CHAPTER 1

23 7 4
                                    


ABYSS FHEIL SERVAN.

   AS I stepped out of the airport a black Quattroporte sedan stopped in front me. Pagbukas ng pinto nito sa driver’s seat ay isang matipunong lalaking nakasuot ng sky blue long sleeves polo na nakatiklop hanggang sa kanyang siko , nakatack-in iyon sa kanyang black pants na binagayan ng balmoral shoes. Lumapit ito sa akin na aking ikinataka.

“Are you Ms. Servan?” He asked me, ngunit hindi ako tumugon upang mag-ingat. “ Ako ang kaibigang lawyer ng Daddy mo, hindi niya ba nabanggit na ako ang gusto niyang sumundo sa iyo?” Napataas ako ng kilay sa kanyang sinabi. Kung alam niya palang ako ito..bakit pa siya nagtanong?

“Ah..okay.” tugon ko. “ It’s nice to—” akma na sana akong makikipagkamay nang bigla akong mapatigil matapos maalala ang nakalimutang gawin.

Kinuha ko ang disinfectant spray sa loob ng aking 30 Montaigne Avenue bag na dust ivory ang color. Nag-spray ako sa kanyang kamay bago tuluyang makipagkamay.

“It’s nice to meet you.” Nakangiting wika ko, bago ito binawi.

“Pakilagay nalang ng gamit ko sa kotse.” I said saka naglakad patungo roon.

Ini-sprayhan ko muna ang handle sa pinto ng passengers seat sa likod  bago ito binuksan at pumasok sa loob. Nagtaka akong napabaling sa labas nang hindi siya sumunod sa pinagagawa ko at tila naestatwa sa kanyang kinatatayuan kaya kinalampag ko ang bintana ng kotse dahilan upang siya’y mapapitlag bago bumaling sa akin. Itinuro ko ang aking luggage — correction ‘mga luggage’.  
   Napatingin naman siya sa mga ito bago muling sumulyap sa akin, kunot noong nakataas ang kanyang kilay na tila nagrereklamo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay bago nginisian. Napailing nalamang siya bago isa-isang pinulot ang aking mga gamit upang ilagay sa trunk. Kinuha ko naman ang aking phone sa loob ng bag, napatitig nalang ako dito habang nagdadalawang isip kung ito ba ay aking bubuksan, hindi ko mapigilang kabahan sa t‘wing hahawakan ko ang phone. Ano nalang ang gagawin ko? Ibinalik ko nalamang ito at hindi na sinubukan pa, sakto rin namang pumasok na yung lalaki at naupo sa may driver’s seat.

“Ang maganda kong prinsesa!” bungad ni Dad pagdating ko sa bahay.

“Daddy!!” masayang usal ko kasabay ng pagsalubong ng yakap sa kanya.

“Nasaan si Mommy?” aking tanong nang lumayo sa kanyang mga bisig.

“Alam mo naman kung gaano ka mahal ng Mommy mo ang trabaho niya kaya ayun.. nasa America para sa bago niyang proyekto.” Kanyang tugon. “Huhuhu ang Mahal kong Claudia..sa ganda mo sana walang lalaking sumubok na lapitan ka.” Pagdadrama niya. Hay nako Dad.

“Ehem!” napalingon ako nang marinig ang pagklaro ng lalamunan ng lalaking naghatid sa akin tinaasan ko siyang muli ng kilay bago bumaling kay Dad.

“Ay! Oo nga pala anak, musta naman ang unang pagkikita niyo ni Justice?” kanyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata.

“Justice?? The ugly tababoy?!” taka kong tanong.

“Grabe ah.. parang wala ang pinaguusapan dito.” Rinig kong kanyang bulong kaya naman tinignan ko siya ng masama.

***

“KUNG ganun Fheil naalala mo pa pala ang matalik mong kaibigan.” Mabilis akong napalingon dahil doon.

“Kaibigan?!” gulat kong usal. “Iyan?!” turo ko rito bago ipinagkrus ang aking mga braso. “Kailan? ‘Di yata ako informed?” may pag-irap sa lalaking patuloy ko saka naglakad paalis. That jerk! Binabawi ko ng matipuno siya! Ew!

I was at my room nang biglang may kumatok sa pinto kaya nagtungo ako doon para buksan pero wala namang tao at tanging mga gamit ko lang. Bumalik ako sa loob para kunin ang aking disinfectant spray para i-spray sa mga luggage bago ko ipasok sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang maleta at inilabas ang ilang mga gamit ngunit natigilan ako nang may nahulog sa aking gilid na resealable plastic. Binitawan ko ang damit at tumingin dito, hindi ko mapigilan ang kaba habang nakatitig sa  aking hawak na plastic hanggang sa hindi ko na napigilan ang sariling maluha.
   Kinagabihan, naupo ako sa stool sa harap ng bar counter saka umorder ng Sweet Martini. I was wearing a black cider chain halter velvet cowl neck slit dress.

Profession Series#5: Sour Candy (ON HOLD)Where stories live. Discover now