Chapter 20

11 0 0
                                    

Rence PoV

"...bakit ano ba kita ha. Kaibigan di ba..."

paulit ulit yun nageeco sa sentido ko.

parang.

parang.

parang.

bigla ako nakaramdam nang matinding kalungkutan,

yung pawang sinasaksak ako nang napakaraming kutsilyo nang paunti unti.

"Kaibigan ba? kaibigan lang ba ang tingin mo sakin ha Kyal? Akala ko nagets mo kung ano ang ibig sabihin nang mga ginagawa ko? Lahat nang mga actions ko tuwing magkasama tayo?" sabi ko habang isa-isang pumapatak ang mga luha ko! Ang lamya naman, kalalaki kong tao umiiyak ako, sa harap pa ni Kyal, hayaan mo na Mahal ko naman siya eh.

"So, tama pala ako una palang.." biglang lumiwanag ang mukha ko dahil sa mga sinabi niyang yun, pero biglang nagiba ang ekpresyon ko nung narinig ko ang kasunod."...dapat pala noon pa lang umiwas na ako, sana di nalang kita pinansin, para atleast di ka nagkakaganito sa harap ko ngayon." pagkasabi niya nun, tumalikod na siya at umalis.

"Akala ko pa naman pakikipagkaibigan ang pakay mo yun pala gusto mo makipagkaIBIGAN!" Dugtong niya.

Bago tuluyang naglakad palayo.

KYAL'S PoV

Ugh! Kabanas siya.

Rude man akong pakinggan kanina pero para rin naman yun sakanya.

Ayoko ko kasi umasa siya sa wala.

"O Kyal? San kayo nagpunta ni Rence kanina kayo ha?" Sabi ni Gie na nakasalubong ko sa Gym.

"Auh! Nagtapat lang naman siya sakin Gie! Nakakainis nga eh." Sabi ko.

"Haaaa! Ano ka ba naman! Nagtapat na nga siya tapos parang puputok pa yung butchi mo jan ha?" - Gie

"Sino ang di maiinis? Eh kinaibigan niya muna ako tapos yun pala gusto niya ako? Nako naman, nadala na ako diyan Gie, ayoko nang maulit ang mga pangyayari noon. Baka katulad lang siya ni Kurt."

Sigaw ko.

"Baka katulad siya ni Kurt? Kyal naman, hanggang ngayon ba naman di ka parin nakakaget over diyan sa Kurt nayan? Gosh Kyal, taon na ang nakalipas Kyal! Move on din pag may time" sigaw ni Gie

"Pano ako makakapag move-on? Yang sinasabi mong taon na ang nakalipas? Gie, baka nakakalimutan mo rin na taon rin ang tinagal namin, at sa loob nang mga taong yun, tinanggap ko siya at minahal nang higit pa sa buhay ko! Now, masasabi mo ba na 'move-on move-on din pag may time'? Kung ang sakit nandirito parin? Ang sakit dito Gie! ....*tinuro ni kyal  sa dibdib niya*.... ang ayaw ko lang naman na maramdaman niya ang sakit na naramdaman ko, ayaw ko siyang umasa sa di tiyak, ayokong umasa siya sakin dahil...

Dahil...

Dahil...

Ayoko Ang magpaasa!" Sigaw ko sabay talikod.

Tumakbo na ako sa kung saan ako dalhin nang mga paa ako.

BAHALA NA!

Atleast may ginawa akong tama para sa iba, 

Kahit ako lang mag-isa ang nasasaktan, atleast masaya ang karamihan.

Tama naman ang mentality ko diba?

Diba?

Diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon