Nakapabilog kami kung saan madalas kaming tumambay. Hinihintay namin ang pagdating ni Stephanie.
Kitang kita sa mga mata naming lahat na kulang sa tulog at kakagaling lang sa iyak. Pero awang awa kami dahil sa boyfriend ni steph, Si Michael. Kaninang umaga niya lang kasi nabalitaan.
Nagpasya kasi kaming magkita kita dito, dahil malamang dito didiretso si Stephanie. Maaaring wala siyang alam sa nangyari.
Dito kasi kami lagi dumidiretso bago kami pumasok sa school.
—
"Guys!!!" - Tulad ng inaasahan sabay sabay kaming napalingon sa parating na ngiting ngiti. Si steph nga.
Pigil hininga at iyak ang tangi kong nagawa na pinalitan ko ng ngiti. Ganoon din ang ginawa ng iba.
.
"Why y'all look so sad? Umiyak ba kayong lahat?" tanong ni steph samin, Hanggang sa napatingin siya sa boyfriend niya..
"Michael, why babe? Problem?" tanong niya dito.
Umangat ang tingin ni michael at ngumiti na lang ito at umiling. Gustuhin niya man yakapin si steph, Hindi niya ito magagawa pa.
Bigla na lang tumunog ang Cellphone namin pare parehas, Pagtingin ko, sa messenger pala.
Nagkatinginan kami isa isa at sabay sabay na tumingin kay steph.
Kunot noo niya kaming tinitignan na parang nagdududa na sa kinikilos namin.
Binalewala koyon at tumingin na lang kung sino ang nagchat sa Group chat namin magkakaibigan..
Chloe: Tine, Sasabihin na ba natin sakanya?
Me: Hindi ko alam kung paano, Clong :(
Koy: o hintayin na lang natin na malaman niya kung anong totoo?
Xyrill : Mas ok nga kung ngayon na eh.
Me: Sure ba kayo?
Michael : wag muna guys, gusto kopa siyang kasama. Hindi ko kasi alam ang mangyayari pag nalaman niya.
—
Lahat kami sumang ayon sa desisyon ni michael. Awang awa kami sa sitwasyon nilang dalawa.
Pero alam kong hindi magtatagal, Ngayong araw din na ito, malalaman ni Steph ang katotohanan.
—
"Anong nangyayari guys? bakit hindi ko kayo mahawakan? Nasan ang cellphone ko? Babe, Michael!! Whats happening? Tine? Xy, Clong, Koy? Please tell me.. I'm begging y'all" Naghuhumirintado at mangiyak ngiyak niyang pagplease samin na sabihin kung bakit ganito ang nangyayari.
Ultimo kami, hindi namin alam kung paanong ipapaliwanag sakanya ang nangyari......
YOU ARE READING
YOU (On Going)
Mystery / Thriller02/22/23 Isusulat ko to'ng prologue ngayon base sa napanaginipan ko kanina bago ako pumasok ng work, Masakit ang ulo ko today dahil sa pag nananaginip ako, feeling ko kinukulang ang tulog ko. Kaya naisipan kong gawan ng kwento kung ano ang napanagi...