Chapter 11

21 2 8
                                    

While driving home, Marx suddenly stops in the center of nowhere.

Paulit ulit na bumabalik sa isipan nya ang hindi nya masagot sagot na mga tanong ni Glaiza

"Where is she now?"

"Bakit di mo sya kasama?"

"Mahal mo ba sya?"

"Anong pangalan nya"

"Kayo ba?"

etc...etc. Napatingala nalang sya pilit pinipigilan ang pag agos ng luha.   "She's right. Where are you, Cha; I mean, I found someone who could be you, but there are two of them. I don't know which one of them is you. Ayoko namang maniwala sa mommy mo na..." He paused and let his tears fall, hearing those words over and over again in his mind.

"Celeste is dead, Marx. She's gone. Ten years ago."

He was scared, really scared, frustrated, and out of his mind; Marx drove fast while tears flowed due to sadness and grief, not focusing on the road when a dog suddenly crossed the road; fortunately, he braked immediately.

"Gail! OMG!!" Sigaw ng isang babae sa gilid ng daan nakatingin sa aso nyang tumawid ng biglaan. Agad ding bumaba si Marx sa sasakyan at tiningnan kung maayos ba ang lagay nito buti nalang ay hindi ito nabalian o nasugatan

"Gail naman ih papatayin mo ako sa kaba" wika ng babae habang tinitingnan kung may sugat ba yung aso nya

"Nat?" Naguguluhang tumingin ang binata sa babaeng nasa harapan nya halos umupo sa kalsada masiguro lang na walang sugat ang alaga

"Marx? ikaw pala pasensya na may hinabol kasi syang pusa bigla nalang syang tumawid di ko nahawakan ng mabuti yung tali nya"—Natasya

"Ang importante ayos lang sya... nga pala bat gabi mo na sya pinapasyal"—Marx

"May binili kasi ako dyan sa kanto eh eto naman ayaw magpaiwan"—Natasya

"Oh I see. Hatid ko na kayo"—Marx

"Ay nako wag na dyan lang naman eh" pagtanggi ni Natasya sa alok ni Marx ngunit wala na syang nagawa nang biglang pumasok si Gail sa kotse nagtinginan nalang ang dalawa at bahagyang natawa

Marx drove them home, and while they were on their way home, they had a little chat; after delivering Natasya. He couldn't help but think about their small talk. He felt comfortable and complete while being with and talking to Natasya

=

"Excited na ako sa pasko"—Natasya

"Same, lalo na pag may fruit salad"—Marx

"Oy oo! Tapos may..."—Natasya

"Mansanas" sabay nilang wika, napatingin sila sa isa't isa at nagtawanan

=

"What a night" Nakangiti nitong sambit habang nagmamaneho pauwi ngayon totoo na to alam na nya kung sino... hindi mawala sa labi nya ang matamis na ngiti hanggang sa pag pasok nya sa bahay nila

"Ang saya naman ng unico ijo ko"—Val

"Nay, magandang gabi po" sinalubong ni Marx ang nanay  nya ng yakap at may ngiti sa labi nito

"Magandang gabi... napakaganda naman ng gabi ng prinsipe ko ano kayang meron" puno ng kuryosidad na pagtatanong ni Val habang nag aayos ng hapagkainan

"Nay nakita ko na sya"  tila tumigil ang mundo ni Val nang marinig nya ang mga salitang lumabas sa labi ng kanyang anak "Nakita ko na si Celeste nay buhay sya" dagdag pa nito

TimelineWhere stories live. Discover now