CHAPTER 1
JAS'S POV
Napanaginipan ko na naman yun. Lagi na lang yun pumapasok sa panaginip ko. Alam kong ako yung bata dun pero hindi ko maaninag yung mukha ng babae. Wala na kasi akong maalala matapos ang insidenteng yun.
Nagising na lang ako isang araw na nandito na ako sa bahay ng mga Xo. Inampon nila ako. Ang sabi nila sa akin namatay daw yung babaeng kasama ko. Siguro ayun ang nanay ko. Pero hindi ko sya maalala.
Sinabi kasi nila sa akin na nagka amnesia daw ako. 8 years old pa lang ako nun. Kaya kinupkop na lang nila ako. Mabait naman sila sa akin. Lalo na si Momsy. Pero may isang tao sa bahay na to ang inis na inis sa akin. Si Russell. Ang only child nila Momsy at Papsy. Pero ng dumating ako sa buhay nila dalawa na kaming anak nila. Naiintindihan ko naman kung bakit sya inis sa akin eh. Iniisip nya siguro na inagaw ko ang atensyon ng magulang nya sa kanya.
Pero hindi ko naman inaabuso ang kabaitan nila eh. Hindi ako humihingi ng kahit ano sa kanila. Pero kapag bigay no choice naman ako kundi tanggapin dahil magagalit si Momsy sa akin.
Ni hindi nga ako pinapansin ni Russell ni kausap man lang. Daig pa nya ang babaeng may monthly period. Sayang ang kagwapuhan nya. Tsk.
Mas matanda ako sa kanya ng 10 months. 17 pa lang ako sya 16 pa lang malapit na din mag17. Pareho pa kami ng papasukang university dahil yun ang gusto ni Momsy. Kumukuha sya ng BS in Business Management. Ako naman BS in Secondary Education major in Mathematics.
Nga pala Im Jas Hennessy Xo. Yan ang pinangalan nila sa akin dahil nga wala akong maalala. Isa yan sa mga name ng wine na binebenta sa company ni Papsy. May wine company kasi sila ang Xo company. Mayaman sila. Nageexport at nagiimport sila ng wine.
Pero ayaw nila ako painumin ng alak. Buti pa si Russell pwede.
TOK TOK...
"Baby girl gising na. First day ng school mo ngayon." sabi ni Momsy.
"Yes Momsy gising na po ako."
"Oh sige bumaba ka na agad para sabay sabay na tayong makapag almusal."
"Ok po. Maliligo lang muna ako." sagot ko at pumunta na ng banyo para magprepare na for school.
Nang matapos ako. Bumaba na ko. Nandoon na si Momsy at Russell.
"Oh baby girl upo ka nasa tabi ni Russell para makapag umpisa na tayong magbreakfast para di kayo malate. First day pa naman." -momsy
Umupo na ako sa tabi ni Russell. Hindi nya ko tinignan pero ako oo. Bakas ko sa mukha nya ang pagkairita.
"Ah momsy nasaan po si Papsy?" tanong ko .
"May biglaan lang na meeting kaya hindi na nakasabay sa atin mag almusal."-momsy.
"Ah ok po."- ako. Nagsimula na akong kumain.
"Oh by the way. Russell isabay mo muna sa kotse mo si Jas kasi nasa car wash pa yung car ko." -momsy.
"What? No way."- Russell
"Russell-------"
"Bakit kasi hindi nyo na lang sya bilhan ng sarili nyang kotse?"- Russell.
"Alam mo naman na may phobia sya diba?"-momsy
"I dont care."-Russell
Sumingit na ako sa usapan nila. "Momsy magtataxi na lang po ako."
"No baby. Delikado. Russell whether you like it or you like it sayo sasabay si Jas. Or else kukunin ko ang credit cards mo. Intyendes?"-momsy.
"FINE." inis na sagot ni Russell.
Nang matapos na kami kumain lumabas na agad si Russell ng hindi man lang nakakapag paalam kay momsy.
"Bye Momsy. Una na po kami."-ako
"Ok baby. Ingat kayo ha."-momsy
"Ok po." then i kiss her on the cheeks.
Lumabas na ako at pumunta sa kotse ni Russell. Bubukasan ko na sana yung pinto sa back seat ng magsalita sya.
"Im not your driver."
So no choice ako kundi umupo sa harap katabi nya.
Buti na lang talaga nakapag seatbelt na ako dahil kunghindi nasubsob na ako sa sobrang bilis nya magpatakbo. Napapikit ako at kapit na kapit sa seat belt.
Nagulat na lang ako ng magpreno sya ng malakas.
"OMayGAd ! Nasa heaven na ba ako? Buhay pa ba ko?" mukang tanga kong sabi sa sarili.
"Tsk." smirk nya. "Get out of my car now." cold na sagot nya.
Dahil sa kaba luymabas na ako agad. Nasa tapat pa ako ng kotse nya ng buksan nya yung wind shield.
"Dont you dare talk to me inside the school." sabi nito at humarurot na ng patakbo sa kotse.
Huminga ako ng malalim at sumigaw nang, "Grrrrrrr. I HATE YOU RUSSELL." sabay sipa ng can ng softdrinks sa harap ko.
"Sh*t! Ouch ang sakit." sabi nung lalaki sa dulo ng kanto na natamaan ng can na nasipa ko.
Sa kaba ko tumalikod agad ako at nagmadaling naglakad.
"WHERE DO YOU THINK YOUR GOING MISS?" sabi ng lalaki na nasa harap ko na ngayon.
PATAY NA ... HUHUHU ...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: next tym na lang uli magUD. hehe...
kung nagustuhan nyo pls do VOTE..
PA FOLLOW NA DIN :)))))))
thanks :))))))))))
BINABASA MO ANG
Hunting for my true love
No FicciónSi Jas Hennessy ay simpleng babae na ang tanging hangad lang ay mahanap ang totoong pag katao nya. Hindi nya inakalang iikot ang buhay nya sa tatlong lalaki na iibig sa kanya..