Prologue

15.4K 139 16
                                    

Aiah's POV

"ate gising na" panggigising ng aking kapatid.

"sheena ano ba?!" sagot ko sa kanya, nasa kalagitnaan kasi ako ng aking panaginip.

"ate Aiah diba sabi mo gisingin kita kasi maghahanap ka ng trabaho?" sabi niya

"Trabaho?" napaisip ako sa sinabi niya

Oo nga pala maghahanap ako ng bagong trabaho dahil natangal ako sa dati kong trabaho. Hindi ko alam bakit nila ako tinanggal pero ang sabi nila kailangan daw magbawas ng trabahador sa kumpanya.

"bakit di mo sinabi kaagad?" naiinis kong sabi sa kanya

"ate kanina pa kita ginigisng ang sarap pa nga ng hilik mo eh"

Hindi nako umimik at dali daling tumayo naligo at nag bihis

"sheena aalis na ko" pag papaalam ko

" ate ingat ka ha?" sabi niya habang nag susuklay dahil nag hahanda na sya papasok sa school

"shee ito na pala ang baon mo" pag abot ko sa kanya ng kanyang baon

"ate baka magkulang pamasahe mo"

" hindi na maglalakad nalang ako papuntang sakayan" sabi ko habang inaayos ang bag ko

"sige ate, wag ka mag alala pag nakagraduate nako ikaw naman ang tutulungan ko" ngumiti ako at yumakap sa kanya

"naiyak naman ako dun, ikaw talaga, sige na aalis na ko" pagpapaalam ko

Kung itatanong nyo kung mahirap lang kami, hindi kayo nagkakamali. Namatay ang mama namin 5 years ago at ang papa namin ay may iba ng pamilya.

Mahirap para sakin ang tumayong magulang para sa kapatid ko. Minsan napapatanong ako sa dyos bakit ganito ang naging buhay namin. Minsan gusto ko nalang sumuko ngunit di pwede para sa kapatid ko.

'Si sheena ang kapatid ko'

'Siya ang buhay ko'

Si sheena ay Senior High na. Napaka daldal ng batang yan at energetic. Lahat ng trabaho nasubukan kona pag jajanitress, pag lalabandera at yaya. Kulang nalang pumasok ako sa club para may pang tustos lang para sa pag aaral at pangangailangan nya, pero di ko ginawa dahil alam ko balang araw makakahanap din ako ng taong makakatulong at makakatuwang ko sa buhay para maiangat ko ang buhay namin magkapatid.

Naglalakad ako sa kahabaan ng Maynila.
Kalahating araw na pero wala parin akong mahanap na trabaho. Kumakalam narin ang sikmura ko.

"Ate pabili po ng Sky Flakes at softdrinks" sabi ko sa tindera

"Ito ineng oh" pag abot ng tindera sa binili ko

"salamat po" pagpapasalamat ko. Ito lang ang kayang ibili ng pera ko kaya tiis tiis lang.

Hindi ko mapigilang lumuha habang iniinom ang softdrinks na bili ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko e.

Awang awa na ko sa sarili ko pati na rin sa kapatid ko. Maswerte nalang kami kapag nakakakain ng tatlong neses sa isang araw.

Hindi kona alam kung saan ako kukuha ng pangkain namin araw araw kaya kailangan ko ng makahanap ng trabaho.

Maya maya pa napag desisyunan ko ng umuwi bukas nalang ako ulit magbabakasakali.

Sinalubong ako ni shenna na umiiyak "ate kailangan na daw natin umalis bukas dito sa bahay sabi ng may ari"

Dali dali akong umalis at naghanap ng tricycle para puntahan ang may ari ng bahay.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bahay ni Aling Beth.

"Ilang buwan na kayo hindi nagbabayad ng upa kaya kailangan nyo ng umalis kung hindi ipapabarangay ko kayo" sabi ni Aling Beth

One Night With The Stranger (Mikhaiah) Where stories live. Discover now