prologue

2 4 0
                                    

PROLOGUE

Iniligpit ko na ang aking mga libro at ipinasok sa bag. Mukhang mag-aala sais y media na kaya kailangan ko na rin maghanda sa para sa eskwela.

Napakaganda ng araw ngayon. Magaan ang ihip ng hangin na dumadaloy sa bintana ng aking kwarto. Ayoko mang putulin ang aking panaginip ngunit mistulang ginigising ako sa paghalik ng init ng araw sa aking pisngi.

Maaaring si Mama ang nagbukas nito kanina.

Nagising rin ako sa tilaok ng mga manok ni Mang Edgar at naisipan ko na lang na magreview para sa exam namin sa susunod na araw.

"Gising ka na ba, Dang?" Narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng aming bahay.

"Opo, maghahanda na! Good morning, Ma!" mabilis kong tugon, sunod na tinupi ang kumot at inayos ang higaan bago lumabas dala ang tuwalya.

Pinasadaan ko ng tingin ang kabuuang bahagi ng aming bahay. Wala namang enggrande rito dahil halos lahat ay gawa sa kawayan at sawali.

May divider sa pagitan ng aming munting tanggapan at kusina kung saan rin kami kumakain.

Ilang pagsusi pa ang aking ginawa ngunit wala akong nakitang bakas ng aking ina. Ingay ng tubig galing sa hose ang napansin ng aking tainga kaya napagtanto kong siya maaari ay nasa labas.

Tama nga ako nang naaninag ang kaniyang pigura sa aming hardin, nagdidilig sa paborito niyang orchids.

Nagpangalumbaba ako sa aming bintana habang tinatanaw siya. "Mas anak mo na iyan kaysa sa'kin, Ma."

Saglit niya naman akong sinulyapan bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Narinig ko pa ang mahinhin niyang tawa. "Ay sus, hindi pa ba sapat na niluto ko ang paborito mong ulam?"

"Tocino po?" Nanlaki ang aking mga mata.

Tumango siya at ngumiti sa akin. "Opo. Kaya magbihis ka na't kumain roon. Magmadali upang hindi ma-late sa ating mga klase," paalala niya.

"Sige po, Ma. Salamat sa tocino," isang ngiti ang umukit sa aking labi bago nagtungo sa likod upang maligo, nang marinig ko ang pahabol ni Mama.

"Dang, tirhan mo ako ng ulam!"

Tumawa ako habang papasok sa aming banyo. May kaliitan ang aming tanahan kaya't kahit saan ka mang lugar rito ay makakarinigan kayo.

"Hindi ko maipapangako, Ma!"

Mabibilis ang aking mga galaw upang sa pagpatak ng alas syiete ay nagkahanda na akong gumayak.

Kasalukuyang nagsusuklay ako ng buhok sa harap ng salamin nang pumasok ang aking ina.

Suot niya ang kulay lilang daster na binili ko nuong kaarawan niya nang nakaraang taon. Unang kita ko pa lang kasi sa damit ay na-imagine ko na siyang nag-iikot sa bahay suot iyon.

Maalon ang kulay itim na buhok ni Mama hanggang sa kaniyang beywang at palagi ko ring ipinagmamalaki ang kaniyang maamong mukhang pwede ihelera sa mga modelo ng Hollywood. May pagkaberde ang kaniyang mga mata habang ang hugis puso niyang labi ay angkop sa tangos at tulis ng kaniyang ilong. Prominente rin ang molde ng kaniyang mga pisngi lalo pa at sa tuwing naiinitan ito ay madaling mamula.

Kung magtatabi nga kami sa bayan ay napagkakamalan kaming magkapatid dahil mistulang dalaga pa rin ang hubog ng kaniyang katawan. Nakakatuwa dahil pareho kami ng size kung hindi lang magkaiba ang fashion sense namin ni Mama.

"Nakatulog ka ba kagabi, nak? Tulala ka ata," tanong niya sabay upo sa sala at tinatanaw ako.

Nginuso ko ang kaniyang suot at ngumiti. "Paulit-ulit mo na lang suot iyan, Ma."

Darling of the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon