16.

100 8 0
                                    

Saturday came and excitement ignites inside me as I prepare myself for today. I woke up early and took a bath. was wearing my black top and my jeans together with my white sneakers. I tied my hair in a ponytail and wore the spectacles that's been lying in my desk.

Nang tingnan ko ang sarili sa salamin ay napangiti ako. Satisfaction fills me as I examine my outfit. It looks simple. Simple but gorgeous for me. It screams the phrase 'Simplicity is beauty'. I may sound too confident but, I feel really beautiful today.

For the past few days, Kaloy's been taking care of me. Kapag uuwi kami sa hapon, tatanungin niya ako agad kung napagod ba ako o kung kumusta ako. Hihingi siya ng tawad kasi hindi niya ako natutulungan minsan dahil sa customers. I find it so heartwarming. Having someone who constantly worry and think about me feels surreal. Except for my family and friends, I never had someone who cares for me like how Kaloy did.

Nasabi na rin niya sa akin na nami-miss na daw ako ni Keicy at Kurt. Balik na kasi sila sa klase no'ng isang linggo pa kaya madalang ko na lang din silang makita. Hindi ko lang alam ngayon kung isasama ni Kaloy ang mga kapatid. Sabado naman kaya paniguradong walang pasok ang dalawa.

I check the clock and it shows what time is it now. It's currently 8:30am. Napagkasunduan kasi namin ni Kaloy na umalis nang 'wag masiyadong maaga. Kung hindi kakayanin ang araw, p'wede pa naman bukas.

Exactly 8:32am when someone knocks on my door. Hindi ko na kailangang alamin kung sino 'yon. Agad ko na lang kinuha ang gamit ko saka ko binuksan ang pinto.

Kaloy's standing there with his black backpack in his shoulders. He looks fine as hell while wearing a black plain shirt and black jeans with his white Nike sneakers.

My lips pursed, stopping myself from smiling when I met his gaze.

"Are you copying my outfit?" I jokingly asked him realizing that we're unknowingly wearing matching outfits.

Napangisi si Kaloy. "Baka ikaw ang kumopya, madam ko? Kanina pa akong alas tres ng umaga nakaganito eh," aniya kaya nanlaki ang mata ko at hindi namalayang nahampas ko na pala siya.

"Seryoso ka ba? Sobrang aga naman no'n!" saway ko habang nanlalaki ang mata.

Tumawa naman siya at kinurot ang pisngi ko. "Biro lang. Hindi naman ako gano'ng patay na patay sa 'yo, 'no? Duh!" he sassed, jokingly flipping his imaginary long hair and instead of getting offended, I just found myself laughing with his gestures.

Kaloy really has his ways of lighting my day.

"Anong laman niyang backpack mo?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng gusali. Hawak niya ang kamay ko at bitbit na rin ang mga gamit ko para daw hindi na ako mahirapan.

I get his point but, what's with the holding hands?

"Nandito sa loob ng backpack ko si Keicy at Kurt, madam," blangkong aniya kaya napatitig lang ako sa kaniya. Is he for real?

"Kaloy, sa tingin ko ay hindi ka na naman nakainom ng gamot mo," biro ko. Tumuon sa akin ang mata niya at walang imik siyang tumango.

"Tama ka, madam. Wala kasi sa bahay 'yong gamot ko pampatino eh," aniya habang nakatitig diretso sa mga mata ko. It makes my heart beats rapidly. Like a wild animal trying to be free from its cage.

"Madam, p'wedeng payakap?" tanong niya sa akin. Ang mga mata ay nangungusap at marahan. Parang handang tanggapin kung anong isasagot ko sa sinabi niya. As I stare at his face, I can't help but to notice dark circles beneath his eyes. My thumb made its way towards the skin under his eye and it stayed there, afraid that I'll hurt him if I move my thumb there.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon