Jan's POV
"Girls nakausap ko si Lea kagabi. Jan super laki talaga ng effect kay Lea nung nangyari sa inyo. Tapos isabay mo pa yung naghiwalay yung parents nya. Super naaawa na ko sa bestfriend natin"sabi ni mikky
"Kaya nga sobra akong nagsisisi. Di ko alam kung pano nya ako mapapatawad. I dont know kung mapapatawad pa ba nya ko."sabi ko
"Parang need nyo lang mag usap. Yung maayos. Yung di mainit ulo nya."sabi ni Patricha
"Tama ka nga patricha. Pero pano?"sabi ko
"Ako na bahala!"sabi ni Mikky
"Ms. Park pinapatawag po kayo sa office!"sabi nung babaeng kakarating lang. Siguro nautusan lang. Di ko naman sya classmate ehh.
"Why daw?" Sabi ni Mikky sa babae.
"Di ko po alam eh. Basta sabi pinapatawag lang."sagot nung girl.
"Ahh okay. Jan samahan kana namin!"sabi ni mikky
"No. Kaya ko na. Wait nyo nalang ako dito!"
"Okay"sabi nilang tatlo..
at lumapit na ko dun sa girl.
"ahm bakit kaya ako pinatawag?" pambasag ko sa katahimikan.
"di ko po kasi alam" sagot nya.
di ko namalayan na nandito na pala kami.
"ah sige po dito na ako!"sabi nya.
Tumango nalang ako...
Kinakabahan ako. Parang masama kutod ko. Bakit maraming tao? Hawak ko na yung doorknob nung pinto ng office. Bakit masama talaga kutob ko?Jan think positive. Wag negative ang iniisip!
at binuksan ko na yung pinto.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit sya nandito?
"oh Ms. Park nandito kana pala!"
sabi ni maam yung principal.At lumingon naman sya agad sakin at ngumiti. Bakit ba sya nandito? anong pakay nya? Kinakabahan talaga ako. Yung puso ko sobrang bilis ng tibok.
"Ma-maam ba-bakit po?"paputol putol kong tanong kay Maam
"Are you okay Ms. Park?"
tumango nalang ako. Habang tinitingnan ko yung sya. May halong kaba ang sarili ko. Samahan nyo pa ng ngiti nya sakin na parang may binabalak.
"Nasabi kasi sakin ni Ms. Parnell na ikaw lang daw ang kakilala nya sa university na to. Kaya gusto ko sana na ilibot mo sya dito and ituro mo sa kanya ang daan papunta sa college building" sabi ni Maam
biglang nanlaki naman yung mata ko.
"Po? Pero bakit po?"
bakit pa kasi kailangan nya pa itour dito?
"Ms. Park. New student sya dito. At ikaw lang naman ang kakilala nya dito. Kaya ikaw lang maaasahan ko magtour sa kanya!"sabi ni maam
Oo kilala pero di kami close.
NEW STUDENT. its mean na dito sya mag aaral.
"You mean po dito sya mag aaral?"
tanong ko"Yes bessty. Kaya sana itour mo ko. Baka maligaw pa ako tapos mabully." nahinhin nyang sabi at lumapit sakin
"Bessty?" nagtatakang tanong ko
di ko sya friend. Kaya di nya dapat ako tinatawag na ganyan.
"Ano ka ba BESSTY one week lang tayo di nagkita limot mo na agad ako!"sabi nya
"Okay Ms. Park pakihatid na si Ms. Parnell sa college building kasi malapit na magstart yung klase. Mamaya nalang uli kayo magchikahan."sabi ni Maam
At wala na talaga akong magagawa. Kailangan ko sya ihatid.
___________________________________________________________________________________
A/N
sino nga ba ang nagbalik? ano ba ang papel nya sa istorya na ito?
Sino nga ba talaga si Ms. Parnell?
.... Abangan sa Chapter 18 ....
Lahat ng tanong nyo ay masasagot
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Kuya's Bestfriend
Teen FictionKwento ng isang Babae na nainlove sa Bestfriend ng kanyang Kuya. Ano kayang mangyayari kung malaman ng kanyang Kuya? Anong mararamdaman niya pag hanggan kapatid lang talaga ang turing sa kanya ng Bestfriend ng Kuya niya? May Happy Ending pa kaya? o...