Aiah's Pov
"Ate gising na" panggigising ni Sheena sakin kaya tumayo ako kahit inaantok pako. Nang may bigla akong naalala. 'WAIT! Yung kagabi! Panaginip lang ba yung nangyari kagabi?
"ate bakit natulala kana jan?" Tinignan ko lang sya at hindi sinagot
"Kumain kana ba?" pag iiba ko ng usapan
"Opo ate nagdala si kuya Clyde kanina ng pagkain"
"Ah ganon ba, hindi kapa ba papasok? "
"papasok narin po, nga pala ate daan ka daw sa bahay nila kuya Clyde may ibibigay daw sya sayo. Bye ate" pag papaalam nya at sabay ng paghalik sa pisngi ko
"mag ingat ka at mag aral ng mabuti bunso"
"opo"
Maya maya lang ay bumangon na ako at naligo dahil pupuntahan kopa si Clyde. Pag labas ko ng bahay ay agad akong sumakay sa dumaan na tricycle.
"pasok ka muna" pag alok sakin ni Clyde
"hindi na may dadaanan pa kasi ako e"
"ito nga pala yung pera mo"
"thank you Clyde mababayaran kona rin ang pang tuition ni Sheena at yung utang namin sa may ari ng bahay"
"wala yun Aiah, sige na may pupuntahan kapa diba?" pag papaalala nya
"thank you ulet Clyde, babawi ako sayo. Mauuna nako" pagpapaalam ko
Natapos ang araw nabayaran ko narin ang utang namin sa bahay at pang tuition ni Shee. Ang iisipin ko naman ngayon ay ang trabaho na pwede kong pasukan dahil di ko na balak ang bumalik pa sa bar na iyon.
--------------
Lumipas ang ilang linggo ay okay na ang lahat. Pinasok siya ni Clyde sa cafe na pinagtatrabahuhan nya. Hindi sapat ang sahod kung sa cafe lang siya magtatrabaho kaya sumasideline siya bilang isang waitress sa isang restaurant, tinatawagan lang sya pag may umaabsent o di kaya'y merong nagle-leave na empleyado.
Pag uwi ko sa bahay galing sa cafe na pinapasukan ko ay nakita ko si Sheena na nag gagawa ng kanyang project."Hi bunso, kumain kana ba?" pagtanong ko sabay halik sa pisngi niya
"hindi pa ate, inaantay kasi kita"
"halika na at para matapos mona yan at makapagpahinga na tayo"
"okay ate"
Matapos naming kumain ay agad na sinimulan ni Shee ang pag tapos sa project nya at ako naman ay umakyat na sa kuwarto ko para maligo at mag ayos para mamaya ay matutulog nalang. Nahiga ako sa kama ko habang nagcecellphone at dahil sa sobrang daming customer kanina sa cafe ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod.
-------------
Bigla akong napabangon dahil nasusuka ako, mabilis akong nagtungo sa cr upang sumuka ngunit wala naman akong masuka.
These past few days ganito ako. Nagsusuka, nahihilo at mapili na rin sa pagkain."ano ba ang nangyayari sa akin" tanong ko sa harap ng salamin
"ate nandito na si kuya Clyde, sabay na daw kayong pumasok" katok ni Shee sa may pinto
Tamang tama mag papaalam muna ako kay Clyde na mag rerest day ako ngayon para makapag pacheck up din ako baka mamaya may malalang sakit na pala ako.
"Clyde pwede ba mag rest day muna ako ngayong araw pupunta lang akong hospital"
"huh bakit?" pag aalalang tanong nya
"hindi ko kasi maexplain, these past few days kasi nanghihina ako tapos nahihilo at nagsusuka tuwing umaga. Baka kasi may sakit na ako, kaya magpapacheck up muna ako" tila binigyan nya naman ako ng makahiligang tingin
"hindi kaya buntis ka?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya
"nagpapatawa ka ba? Pano naman ako mabubun-" naputol ang sasabihin ko nang maalala ko yung nangyari nung nakaraang linggo
"b--- buntis ako?" napahawak ako sa aking bibig hindi ito maari.
-------
Sorry guys medyo matatagalan ang next ud may inaasikaso pa kasi ako. Pabitin muna, sana magustuhan nyo 😊Short ud lang po muna hehehe
YOU ARE READING
One Night With The Stranger (Mikhaiah)
FanfictionDi po aking story to pero madami po akong binago. Sana po magustuhan nyo. R🔞