Prologue
-+-+-+-+-+-+-
Dahan dahan siyang lumapit sa akin.
Kahit na gusto kong tumakbo palayo sa kanya ay hindi ko maihakbang ang aking mga paa na parang nakapako na ito sa kinatatayuan ko, hindi ko din maigalaw ang buo kong katawan dahil sa takot na aking nadarama at ang tangi ko lamang magawa ay tignan siya.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa kadilimang bumabalot sa lugar at sa suot niyang pulang hood. Nakasuot din siya nang napakahabang pulang kapa na umaabot na sa lupa.
Bawat hakbang na gawin niya palapit sa akin ay nag papatindi sa sakit at takot na nararamdaman ko.
Nang makalapit siya sa akin ay nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa leeg at sinakal.
Hindi ako makahinga.
Nang pilitin kong alisin ang pag kakahawak niya sa leeg ko ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pag kakahawak dito na ngayon ay parang mag kakasugat na.
"Bakit?" Kahit na maubusan na ako ng hininga ay nagawa ko pa siyang tanungin. Hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa kong masama at ginagawa niya sa akin ito. Hindi pa siya nakuntento at nini-angat pa niya ako sa lupa at hinigpitan pa niya ang ng hawak niya sa leeg ko.
Alam kong wala na akong magagawa dahil sa tingin ko pa lang ay desedido na siyang patayin ako ngunit gusto kong malaman ang dahilan... kahit sa huling pag kakataon man lamang.
"B..Bakit m..mo g..gina...gawa ito, s...sino ka ba?"
Nang masabi ko ang mga katagang iyon ay nagulat na lang ako nang bigla niya akong bitawan at tuluyan na akong bumagsak sa lupa.
Matapos niya akong bitawan ay tinitigan lang niya ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ngunit pakiramdam ko ay sa bawat minuto na lumilipas na nakatitig siya sa akin pakiramdam ko ay unti-unti akong nauuubusan ng lakas.
Dahil sa sakit at pagod na aking nararamdaman ay konti na lang at mawawalan na ako nang malay.
Pero bago pa ako mawalan nang malay ay may napansin ako na tubig na umaagos sa mukha niya. Kahit na hindi ko maaninang nang mabuti ang mukha niya ay sigurado ako sa nakita ko.
UMIIYAK SIYA.
-+-+-+-+-+-+-+-+-
Author's note:
Sana ay magustuhan ninyo ang story na ito. :)