Day #2

2 0 0
                                    

                                                   12 • 25 • 22

Dear Diary,
I'm just wondering if tama ba tong nararamdaman ko? May karapatan ba ko para maramdaman to? Ganito ba dapat maramdaman ko? Arghhh hindi ko na alam. Hindi kami gaanong nagkikita dahil nga holidays and gusto naming maglaan ng time sa mga pamilya namin. Di kami gaanong nakapag-usap this day and I feel na hindi siya okay habang nag - uusap kami kaninang umaga. I tried to ask him kung kamusta siya and sabi niya okay lang daw siya pero nagtanong pa din ako ng paulit ulit ulit just to confirm kung tama o mali bang nafefeel ko kaninang umaga. And dahil sa kakulitan ko kanina naamin niya din na hindi siya gaanong okay. Matagal ko na siyang kilala and nafefeel ko agad kung okay ba siya o hindi? kung masaya ba siya o hindi? I chatted him what is the reason? but he just seen my message. I waited for how many hours for his replies but after 6hrs of waiting I got nothing. Nag-aalala ako para sa kanya I just want to help him, I want to lessen kung anomang nararamdaman niya. Nang hindi pa din ako nakakatanggap ng reply niya I still patiently waiting, hindi nako nagchat ulit baka makulitan na siya sakin at mainis and I'm thinking na he needed some space muna. Minsan kase hindi nakakatulong ang ibang tao para gumaan at masolusyonan ang problema mo minsan nagbibigay pa ito ng kalituhan lalo na ang mga payo nila sayo, kaya minsan mas mabuti na munang mapag-isa ka at magdesisyon kung ano ang gagawin mong aksyon sa isang problema kaya naiintindihan ko siya kung nais niya munang mapag-isa. 9:00pm I already received a reply from him, he says his sorry for replying so late because they have a family event and he was talking to Lalaine his ex-girlfriend. Sinabi ko naman na ayos lang yun, kahit na gusto kong sabihin sa kanya na alalang-alala ako sa kanya lalo nat sineen niya lang ang message ko but I can't, because he might feel awkward kung sasabihin ko yun. He replied again to my message earlier na I don't need worry because he feels okay right now and it was thanks to Lalaine. Hindi ko alam kanina nararmdaman ko na nasasakatan ako na naluluha na tumatawa, nababaliw na ko hahaha. Kase naman para akong tangang alalang-ala sa kanya pero hindi ko man lang naisip kanina na tanungin ang sarili kung.. ako nga ba yung taong kailangan niya? Yes siya yung unang taong takbuhan ko kapag may problema ako, pero hindi ko naitanong sa sarili ko ako ba? ako ba yung taong unang tatakbuhan niya? ako ba yung taong makakatulong sa kanya? ako ba yung taong makakapagpagaan ng nararamdaman nya? Ughh nakakainis ka Eir hindi ka na nakakapag-isip ng tama hahaha hindi mo man lang naitanong yun sa sarili mo. Yung sakit na nararamdaman ko kanina nadagdagan pa yun sa mga sinasabi ni mama. Sa mga sinabi niya parang isa ako sa mga walang kwentang taong nakilala niya. Hindi ko lang nagawa ang isang simpleng bagay dahil nagpapahinga pa ko kanina galing sa pagbebaby sitting kung ano ano nang naririnig ko. Kesyo sarili na lang daw namin ang iniitindi hindi pa namin magawa, paano daw may magkakagusto samin kung ganito kami? I also heard curse word. Hayyy can't she see that I'm not okay? Babysitting was my part time right now habang nasa Christmas break it's kinda fun but tiring. Fun because yung mga ngiti ng mga bata habang klaro mo sila was so precious and tiring kase nakakapagod talagang makipaglaro at mag-alaga. I'm doing a part time to help my family in our daily expenses, hindi naman kami mayaman para maghayahay lang ako as a panganay I need to do my role. Kapag bayaran na or sahod ko na sa pagbebabysitting ay nagbibigay ako kay mama pandagdag sa panggastos namin, binibigyan ko din ang mga kapatid ko para mabili nila yung gusto nila at yung iba ay para na sa allowance ko sa pagpasok. Ayaw nila akong pagtrabahuin talaga dahil ayaw nilang mapabayaan ko ang pag-aaral ko lalo nat isa akong scholar sa school namin.I can't take lang na nag aaway sila ni papa dahil pang araw-araw naming gastusin although natutustusan naman ang aming pangangailangan may mga times talaga na hindi sumasapat kaya nagkakaroon ako ng urge na tumulong. Hay sa pagod mula sa pagpapart time, pain from my mother's, sa pagiging parang tangang naghihintay. I can't really stop asking myself, why I am so worthless? I thought my efforts are enough to make it feel how much I really care for them? Why I always feel like my feelings are not validated? Right now wala akong matatakbuhan para sa masasabihan ko ng nararamdaman ko ngayon. Right now I'm thankful that Jameel choose a diary as his present. Pero bakit kaya ito ang naisip niyang ibigay bilang Christmas gift? Pero kung ano man ang dahilan, ngayon ay nagpapasalamat ako dahil kahit wala akong taong napagsaaabihan ay nasusulat ko ito,naitatago at tinutulungan ako na mapagaan yung nararamdaman ko.

                                                       -Eireann

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary of My Untold FeelingsWhere stories live. Discover now