Madison
Nakarating na kami sa ihawan at nadatnan namin si Amy.
"Hi, guys!" Bati niya.
"Uy, Amy kasama ka pala?" si Raf.
"Malamang, siya nag-aya e," Sabi ko at siniko siya.
Natawa naman siya. Habang pumipili si Raf ng ipapaihaw niya at hinigit ako ni Amy.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ikaw ah, kelan mo ba aaminin 'yang feelings mo kay Rafael?"
"Shh, 'wag ka ngang maingay baka marinig ka, " Saway ko.
"So kelan mo nga balak aminin? "
"Wala akong balak-"
"Anong wala? Gaga, lalong lalalim 'yang feelings mo, " Putol niya sa sasabihin ko.
Magsasalita na sana ako nang tinawag na kami ni Raf at nakapili na 'raw siya.
Kailan ko nga ba aaminin? O May balak ba akong aminin?
