Speak Now

474 31 17
                                    

"DAAAAAAAAAAAAAAKSSS!"


Nagising ako sa sigaw nung magaling kong best friend. Makasigaw akala mo nakalunok ng isang malaking megaphone.


"Ano ba naman Mika. Ang aga-aga ang ingay mo." Sabi ko at bumalik sa pagtulog pero no effect kasi niyuyugyog na ako ni Mika.


"Ara, ano bang tinutulog-tulog mo diyan? Alam mo ba kung anong araw ngayon?"


"Oo, alam ko kaya itutulog ko na lang to."


"Ara, ano ba? bumangon ka na nga. Nakasalalay dito yung future mo. Pumunta tayo dun at pigilan natin."


Napabangon na ako sa sobrang kulit ni Mika. "Ye, gustong-gusto kong pigilan pero wag na lang. Pabayaan na natin sya. Ayoko na ng gulo." Napasimagot naman si Mika sa sinabi ko. "Alam mo sa inaarte mo ngayon parang ikaw ang mawawalan ng minamahal sa ating dalawa." Sabi ko habang tumatawa.


"Eeehhh kasi naman eh." Pagmamaktol pa niya. "Sige na nga." Sabi nya habang nakatass ang dalawa niyang kamay na nagpapahiwatig na suko na siya.


Babalik na sana ulit ako sa paghiga ngunit pinigilan niya ulit ako "Oops! Balak mo talagang matulog lang ng buong araw no?" I nodded "Bumangon ka na dyan, mag mall na lang tayo at icelebrate natin ang pagkasawi mo ngayon." Baliw to. Batukan ko nga.


---


"Anong ginagawa natin dito?" Pasigaw kong tanong kay Mika nang makarating kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Di ako na inform na ito na pala ang mall para kay Mika.


"Pipigilan ang kasal." Nakangiting sagot ni Mika.


Napahawak na lang ako sa aking sentido. Nasstress na ako sa babaeng to.


"Miks, salamat sa malasakit pero wag na." sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya "Magiging masaya naman sya dun eh."


"Pero mas magiging masaya sya kung ikaw ang pakakasalan niya." Hinawakan niya na rin ang kamay ko. Napangiti na lang ako. "Kaya halika....Pero wait!"


May kinuha sya sa compartment ng sasakyan nya "Suot mo to."


"Anong gagawin ko dito." Tanong ko sa habang hawak ang bigay niyang glasses na pangmatanda at wig.


"Basta suot mo na lang." sabi niya at lumabas na ng kotse.


---


"Tara, andito siya" sabi ni Mika habang hinihila ako papunta sa isang bahay katabi ng simbahan. Siguro dito nakatira yung mga pari or ewan.


*tok tok tok*


"Hi" nakangiting sabi ni Mika sa isang lalaki na nagbukas ng pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon