CHAPTER 2

6 3 1
                                    

ABYSS FHEIL SERVAN.

NATUTULOG ako sa aking kwarto nang bigla nalang tumama ang sikat ng araw sa aking mukha kaya napataklob ako ng kumot.

“Hoy! Gumising ka na!” narinig kong paggising niya sakin kasabay ng paghigit sa kumot ko.

“Ano ba?!” reklamo ko saka pinilit idilat ang mga mata kahit antok pa at bumangon. “Bakit ba nandito ka?! Wala ka bang sariling bahay at dito ka nanggugulo?!” inis kong tanong.

“Hindi ka ba na-inform na dito na ako nakatira?” parang biglang nawala ang aking antok nang marinig iyon.

“What- what did you say?! Is that for real?!” gulat kong tanong.

“Bahala ka sa buhay mo, hindi ko na uulitin ang sinabi ko.” Tugon niya saka pumihit patalikod. “Bumangon ka na para kumain.” Usal niya na akmang aalis ngunit imbes na makinig ay nahiga akong muli upang matulog. “Kaya nahuhuli ka sa balita tutulog -tulog ka kasi.” Narinig kong aniya at agad akong napamulat nang maramdamang bigla niya akong binuhat na aking ikinagulat.

“Ano ba Tababoy?! Put me down!” paulit -ulit kong saway habang hinahampas ang kanyang likuran ngunit hindi ito nakinig at patuloy na naglakad pababa sa hagdan. “ I’m telling you! Ibaba mo ako!” galit kong saway.

“Tumahimik ka nga! Ihuhulog kita!” pagbabanta niya ngunit imbes na makinig ay mas nag-ingay pa ako.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang baguhin ang buhat sa akin dahil sa takot ay napapikit nalamang ako habang mahigpit na nakayapos sa kanyang leeg kasabay ng takot kong pagsabi ng..

“Wait! Wait! I was just kidding! Don’t put me down!”

“Bumaba ka na. ” aniya.

“No! H’wag mo akong ihuhulog!” Tugon ko.

“Ano ba?! Nasa baba mo lang ang upuan! H’wag ka ngang OA?!” he said kaya napamulat ako at bumaling dito.

Nakita ko ang dining chair kaya muli akong napalipat ng tingin sa kanya bago bumaba upang maupo. Ano ba?! Masyado ko namang pinapahiya ang sarili ko! Pasimple ko siyang sinundan ng tingin nang siya’y nagtungo sa upuang aking katapat upang maupo. Sana naman hindi niya ako tinatawanan. Nagumpisa na siyang kumain ng mga nakahandang pagkain sa mesa habang ako ay nakatitig sa kanya na kumakain.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” napapitlag ako nang bigla siyang nagtanong.

“I don’t usually eat breakfast.” Nasabi ko nalang saka agad tumayo si Justice sa kanyang kinauupuan at sinandukan parin ako ng pagkain. “What are you doing?! I said I won’t eat!” nakasimangot kong reklamo.

“Pero ako ang masusunod, so.. you’ll eat.” He replied.

“Are you mocking me?! This is my house!” biglang pagtaas nalang ng akong boses.

“This is not your house, this was owned by your parents. And, your Dad told me that you should eat properly habang wala siya.” Tugon niya sakin. “Now, if you don’t want na pinapakialaman ko ang buhay mo. Bumalik ka na sa America..Madam.”

Natahimik ako dahil doon at tanging pagirap lamang ang aking nagawa. Mas pinili kong kumain nalang kaysa bumalik sa America. Nang matapos ay tumambay na ako sa sala nang makuha ang aking phone sa kwarto. Si Justice naman ay agad na dumiretso sa kanyang kwarto para maghanda sa  trabaho. Mga ilang minuto lang ay naka formal suit siyang bumaba sa hagdan.

***

“WALA ka bang pupuntahan?” tanong niya habang chine-check ang gamit.

“Wala, I’ll just stay here.” Usal ko.
“Then, ikaw na ang bahala dito may dadaanan pa ako. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo.”  Ani nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Profession Series#5: Sour Candy (ON HOLD)Where stories live. Discover now