Jeep
'Kahit mawala ka pa, hinding hindi mawawala ang damdamin ko'y sa'yong sa'yo'
Papunta ako sa school ngayon dahil may meeting kami para sa pag papasimula ng school year. 7 AM pa lang ng umaga. Ganito kami usually nagkikita ng mga officers ko para marami pa kaming magagawa sa tanghali. Marami rin kasing posibleng ma-late. Hindi na yata nawawala iyon sa mga ganito.
Punuan pa rin ang mga jeep kahit alas siete na ng umaga. Ni hindi ako nakapag almusal dahil kailangan kong mag luto. Ang ironic na ako ang nag luto pero ako yung hindi nakakain. Naka hawak lang ako sa railings ng jeep sa taas ng ulo ko habang marahang tinatapik ng mga daliri ko ang hinahawakan dahil sa ritmo ng kanta.
Hindi yata ako makakapunta sa school nang walang headphones o earphones man lang. Buhay ko na yata sila. Pakiramdam ko may sarili akong mundo sa loob pa ng isang abalang mundo. Kapag tumitingin ako sa mga pasahero ng mga jeep na, hindi nawawala sa akin na mag isip. Marami kami rito pero hindi kami parehas ng naging umaga.
Tumingin ako sa isang bata na kasama ang kaniyang ina dahil ihahatid ata siya sa kaniyang paaralan. Ginising siguro siya nang napaka aga para lang pumasok. Nakita kong insaasikaso pa rin ng nanay ang anak niya dahil medyo nagusot ang uniporme nito habang nakaupong umiinom ng chuckie. Nakatingin na ang bata sa akin. Masyado atang napatagal ang titig ko.
Sa kabilang puwesto naman, mayroong lalaking bumabagsak bagsak pa ang ulo dahil sa antok. Mukhang wala siyang tulog at ang dami niyang responsibilidad sa buhay. Hindi ko mapigilang isipin na ano ang mangyayari sa pag tapos ng araw na ito.
"Ate bayad po!" Malakas kong narinig kaya napatingin ako sa kaliwa ko.
May ibang tao naman na pwedeng mag abot sa akin niya pa iaabot. "Salamat po!" ani niya ng iabot ko ang bayad niya.
Mukha siyang may pupuntahang liga. May liga ba ng alas siete ng umaga?
Sa lalim ng iniisip ko, lumagpas na pala ako sa babaan.
"Para po!" Sigaw ng lalaking papunta sa liga.
Nakatingin siya sa akin na para bang nag tataka kung bakit hindi pa ako bumababa. Tinignan ko rin siya pabalik pero naalala kong nasa jeep pala kami.
"Hindi ka ba bababa?" Tanong niya ulit. Mukha siyang... ano ba iyon? Gagi ano nga ulit?
Bumaba na ako at tumawid bago pa ako tuluyang ilagpas ng driver. Ayaw ko mang badtrip ng tao. Ang aga-aga! Tumawid na ako para makasakay ulit.
This time kailangan sumakay ng jeep o pedicab para makababa sa school namin. Pwede naman itong lakarin. Tinatamad nga lang ako saka may meeting nga kami.
Habang nag lalakad pababa ay nakasalubong ko ulit yung lalaki na parang pupunta sa liga. Ang weird lang na titigan at pagsalitaan niya ako ng ganoon. Ni hindi niya nga alam kung sino ang mas matanda sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Winter's Warmth
RomanceA daughter who lived most of her life being no one's choice. Olivia, a top student, and a high achiever aims for every sky-scrapping thing since she was a child. Kai, a member of the chess and basketball team meets Liv and attempts to start a life r...