Mr. Late,
Nakakainis!!! Akala ko late ako ngayong araw! Di na nga ako nag pa-alarm para ma-late ehh, kainis naman kasi si Mama.
Buti pa si mareng Jane, late ngayon. Same as you. Kaya sinamahan ko siya kanina sa school hanggang 5:30. You know diskarte din pag my time. Hihihi.
Alam mo ba mahigit isang oras na kitang tinititigan kasi ikaw na lang mag-isa ang naiwan sa section nyo.
Good timing talaga ang teacher's meeting na 'yan. Kaya smile ako ng smile para mapansin mo ako. Pati si mareng Jane nga kinikilabutan na rin sa mga kinikilos ko. Kung alam nya lang... Hahaha