Chapter 10

24 4 4
                                    

---------------------

"Wala tayong magagawa ganun talaga"

"Di na natin mababago yun. It's kind of fun naman"

"Alam mo hindi naman nya talaga kami pinipilit, kami yung nag vo-volunteer"

"Sinasamahan namin sya kasi she always comes alone there. Bago naman kami pumunta dun we always make sure na nkapag celebrate na kami with family bago pumunta dun or sinasama namin sila"

Yan ang mga sagot na natanggap ni Marx sa pagtanong tanong sa mga kasamahan nya. After her boss rejected his suggestion di sya sumuko and tries to collect some comments to be used as a weapon so Glaiza would realize and change her mind, but thinking of mukhang sya pa yata ang nakakarealize

"Ang lalim naman ng iniisip mo"—Natasya

Nagulat nalang si Marx nang biglang may magsalita sa tabi nya

"Oh Nat kanina ka pa ba dyan?"—Marx

"Hindi naman mag piprint sana ako kaso nandyan ka eh"—Natasya

Agad namang tumabi si Marx nang malaman nyang kanina pa pala sya naka harang sa printer kaya pala kanina ay may pabalik balik dun

"If you're still thinking na kaya mo syang papayagin to have a Christmas party mas mabuting ngayon tigilan mo na mapapagod ka lang hindi matitibag yun"—Natasya

Nilingon ni Marx ang dalaga na ngayon ay nag aayos ng mga bondpaper

"Wag mo na din masyadong ipilit baka mamaya mawalan ka pa ng trabaho at di mo na makita ang babyluvs mo"—Natasya

"Masyado naman yata syang allergic sa pasko di ko lang maintindihan, ang hirap nya intindihin para syang emoji mandaming meaning yung pinapakita nya"—Marx

"Well kung emoji yung reason kung bakit allergic sya sa pasko it will be party popper, skull, and cross"—Natasya

Nagtatakang tingin ang ginawad ni Marx sa babaeng brochure, nakatingin lang sya rito nang huminto ito at nilingon sya

"And one more thing... hindi sya allergic sa pasko; kung allergic sya edi sana di na sya pumupunta sa Angel Home para dun magpasko... If you love your job and you love her tigilan mo na yan hmm"—Natasya

At nagpatuloy sya sa paglalakad habang naiwan si Marx na naguguluhan

–A NIGHT AFTER CHRISTMAS–

Nakatingin si Trina kay Mina na nilalaro ang mga bago nyang laruang binili ni Glaiza nang biglang may pumasok sa pintuan at sabay silang napalingon

"Tito pogi!" tila kuminang ang mga mata ng bata nang makita nya si Cabin, agad syang lumapit at niyakap ito at binuhat naman sya ni Cabin

"May surprise sayo si tito pogi" Mas lalong lumiwanag ang muka ng bata sa sinabi ni Cabin "Pero... pero good girl ka ba kanina?" dagdag pa nito kaya tumango tango naman ang bata

"Wehh, sabi ng tita mommy mo umiyak ka daw eh"—Cabin

"Kasi... kasi, I can't find tito Cal in hide and seek"—Mina

"Then kailangan ba umiyak?" tanong nito, umiling naman si Mina "It's just a game ok?" dagdag pa nya na tinanguan ng bata

Binaba nya muna ang bata para kunin ang regalo sa labas habang si Mina naman ay tinatakpan ang sariling mga mata

"No peeking, ok?"—Cabin

"Cabin, that's too much."—Trina

"It's ok... open your eyes na"—Cabin

TimelineWhere stories live. Discover now