INTRODUCTION: Childhood Memories

110 6 0
                                    

 "MY BESTFRIEND LOVES ME!?"

Kwento ng dalawang magbestfriend na sina Aria at Ian noong bata pa lang,ngunit nagkalayo sila sa isa't-isa.At sa di inaasahang pagkakataon nagtagpo silang muli at saka doon nagkaroon na ng nararamdaman si Ian kay Aria..,paano kaya ito malalaman ni Aria bago pa nya sagutin ang pinsan ni Ian na si Bryan...

At paano kaya sasabihin ni Ian kay Aria na Mahal nya ito kahit na may pangako sya sa sarili nya na si Aria lang ang magiging Bestfriend nya.

********

Si Aria at Ian ay magkapitbahay at magkaklase rin sila sa kindergarten.Pareho silang matalino pero mas nakalalamang lang itong si Ian kay Aria.

Nagkaroon ng program sa kanilang school.At kailangan daw ng magoopening number,silang dalawa ang napili ng kanilang teacher dahil mahusay din silang sumayaw.

"Ang cute mo sumayaw Aria" -ian

Nakita nya kasing nagpapraktis mag-isa si Aria.

"Ano?hindi ko naintindihan"-aria

Lumapit si Ian kay Aria

"Ang lakas kasi ng music mo,basta goodluck satin mamaya..galingan mo rin a!"

"Oo naman "

..at nagapirr sila

Naging maganda ang kanilang performance dahil nakasuporta sa kanilang dalawa ang kanilang mga magulang.

Nang matapos na yung program nagyayang kumain sa labas ang mga magulang ni Ian.

..sa restaurant

"Ang galing nyong dalawa ni Aria sumayaw anak a!"-dad ni ian

"Thank you dad,Aria galing mo rin daw"

"Gusto nyo pa po ba?Sige ikembot..sige ikembot..ikembot mo to the right"

Sinasayaw ni aria kahit nakaupo.Nagtawanan naman ang kanilang mga magulang.

"Ang cute mo talaga Aria"-ian

"Ako cute?"

"Hinde yung sayaw mo"

"Ay akala ko ako yung cute e"

"Syempre cute ka rin naman little girl"-mom ni ian

Ginabi na rin sila ng uwi.Magkatabi lang naman ang bahay nila kaya kahit sa bintana lang nakikita nila ang isa't-isa.Mahilig silang magsulatan sa white board ng gusto nilang sabihin,madalas nilamg pagusapan kung ano ang kinain nila at minsan nagyayayaan sila na papuntahin ang isa sa bahay nila para makatikim ng pagkain nila.

Madalas din silang maglaro at magbike sa village nila.

Ilang buwan ang lumipas dumating na yung Graduation Day nila.Magkatabi sila ng upuan sa unahan..Salutatorian si Aria at Valedictorian naman si Ian.,si Aria nagopening speech at si Ian nman bandang huli na nagspeech.

Pinakinggang mabuti ni Aria yung speech ni Ian,ngunit mayroon talagang linya na sinabi si Ian na tumatak kay Aria dahil hindi nya ito maintindihan.."Salamat po ng marami sa lahat ng naging inspirasyon ko sa pagaaral si Mommy,Daddy at si Aria".Nahihiya naman syang tanungin si Ian kung ano ang ibig nitong sabihin.

Pagkatapos ng kanilang graduation hindi alam ni Aria na hindi na pala sila magkikita ni Ian sa Village nila dahil lilipat na sila ng bahay .

Naunang umuwi sila Aria,dumating sila ng bahay na nakahanda na mga pagkaingpinaluto nya sa kasambahay nila.Bago pa sya kumain,umakyat muna si Aria sa kwarto nya at binuksan ang bintana..hinantay nya na mayamaya lang ay sisilip na si Ian dito.Kaya nagsulat na sya sa white board ng sasabihin nya.

"May spaghetti at cupcakes dito punta ka"

  After 20 minutes hindi parin ito nagbukas ng bintana..bumaba nalang sya at naghanda ng spaghetti at cupcakes para ibigay kay Ian sa bahay nila.Pagdating nya sa gate ng bahay nila Ian may nakita syang papel sa tapat ng gate nito,kinuha nya at binuksan.

"For Aria,

Sana mabasa mo ito.,lumipat na pala kami ng bahay hindi ko alam kung saan medyo malayo daw sabi ni daddy.

Sorry hindi ko sinabi sa iyo ayoko kasing makita kang umiyak.Magkikita pa naman tayo at saka pag nagkita tayo ,ikaw parin ang bestfriend ko.

At saka cute ka talaga Aria hindi lang yung sayaw mo.

From your bestfriend,

Ian"

Medyo natagalan din sya sa pagbasa ,pero nang matapos nya itong basahin,napaupo sya at nabitawan ang spaghetti at cupcakes na dala nya.Inabot sya ng dilim sa labas ng bahay nila Ian,umiiyak sya.

Lumabas ng bahay ang mommy at daddy ni Aria at nkita sya sa labas ng bahay nila Ian.Inakay sya ng mga magulang nya at hinatid sa kanyang kwarto.

Kinabukasan dahil nasanay si Aria na paggising nya ay bubuksan nya agad ang bintana para yayaing maglaro si Ian,pero pagbukas nya ng binta nakita nyang nakasarado ang bintana sa kwarto ni Ian,naalala nya na lumipat na nga pala sila Ian kaya nalungkot sya.

Simula noong umalis si Ian,nawalan na ng kalaro at kaibigan si Aria.



My Bestfriend Loves Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon