CHAPTER 1: Unang pagkikita

14 1 0
                                    

This is my first story,Hope you like it:)

Nagmamadali ako papuntang paaralan,dahil hindi ko namalayan na oras na pala para pumasok.Bakit nagpuyat pa ako hays.

"Kailangan ko na talaga pumasok baka malate pa ako" dali dali akong tumakbo para lang makaabot pa sa klase.

Sa pagmamadali ko diko namalayan na may nakabanggaan na pala ako.Dali-dali akong tumunghay para makita ito.

"Miss di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo" Sabi ni kuyang singkit,parang nakakita ako ng isang koreano,ang gwapo.

"Sorry po" nahihiya kong saad at iniwan syang nakaupo parin sa sahig.

Narinig ko pang bumulong bulong ito pero di ko nalang pinansin.Sa kakatakbo ko di ko na namalayan ang oras kaya agad kong tinungo ang classroom namin,agad akong nakarating dito,room 1004 nga pala kami humms talaga ang pinili ko dahil gusto kong maging isang ganap na guro.Papasok na ako ng bigla akong tinawag ng guro namin.

"Miss Arquesa,why are u late" Lagot ako nito sabi ko sa isip lamang.Sya si Prof Matt ang pinakamagaling na guro dito sya ding pinakamasungit sa buong guro.

"A-eh sir ka-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita sa likuran ko.Lumingon ako ngunit nabigla ako dahil sya lang naman ang nakabanggaan ko sa may hallway.

"Nako bakit ngayon pa" bulong ko sa aking isipan at tumungo na lamang.

"Sorry Sir i'm late" sabi nya gamit ang kanyang baritonong boses at biglang lumipat ang tingin sakin na may ngising parang may masama syang gagawin.

Shuta,lagot ako nito bakit naging kaklase ko pa sya!.
..........

"Sa susunod na malate pa kayong dalawa sa labas na kayo makikinig,Do you understand" pagnenermon nito sa amin at bumalik sa pagtuturo pinaupo muna kami nito at ipinagpatuloy muli ang pagtuturo.

Kanina ko pang napapansin na parang may sumusulyap sakin kaya lumingon- lingon ako sa paligid para hanapin ito.Sa paghahanap ko diko napansin na nasa harapan ko na pala ito,Si Aiden sya pala ang kanina pang sumusulyap sulyap sa akin.Dahil nasa harapan ko sya malinaw kong nakikita ang kanyang maamong mukha,pero sa diko inaasahan parang nakipagkarera ang puso ko sa sobrang bilis,Ako na ang unang tumapos ng titigan namin dahil hindi na kaya ng puso ko dahil parang sasabog na ito sa sobrang bilis.

Bumalik na lamang ako sa pakikinig sa unahan at ipinagsawalang bahala na lamang ito.

•••••••••••••
Kringggggggg.

Recess time

Nakaupo ako sa may cafeteria ng may biglang nangabala sa akin pag lingon ko ito palang si asungot na Aiden. hayy nako wag ngayon.

"Uyy magisa sya hinihintay mo ko noh" saad nya habang may nakalolokong ngisi sa kanyang labi.

"Sinasabi mo dyan asa ka pang hintayin kita" saad ko at tumayo na para lumisan na sa lugar na iyon ngunit kahit saan ako magpunta nakasunod pa din ito.

"Bakit ka ba sunod ng sunod" taas kilay kong saad

"Sungit mo na naman,asa ka namang sinusundan kita" panggagaya nya sa sinabi ko kanina.

Muli na lamang akong tumalikod at tumakbo ng pagkabilis bilis ngunit nakasunod pa rin ito,kaya binilisan ko pa ang aking pagtakbo ngunit sa di inaasahan may bato na pala sa aking harapan kaya natakid ako dito pero hindi natuloy ang pagkabagsak ko sa lupa dahil may isang braso na agad sumalo sa akin pagmulat ko ng aking mata si Aiden pala.

"Got yahh di mo ba alam na kanina ka pang may tagos sa likuran mo kaya kita sinusundan" bulong nito sa aking tenga.

Nako po bakit sa lahat pa ng makakapansin bat sya pa!!!!!

-585 words for today thank youu🤍
And if you like my story don't forget to like and comment thanksss labs.

MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon