"Let go Jade? Hanggang dyan nalang ba ang kaya mo ha?!"
"Eh anong gusto mong gawin ko Althea?! Anong gusto mong gawin natin?!"
Ipinagdikit ni Althea ang kanilang noo ni Jade.
"Ipaglaban mo ako. Ipaglaban mo kung anong meron tayo. Mag sakripisyo ka katulad ng sakripisyong ginagawa ko..." hinawakan ni Jade ang mga kamay ni Althea habang patuloy na umiiyak.
"Hindi ko kaya.."
Tila nag pantig ang tenga ni Althea sa narinig. Parang paulit ulit na tinusok ang kanyang puso sa katagang iniwan ni Jade.
"Hindi kita kayang ipaglaban ngayon Althea. Hindi ko kaya. Hindi ako matapang katulad ni Paul. Hindi ko kaya..."
Lumayo si Althea kay Jade habang umiiyak parin. Gusto na niyang sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman. Pero imbis na ipakita kay Jade na wasak na wasak na ito, pinunasan niya ang kanyang luha at ngumiti.
"Sa bagay, ano pa bang aasahan ko sayo. Ni wala ka ngang alam na gawin sa buhay mo eh, tapos hihiligin ko na ipaglaban mo ako? HAHAHAHA. Bobo ko lang Jade. Sige, kung yan ang gusto mo wala akong magagawa. Pero Jade, tandaan mo na lahat ginawa ko para maging maayos tayo, para maging masaya tayo..." hahawakan na sana ni Jade ang mga kamay ni Althea pero winaksi lang ni Althea ang mga ito "wag mo akong hawakan! Wala kang karapatan na hawakan ako!"
Umurong ng umurong si Althea kay Jade, pakiramdam ni Jade bawat hakbang ni Althea palayo ay talagang mawawala na ito sakanya.
"Choice mo ito. At ni rerespeto ka lahat ng desisyon mo alam mo yan."
Pa atras parin ito ng paatras. Gusto na ni Jade na tumakbo at yakapin si Althea at bawiin lahat ng sinabi nito ng may maalala siya.
"Hindi mo matutupad ang pangarap mo kung di ka susunod sa akin ngayon. Mas lalong di mo makakasama yang babae mo kung di mo aayusin ang sarili mo. Kung itatakwil kita at pipiliin mo yang babae mo ngayon, hindi rin kayo magiging masaya"
Bumalik lang sa mundo ang pag iisip ni Jade ng tumama na si Althea sa pintuan ng rooftop.
"Goodbye Jade. Hope this will be the last goodbye for us..." tunalikod na
Tila napangiti si Jade sa sinabi ni Althea dahil baka may chance pa silang dalawa.
.
.
.
.
"Cause I don't want to see you anymore..."
Sabay ng pagsarado ng pinto ay ang pag tulo ng mga luha ni Jade. Ayaw na siyang makita ng taong pinaka mamahal niya.
'Althea, hindi pwede. Babalikan kita...Althea, babalik ako.'
BINABASA MO ANG
Heartaches
FanfictionGawa gawa lang ng malikot kong pagiisip. Hahaha. #RasTro inspired to.