I wrote this poem way back on Feb 21, 2019, and it's turning 4 years old tomorrow. I published it on my 1st Wattpad account before, but I unpublished it because someone notices and keep asking me to whom I dedicated that poem (Hahaha). I had a crush when I was in junior high, he's very perfect in my eyes but I never had a chance to be with him because a lot of girls wants him so I don't want to butt in. But I did write a poem all about my feelings for him. I'm not the kind of girl who's making the first move thing, instead, I used to ignore him all the time so he doesn't have any idea that I liked him at that time and 'til now, which I'm thankful about. This piece contains cheese popcorn since I was young and innocent before. I guess all of us have room for improvement from time to time;<
Wala naman akong sinabing ayaw kita,
Wala lang din akong sinabing nais ka, Nahihiyang aminin ang nararamdaman, Dahil pakiramdam ko'y di mo ko magugustuhan.Nakaupo sa isang tabi,
Minamasdan kang palagi,
Tinatanaw bawat mong ngiti
Nag pipigil din lang ng tili.Bawat sandali'y malapit ka,
Hindi ko nga alam kung bakit ba,
Ang puso ko'y gumagalabog sa kaba,
Lalo na kapag ika'y katabi ko na.Hindi ko man masabi ng harapan,
Palihim na pinapangarap ka naman,
Malabo mang magkatuluyan
Sa isip naman ikaw ang laman.Ngunit ako'y nalilito sa mga kinikilos mo, Nararamdaman mo ba'y tulad rin ng sa aking puso,
Sabi ng kaibigan ko'y tiningnan mo rin daw ako.
Oh, wag ka naman magbigay ng mutibo.Ang ibigin kita'y aking kagustuhan,
Hindi lang pinili kundi pinag isipan,
Kung sakaling iyong maisipan ako'y ligawan,
Huwag mo lang naman sana akong paglaruanGusto kita, subalit tayo'y bata pa
Ako ri'y nag aalangan sa sasabihin ng iba,
kaya itatago nalang muna at dina ilalabas pa,
Ang pag ibig kong tanging ikaw lang talaga!Hindi kumpleto ang araw pag di ka namamasdan,
Kaya aking pag pasok aking inaagahan,
Ako nga'y madalas asarin ng aking kaibigan,
Sapagkat ikaw lang daw ang aking ipag effort-tan.Araw ng mga puso noon,
Nais makita ka nung araw na iyon,
Akin kitang hinintay mula umaga at hapon, Naiingit sa mga taong may karelasyon.Subalit saking paghihintay sa'yong pagdating,
Palubog na ang araw wala ka parin,
Ako'y nagaalala kung nasaan ka ba?
Pilit nalang itinago aking nadarama.Ito nga'y nangapansin ng mga kaibigan,
Ako raw ay tulala na hindi malaman
Ako kasi talaga'y labis na nasasaktan
Akin paring kinukubli ang labis ng kalungkutan.Ako nga nama'y walang karapatan,
Na sayo'y humingi ng kahit ano pa man
Pagkat hindi naman ikaw at ako o tayo.
Pero nais paring malaman mo ang nararamdamang ito.At sa wakas aking nalaman,
Na ikaw pala'y mayroong karamdaman,
Pag aalala'y nasa isipan,
Nahihiya namang kita'y puntahan.Naiinis ako sa twing inaasar mo ko,
Sa kaibigan mong hindi ko naman gusto,
Hindi mo ba halata sa mga tingin ko,
Papansin na nga ako pagdating sa'yo!Mga kaibigan kong ninunguso ka sa tuwing malapit ka,
Titili pa sila pag nakasalubong kita,
Pasensya ka na at hindi kita matingnan sa mata,
Ayaw ko namang ngumiti sa'yo na mukhang tanga.Pag nararamdaman kong nakatingin ka sakin,
Napapalunok nalang at dika papansinin,
Ngunit tumitibok ng mabilis ang puso kong taksil,
Para bang sasabog na ito at hindi matigil.Ewan ko ba kung bakit ako ganito,
Nag bagong ako bigla dahil sa'yo
Hindi ko naman ito plinano,
pero nagkusa naman ang puso ko.Ano pa bang magagawa?
Si kupido'y hindi naawa,
Puso ko'y kaniyang pinana.
Hinihiling na sayo din tumama.Maraming tanong saking isip,
Akin na ding sinasagot kahit masakit
ayaw namang sarili ko sa'yoy ipilit,
Dahil hindi ko naman ugaling mang-akitIpipikit ang mga mata,
Pinipilit nalang maging masaya,
Idadaan ko nalang siguro ito sa isang kanta?
iyong Itatago nalang by tanya moiraBalita ko'y may gusto ka noon,
Ang akin lang namang tanong,
Siya ba'y gusto mo parin ngayon?
Wag ka ng mag alala kung ganon,
Kaya ko namang maghintay ng tamang panahon.Magulo man ang takbo ng isipan,
Indindihin mo nalang kung ika'y na
sungitan,
Ayaw ko kasing sa oras na iyong malaman,
Ako'y iyo namang layuan.Masaya na naman ako sa mga pasiya mo,
Susuportahan kita sa ano mang iyong gusto,
'Wag ka ng mag abala sa nararamdaman ko,
Ito din ay mawawala na parang abo.Kaya sa ngayon ika'y magpagaling,
Hihintayin naman kita sa'yong pag dating,
Ikaw ay masigla at nakangiti,
Masaya ding sa iba ay bumabati,Ako'y tumitingin sa kaliwa at sa kanan,
Hinihintay baka naman ika'y mapadaan,
Indenial man sa mga kaibigan,
Ngunit totoo namang ika'y laging inaabangan.Crush kita matagal na,
Hindi ko na iyon ipagkakaila pa,
Nga lang mukhang masaya ka naman sa iba,
At ako'y iyong binabalewala.Hindi na nga alam ano gagawin,
Alam kong hindi pa kita maaring ibigin,
Dahil ang kwento natin ay di pa nasusalat,
Sapagkat ito'y wala pa namang pamagat.Bawat mong mga ngiti parang anghel,
pero ngipin mo nama'y hindi kulay kahel,
Ewan ko ba bakit ako sayo'y gwapong gwapo,
Marahil mga mata ko'y nagsasabi lang ng totoo.Isang araw pa nga nasilayan kita,
Naka sakay ka sa motor at may dalang bola,
Hindi ko maiwasang sa'yo'y tumitig ng lubusan,
Tatalikod nalang at ngiti'y pipigilan.Korni man para sa iba
Pasensya dahil ito talaga ang nadarama
Mahirap namang ibaling ito sa iba,
Dahil ikaw naman ang gusto ko't di sila.