28

39 4 0
                                    

Madison

Sumabay ako kay Raf kahit na nahihirapan ako. Sumabay ako sa kaniya na parang wala lang, na parang hindi ako ilang oras umiyak dahil sa kaniya.

Nang makarating kami sa school ay hindi ako nakipag-kulitan sa kaniya, nagkita sila ni Dianne na girlfriend niya sa Quad. Nginitian niya ako.

"Hi, ikaw si Madi 'diba?" Tanong niya.

"Naveah, I'm Naveah." Paglilinaw ko.

"Oh, sorry. I'm Dianne GIRLFRIEND ni Raf." May diin sa salitang girlfriend.

hindi mo na kailangang ipamukha sa akin.

Nilampasan ko na siya, lumingon ako bago tuluyang umalis. "Bye, Raf! Mamaya na lang uwian." Sabi ko at nagmadali ng umakyat.

You Belong With Me Where stories live. Discover now