BFL 11- What's wrong with me?

182 5 2
                                    

Mich POV

''What ? Teka, sino ba yan? ''

Nandito kaming lahat sa sala, kakatawag lang ng kidnapper at pinag-uusapan naming ang napag-usapan nila Nick.

''I don't know , basta lalaki yung tumawag. Sabi niya kasalanan ko lahat nang nangyari. Kung di daw dahil sa akin, di sana mangyayari ang lahat nang kaguluhan sa pamilya niya.'' sagot ni Nick

''Eh ano bang nagawa mo noon? Baka may nasagasaan kang tao nang di mo nalalaman'' Lance

Wala ang parents namin, umalis kanina pa kaya kami lang ang nandito. Sino kaya yung tumawag at anong naging kasalanan ni Nick?

''Wala naman, sa pagkakaalam ko mabait akong tao''

Binatukan ko nga, kung makapagyabang wagas!

''Aray naman, ba't mo ko binatukan?''

''Nagawa mo pa kasing magloko. tsss''

''Hay nako, mamaya na nga yang away niyo, may problema pa tayong dapat isolve no. Mamaya nang LQ ha? '' sabi ni Mich

Tiningnan ko lang siya ng masama na agad naman niyang iniwas ang tingin sa akin.

''Pare, sabihan mo kami basta may balita na. Wag kang mag-alala, if you need our help nandito lang kami'' Craig said

''OO nga Nick, at ikaw rin Maica, dapat di na kayo nag-aaway! How can you solve this kind of problem if nag-aaway pa rin kayo? '' Lauren

Sa sinabi niyang yun natigilan kaming pareho. Dapat na ba talaga kaming magkasundo?

''Sige bes, mauuna na kami sa inyo, may gagawin pa ako eh '' Mich

''Okay'' yun na lang nasabi ko kasi pilit pa ring pumapasok sa isip ko lahat ng mga sinabi nila.

" Mag-iingat kayo ah? Don't worry, mahahanap natin ang kapatid mo Nick at wag na nga kayong mag-away , mag-asawa na kayo , sa ayaw at sa gusto niyo , magkatuwang kayo habangbuhay'' Lauren sabay halik sa pisngi namin ganun din sila

''Naks, ang lalim nun ah''Mich

Umalis na nga sila habang nakatayo lang kami ni Nick, parehong nagkatinginan at di namin alam kung anong sasabihin.

''Nick/ Maica'' sabay pa naming sabi

''SIge mauna kana'' sabay pa rin

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito nalang ang kabang nararamdaman ko?

''Kaw na lang'' and again sabay pa rin

Nagkatinginan lang kami sabay na ngumiti

''I think tama nga sila'' sabi ni Nick

''Na ano ?'' tanong ko

''That we need to stop fighting '' he said

Bakit parang nag-iba ang atmosphere? Parang ,parang lumakas ang tibok ng puso ko? omg, what's wrong with me?

''UI Maica, ayos ka lang? Namumutla ka? '' natauhan naman ako sa tanong niyang yun, grabe, ano bang nangyayari sa akin?

''Ha? Ah-eh , oo '' nauutal kong sabi

''Sure kang ayos ka lang? '' paniniguro niya

Ang lapit ng mukha niya sa akin at parang anumang oras eh magkakasakit ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Waaaah, lumayo ka pwede?

''Oo, ay, teka, aakyat muna ako''

Bago pa siya makareact eh nagmamadali akong umakyat at pumasok sa kwarto ko. OMG, ako ba yun????

No, this can't be! Nadadala lang ako sa mga nangyayari. I don't wanna fall for him again, tama na ang masaktan ng isang beses. At kapag nagpatuloy pa to, siguradong di ko na kakayanin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

( TTBTL 2 ) - Battle For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon