BFL 7 - Why?

203 7 8
                                    

Shane’s POV

Dalawang araw na simula nang mawala si Jezelle at hanggang ngayon di pa rin namin alam kung nasaan siya. As in, sumasakit na yung ulo namin kakaisip tapos inereport na rin namin to sa pulis ngunit wala pa ring improvement. Alam na rin ng mga parents namin, nung una disappointed sila sa akin buti na lang naniwala sila at to my surprise ipinagtanggol ako ni Nick.

Flashback

‘’What?’’ kung ano yung reaksyon ni Nick nung una yun din ang reaksyon ng mommy niya

‘’Tita , ahm, mom , di ko naman sinasadya saka saglit lang akong nakipag-usap sa kaibigan ko and I swear nasa tabi ko pa siya nun pero di ko na alam kung bakit nawala na lang siya bigla’’ naiiyak na ako dahil lahat nalang ay ako ang sinasabihang may kasalanan.

Bakit? Masama ba ang kausapin ang kaibigan? Binantayan ko naman talaga si Jezelle eh at lalong di ko siya pinabayaan. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa akin?

‘’Maica, bakit ka naman nakikipag-usap ng di mo man naisip na may bata kang kasama?’’ nag-aalalang tanong ni mommy sa akin, oo yung mommy ko talaga

‘’Mom, pati ba naman kayo?’’ alam kong para na akong tanga kasi tumulo na lang yung luha ko saka humagulhol.

‘’Baby, hindi naman sa ganun’’ hinahagod ni mommy yung likod ko pero di pa rin ako tumatahan

‘’M-mommy, bakit ba ang malas malas ko? Di ko naman talaga sinasadya, yun eh’’

‘’Maica iha, alam namin yun pero di mo maaalis yung pagkabigla namin, I know di mo siya pinabayaan’’ sabi ng daddy ni Nick

‘’S-sorry , sorry, ‘’ grabe lang yung iyak ko dahil nakatakip sa mukha ko yung mga kamay ko at saka humagulhol hanggang sa naramdaman kong parang may bumuhat sa akin, paglingon ko si Nick pala. Medyo nagulat ako dahil kanina pa siya tahimik simula nang dumating yung parents namin akala ko wala siyang pakialam , ang seryoso siyang nakatingin sa kanila saka sinabing

‘’I guess, kailangan muna nating magpahinga lalo na si Shane , iaakyat ko lang po siya sa taas’’ sabi ni Nick nang di pa rin ako tinitingnan. Yes, si Nick lang ang tumatawag sa akin na Shane dahil Maica nga yung iba pero Nick uses my first name.

Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako, magpupumiglas sana ako ngunit naisip kong parang di ko kayang tumayo , lalo na at naaalala ko lahat ng kamalasan ko. Instead sa kwarto ko kami didiretso eh dinala niya ako sa kwarto niya.

‘’Magpahinga ka muna, huwag mo munang isipin yung mga sinabi nila’’ Nick said

‘’B-bakit Nick?’’ naguguluhan kong tanong

‘’Because kailangan mo ng pahinga at lahat naman siguro tayo ay pagod at wala pang tulog’’ sagot niya pero tinanong ko pa siya kung bakit sa kwarto niya ako dinala

‘’Sa tingin ko sisisihin mo na naman ang sarili mo sa pagkawala ng kapatid ko at alam kong di ka pa natutulog so nandito ka ‘’di niya ako tinitingnan habang sinasabi sa akin yan

Ngayon ko lang nagets lahat ng sinabi niya pero bakit? Bakit bigla siyang bumait sa akin ?

‘’Thank you ‘’ nahihiya kong sabi sa kanya

‘’Pero yun naman diba yung gusto mo? Ang masisi ako at magalit sila sa akin tapos ipaghihiwalay tayo at bumalik na sa normal ang buhay mo?’’

Pagkasabi ko nun ay agad siyang napalingon and I swear, I could see the anger in his eyes after I said those words to him.

‘’Sinong may sabi sayo?’’ seryoso niyang sabi na halatang may iba sa tono ng pananalita niya

‘’Alam ko lang, simula nang ikasal tayo iba na ang turing mo sa akin, oo, galit ako dahil sa mga ginawa mo sa akin pero bakit Nick? Bakit parang wala tayong pinagsamahan at bakit ang harsh mo sa akin ?’’ di ko na alam lahat ng sinasabi ko basta yan ang nasa isip ko, huli ko nang marealize na parang iba na yung pinagsasabi ko

‘’Nick, bbakit nga pala nagawa mo yun? Akala ko ba totoo kang tao that I could trust you? Kahit ba panget ako nun sa paningin mo ay wala ka bang naramdamang kakaiba ? Kasi ako meron eh pero sinaktan mo ako’’

Sa totoo lang, ngayon ko lang nasabi to lalo na ang tungkol sa aming dalawa na para sa akin one of the most miserable thing that happened in my life.

‘’S-shane, ‘’ tawag niya sa akin pero di ko siya tinitingnan

‘’I guess babalik na lang ako sa kwarto ko’’ sabi ko dahil nag-iba na yung mood naming at parang may tensyon na namamagitan sa aming dalawa

Nang di pa rin siya sumasagot ay tumayo ako at humakbang papunta sa pinto pero bago pa mangyari yun ay he hold my wrist at di ko inaasahang mapapaupo ako sa lap niya. Yes,, nagulat ako pero bigla ko nalang naramdamang unti-unting nababasa ng tubig yung leeg ko, uniiyak siya pero bakit? Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak at saka nakaupo ako sa lap niya, siniksik niya yung mukha niya sa may leeg ko at dun umiiyak habang di ipinapakita sa akin ang mukha niya.

‘’Nick, d-di k-kita maintindihan’’ nauutal kong sabi na para bang anumang oras eh mawawalang ako ng lakas

‘’I’m sorry, I’m sorry’’ and that’s it, nagulat ako dahil nagsorry siya habang umiiyak and parang may naramdaman akong tumutusok sa puso ko, I can’t bear seeing him crying because of me, ewan ko kung ano tong nararamdaman ko.

Author’s Note:

Uh.hu . Tagal kong di nakapag-update due to some factors at isa na ang katamaran, aminin, kayou din ano? Haha. Anyway, ang totoo niyan busy sa school and oopps, sinong gagraduate ngayong year especially high school? Thumbs up sa inyo guys lalo na sa akin! Haha Sooo happy ,, another level na naman and yes busy nga ako at may writer’s block daw, hehe. Try ko talagang tapusin kaagad tong story and so that mapost ko na yung next story ko na talagang pagsisikapan kong mag-update talaga.

( TTBTL 2 ) - Battle For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon