Chapter 2

6 1 0
                                    







"So you mean, hindi ka ghost?" Lumapit ako sakanya at pinindot pa yung pisngi niya para masiguro kong hindi nga talaga siya isang multo.




"Hindi nga sabi!" Irita niyang winakli yung kamay ko sa mukha niya habang yung mga kaibigan niya mamamatay na kakatawa.




"Sige mga gago! tawa lang ng tawa! diyan na nga kayo!" pagmamaktol niya at umalis na.




"Saan pupunta yon?" inosente g tanong ko sakanila.




"Baka mauuna na yon don sa school, hayaan mo siya. Hahahaa tangina sakit ng tyan ko kakatawa" aniya ni Koy










Nakarating kami sa school, at tama nga nandito na yung isa pa nilang kaibigan na hinihintay sila.



"Michael! Bakit ka agad nauna tol!?" kunwaring nagtatampong sambit ni koy.





"Ay hayop! tigilan moko koy!" iritang tugon ni michael, Michael pala pangalan niya 





Lumipas ang umaga na klase na sila ang kasama ko. Iisa lang pala kaming lahat ng course at magkakaklase pa.



Mukhang hindi ako makakalubay sa mga to ah..












Noong nagbreak time, mauuna na sana akong lumabas ngunit may humarang agad sakin. Pag angat ko ng tingin, Si Kristine agad ang bungad.



"Punta ka canteen? Tara sama ka samin. May mas peaceful na lugar para kainan." pag aaya niya sakin.




"Pero—" hindi niya na ako pinatapos at hinaltak niya nanaman ako kasunod ng mga kaibigan niya..




"Pero wala kang foods? Don't worry, may baon kami palagi" lumingon siya sakin at nagpakita ng napakalaking ngiti.








Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ngang may mga bitbit silang tupperware na naglalaman ng pagkain. mga ngiting ngiti sila sakin pero isa lang ang namumukod tanging nakasimangot, Si michael.




Inismiran ko siya at nagpahaltak na lang ng tuluyan kay Tine Tine.





Nakarating kami sa rooftop at meron don na isang lamesa na kakasya kaming lahat at upuan. Pero kulang ng isa, Marahil dahil nga hindi ako kabilang. Meron ding umbrella na parang pinaghandaan talaga nila at lagi silang nandito. Ang lakas naman nila sa school na to.








"ok, let's prepare our food na." Pumalakpak pang sambit ni kristine.



Habang naghahanda sila ng kakainin namin, para akong nahiya sa sarili ko dahil wala man lang akong ambag.





"Anong sinisimangot mo diyan?" Pagtataray sakin ni Michael







Lalo akong bumusangot para asarin siya. "Hoy michael! Huwag mo ngang ginaganyan si Steph, Porket napagkamalan kang multo kanina, hahahahahah" Pagsuway sakanya ni Xyrill.







"Oo tol, magmove on kana. Tapos nayon! Kanina pang umaga yon." dugtong naman ni koy





"Tara na dito steph, Kaso kulang ng upuan" malungkot na sambit ni chloe.






"Oh! eto na lang sakin gamitin mo, Tatayo na lang ako." Iritang alok ni michael ng upuan sakin.






"Wag—" Tatanggihan kopa sana pero kinuha yon ni Chloe at ibinigay sakin para makaupo na din ako.









YOU (On Going)Where stories live. Discover now