Chapter 1

1.2K 45 5
                                    


-2 years ago-

Jade's POV

Napaka ganda talaga...

Napaka ganda nitong nilalang na nakikita ko...

Kung pwede lang, linigawan ko na ito eh..

Kaso hindi pwede..

Hindi pwede kasii...

"Jade! Ano ba? Buong hapon mo nalang bang titigan yan pag mumukha mo jan sa salamin! Halika na! Hinahanap ka na nila Mama." Panira talaga ng moment tong si Paul lagi!

"Oo, susunod na ako!"

"Anong susunod! Halika na!"

Wala na akong nagawa kundi bumababa nalang. Pagbaba namin ni Paul, tama siya ako na nga lang hinihintay.

"Jade anak, ano ba naman yan halos dalawang oras ka nag bihis alam mo namang may pupuntahan tayo eh" Mama

"Eh ma an---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang sumabat si Paul.

"Kasi ma, may balak kasi ata yang si Jade na lamunin yung pagmumukha nya sa salamin eh" tinignan ko lang ng masama si Paul tapos nag make face siya sakin.

"Gandang ganda ka nanaman sa sarili mo Jade huh!" tignan mo tong si Gabriel ginatungan pa si Paul! Nakakainis talaga!

"Hep! Kayong dalawa, tigilan nyo na yang si Jade. Aalis na tayo."

Sunakay na kami sa van, pupunta kaming school ngayon para ma kapag pa enroll na ako. Swerte ko nga at tinanggap pa ako kahit nag start na ang 1st sem eh! :)

"Mom? After mag pa enroll ni Jade san tayo?" paul

"Mall, kailangang bilihan ng new things ang kapatid mo."

Kahit kelan talaga itong si mama, marami pa naman akong things sa bahay na di pa nagagamit eh.

"But mom, meron pa po akong notebooks sa bahay na di pa nagagamit"

"Ibigay mo na yun kay Manang Tessa para ibigay niya sa anak niya. Kailangan bago ang mga gamit mo Jade, pano nalang kapag nahalata ng classmates no na luma ang mga gamit mo? Nakakahiya yun anak."

Sabagay, ayaw na ayaw ng family ko na napapahiya sila w/c is nasa tradition naman na namin. Para sakin ayos lang din naman na mapahiya kahit minsan lang pero talagang iniiwasan ko kasi mapapagalitan talaga ako ni Dada or worse ni Angkong.

"Ma, wag nyo na kaya ako samahan na mag pa enroll, kaya ko naman na eh. Para sakto, bili na kayo ng things ko then kita kita nalang tayo for lunch"

"Sigurado ka bang kaya mo Jade?"

"Yes ma, sige na"

Nag nod nalang si mama. Di na kami nagkibuan pag katapos ng conversation na yun kaya nag earphones nalang ako para di boring.

After 15 mins, nakarating na kami sa school ko.

"Oh, mag ingat Jade ha. Itetext na lang kita kung saan tayo mag lulunch."

"Okay mama"

Lumabas na ako ng Van at nag wave sakanila bago tuluyang tumalikod.

Pagpasok ko ng school hindi na ako nagulat kung sobrang laki, ano pa bang ieexpect ko sa family ko? Alangan naman pa aralin nila ako sa maliit na school, nakakahiya kaya yun.

Kaso ang problema ko ngayon hindi ko alam kung saan mag papaenroll -__-

'Yan kasi Jade! Nag mamagaling ka eh! Dapat nag pasama ka nalang kay mama edhi sana..'

HeartachesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon