Pagbaba ko ng tricycle galing trabaho ay pansin ko na ang isang pamilyar na kotse na nakaparada lang sa gilid ng aming bahay.
Napabuntung-hininga ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya ngayon pakikiharapan matapos ang naging usapan namin sa cellphone kahapon.
Bukas ang pintuan namin at tanaw ko siya ngayon mula dito sa puwesto ko habang prenteng nakaupo lang ito sa aming sofa. Katabi niya ngayon si Baste at parang may ipinapakita itong kung ano mula sa isang librong hawak niya.
Mula nung huli kaming nagkita ay parang mas lalo pa yata siyang gumuwapo sa paningin ko. Nakasuot lang siya ngayon ng kaswal na kasuotan. Suot niya ngayon ay isang plain na white polo shirt, cream pants sa ibaba at isang brown loafers naman sa kaniyang paa.
Habang pinagmamasdan ko siya dito ay para ding may kung anong gumalaw sa dibdib ko. Nababaliw na ba ako kung sasabihin kong parang tumatalon 'yung puso ko sa loob. Para kasing may kung anong nagkakarerahan sa loob nito.
Bago ko pa isipin kung ano 'yun ay pumasok na ako sa pintuan namin. Pag-apak ko pa lang ng kanang paa ko sa sahig ay napaangat na agad ang ulo ni Chase.
Walang kangiti-ngiti ang mukha niya ngayon pagkakita sa'kin. Dahil siguro ito sa napag-usapan namin kahapon.
"You're here." Tanging nasabi niya pagkakita nito sa'kin.
"Ate, ang galing ni kuya Chase sa Math! Tignan mo pa 'to," singit ni Baste sa amin habang ipinapakita sa'kin ngayon ang notebook niyang puno ng mga numbers at equation na 'di ko naman maintindihan.
"Kita ko nga." Walang gana kong sagot sa kaniya.
E, paano ba maman kasi ay nakatingin na naman sa'kin 'yung adonis na nakaupo sa sofa. Kailangan kong maging seryoso para paniwalaan niya ang mga sinabi ko sa kaniya kahapon at nang lubayan na din niya ako.
"Grabe, ate! Naalala mo nung nagpaturo ako sa'yo nito nung last month? Halos mangamote ka nun sa kakasagot pero kay kuya Chase ay maning-mani lang 'to kanina sa kaniya."
Hindi ko alam kung ibinibida ba niya sa'kin si Chase o sadyang pinapamukha niya lang sa'kin ang pagkabobo ko sa Math at sa harapan pa ng lalaking 'to!
"Oh, edi siya na."
"Are you tired? I heard from Baste that you immediately found a new job." Masuyo niyang tanong sa'kin.
Ang bilis naman yata ng pagtatransform niya?
Kanina lang ay nakasimangot ito tapos ngayon naman ay akala mong asawa ito na sobrang concerned sa akin.
"Kailangan ko lang na itulog 'to," tugon ko naman sa kaniya.
"Let's eat first before you go to bed," bulong niya sa'kin.
Ni hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya sa may gilid ko. Para na naman tuloy akong kinikiliti dahil sa bulong niyang iyon sa aking tainga.
"Hindi ako gutom at gusto ko nang matulog, Chase," tanggi ko sa alok niya.
Huwag dapat akong maging marupok!
"I don't like forcing you to eat, but with your looks right now, I might give it a try. You wouldn't want to know my method of forcing you to eat, would you?" Makahulugan niyang hamon sa'kin.
Bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. At bakit parang na-excite ako dun sa sinabi niya?
Kyaaahh! Maghunos-dili ka, self! Kakasabi mo lang talaga kagabing tigilan ka na niya!
Nagiging madumi na 'yung utak ko umpisa nung nakilala ko 'tong lalaking 'to. Habang ako'y natitigilan ay sinamantala naman niya iyon para akayin ako papuntang kusina. Nadatnan namin doon sina Mama at Papa habang nagkakape.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...