulat ako at nabitawan ang picture frame nang bigla kumaway sa akin ang babae nasa litrato na kakaiba kung ngumiti.

Nabasag ang salamin nito at tumalsik ang bubog sa binti ko kaya agad umagos ang konting dugo dito. Lumapit sa akin si Lester, nakita n'yang ang picture na nahulog ko at pinulot ito.

"Huwag mong hawakan 'yan. Baka kung ano ang gawin sa 'yong ng isa sa mga babaeng nandyaan." Babala ko sa kan'ya.

"Isa sa mga babae? Isa lang naman talaga ang babaeng nandito." Sabi n'ya kaya agad na kumunot ang noo ko.

Sinilip kong muli ang litrato ngunit nakakapagtatakang mag isa na nga lang ang babae sa litrato.

Bigla akong napatingin sa bahaging madilim sa bandang dulo nang mapansin kong parang may mabilis na tumakbo doon. Agad akong tumakbo sa gawing 'yon at iniwan si Lester, na sumisigaw na bumalik ako.

Hinahabol ko pa rin ang anino hanggang sa makarating ako sa isang pintuan na nakakandado. Ito lamang ang bahaging ito na hindi nasira sa lugar na ito bagkus ay maalikabok lamang. Ang padlock ay kinakalawang na sa sobrang katagalan. Hinawakan ko ito at pinilit buksan gamit ang aking kamay ngunit napahinto ako dahil sa ingay na narinig ko mula sa loob.

Tinapat ko ang tenga ko sa pintuan at tumaas lahat ng balahibo ko ng pagtingin ko sa aking harapan ay may babae ding nakangiti at nakatapat ang tenga sa pintuan na mistulang ginaya kung ano ang aking ginawa.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nakikinig?" Nanlaki ang mata ko at halos mawalan ng ulirat dahil sa sobrang pagkabigla. Tumawa pa s'ya ng malakas na nagpakirot sa aking ulo. Hinawakan ko ang sentido ko sa sobrang sakit parng nasa loob ng utak ko nangagaling ang tawa n'ya.

"Sino ka ba?! Tigilan mo na ako!" Sigaw ko habang nakatakip sa aking tenga ang mga kamay ko.

Nawala ang pagtawa subalit napalitan ito ng pagiyak na nagmumula sa loob ng kwarto.

"Pakiusap tulungan mo ko, pakawalan mo ako dito." sabi ng tinig ng isang babae sa loob ng kwarto.

---
To be continue..

PUTAHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon