No More Dream ❣️

4 0 0
                                    

Chapter 1

Prologue

   "Jasmine..." Yan ang alarm clock ko tuwing umaga ang boses ng nanay ko.
"Gumising kana anak anong oras na may klase kapa."
"Opo nay"

Ako po si Jasmine Faith P. Dela Cruz 18 y.o  ang sabi ng nanay ko may napulot  syang kwentas na may nakaukit pangalang Jasmine Faith kaya yon ang ipinangalan nya sa akin. Estudyante ako sa umaga at nagtatrabaho naman ako  sa karinderya ni aling susan sa gabi.

" Sige na gumising kana anak at baka ma-late kapa."
"Opo anjan napo nay"

Tumingin ako sa orasan oo nga pala anong oras na kunting kimbot nalang mali-late naku kaya nag mamadali nakong kumilos. Gusto kopa sanang mag almusal piro hindi na kumuha nalang ako ng tinapay at kinain yon habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Malayo layo kasi ang paaralan na pinapasukan ko kaya kailangan kong sumakay ng jeep.

Pagdating ko sa sa campos tinawanan ko si manong guard. " O manong hindi papo ako late kaya pwede pang pumasok." Napailing nalang si manong guard sakin laking pasalamat ko at nakaabot pako sa klase.Si Melody ay agad na lumapit pagka kita sakin si melody ay kaisa isang kaibigan ko at alam nya lahat kong anong pinagdadaanan ko sa buhay sa kanya ko kinikwento lahat. Kaya laking pasalamat ko at naging kaibigan ko siya dahil sa kanya sakanila nanay hindi ako nag-iisa alam kong nanjan sila palagi para sakin.

"Jasmine Faith" agad na tawag nya saakin at talagang sinabi pa ang buong pangalan ko. Iwan koba ayaw ko talagang tinatawag ng buo ang pangalan ko kaya kong may nag tatanong ng pangalan ko jasmine lang ang binibigay ko.
Melody :"Buti at nakaabot kapa"

"Oo nga napasarap kasi ang tulog ko dahil sa pagod buti nalang at ginising ako ni nanay"   sagot ko sakanya.

Melody: "Hindi kaba nahihirapan jan sa ginagawa mo? etudyante ka sa umaga nag tatrabaho ka naman sa gabi."

Gusto ko sanang sumagot na oo pero "Hindi naman kaya kopa naman para sa pamilya kakayanin" tiningnan niya na may halong awa

Melody: "Tsk ..kung mayaman lang sana ako tinulungan  na kita i ang kaso alam mo naman din na todo kayod lang din ang papa ko sa ibang bansa para mabuhay niya kaming pamilya nya."  

naiigit nga ako sa kanya kahit papano  nanjan pa ang papa niya at nasa ibang bansa ngalang. mas mabuti naman yon kisa nandidto ngalang pero nasa ibang pamilya naman.

"Hey.. ano kaba ok lang yon at saka di mo naman kami oblegasyon no. Ikaw lang na kaibigan ko sapat na yon."   nagka tinginan kami at sabay na tumawa.

Pagkatapos ng klase maaga pa naman para pomunta sa karinderya ni aling susan ..kaya tumambay na muna ako sa  may puno sa gilid lang ng campos pahinga lang ako saglit dahil maya-maya ay bakabakan na naman..
Ako nalang mag-isa kasi nauna ng umuwi si melody.
Lumilinga-ling ako at tininganan isa-isa ang mga etudyante  di mo talaga ma ikakaila na may kaya sila sa buhay sa klase ba naman ng pananamit nila at halatang mamahalin na bag. Ano kaya ang feeling pag may ganyan din? Hindi naman siguro masamang mangarap diba? Sa klase ba naman ng buhay na meron ako diko yon maiiwasan ang mangarap at mangarap pa para sa pamilya ko. Hahay buhay para sa pamilya fighting 💪 kaya yan ako paba kailan ba ako sumuko kaya tumayo na ako at nag simulang mag lakad lalakarin ko nalang di naman kalayoan ang karinderya ni aling susan dito sa paaralan at isa pa nag titipid ako para narin sa pang araw-araw namin sa bahay sa pang-aral ko at sa kapatid ko.

Kinabukasan tanghali na ako nagising dahil sa pagod  maraming kasing  kumakain sa karinderya kagabi kaya ang   daming hugasin iwan koba ano kayang gayuma ang inilagay ni aling susan sa pagkain bakit pabalik-balik ang mga tao don para kumain. di biro lang masarap kasi magluto si aling susan at mabait din napaka swerte ko dahil tinanggap niya ako nong una nag alangan pa syang tanggapin ako dahil baka daw hindi ko kakayanin dahil nag-aaral ako piro pinatunayan ko naman sa kanya na kaya ko at kailangan na kailngan ko talaga ng pera para narin sa pag-aaral ko. Ang babait nila lalo na si ate julie ang anak ni aling susan at ang asawa nitong si manong  julio kapag gabi na talaga ihahatid nila ako pauwi sa bahay di rin naman papayag si aling susan na uuwi akong mag-isa at gabi na dilikado na sa daan at nag iisa lang ako kaya naging kampanti nalang din si nanay n magtrabaho ako dahil di naman ako pinapabayaan nikang aling susan. Kaya ang laking pasasalamat ko sa pamilyang yon dahil ang laki din ang naitulong nila saakin samin. Kaya di na nakakapagtaka kong bakit dinudumog sila ng biyaya ang babait kasi  at syempre pabor din naman sakin yon kasi may kita ako. Ang sarap sa feeling pag umuwi ako at may maiaabot kay nanay na pera hindi naman yon gaano kalaki pero sapat nadin naman iyon may ipang bili lang ng pagkain.

Araw ng sabado ngayon walang pasok kaya magagawa ko ang mga gawaing bahay maglalaba at mag lilinis at pagkatapos ang gagawin ko naman ay ang  tulongan ang nanay mag tinda ng pritong saging. Nag titinda kasi si nanay ng pritong saging dito lang din sa tapat ng aming munting tahanan meron namang bumibili kahit papano at dag2x kita narin yon para pang ulam namin. Kaya pagkatapos ko bumaba naku para tulungan ang nanay.

  "Nay tulungan napo kita riyan tapos    narin naman po ako sa taas"

Nanay Lian :" naku nak wag na ako na rito magpahinga ka muna riyan"

" Si nanay talaga di naman po ako pagod tsaka madali lang po yan nay"

Tumawa nalang si nanay sa kakulitan ko. Bukas ay linggo tutulungan ko naman saya sa kanyang labada tumatanggap kasi si nanay  ng labada.

Yan ang lagi naming ginagawa ang mag tulong2x  para may makain pangtawid gutom.





Lynlee ❣️❣️

No More Dream 🥰Where stories live. Discover now