Chapter IV

17 1 0
                                    

*Cheska POV*

Nasa bahay kami ngayon kami lang ni chris ako nagbabasa ng pocketbook habang nakahiga sa may couch sa may sala at siya naman nanunuod ng tv palipat lipat ng channel.

"Hoy!balak mo bang sirain ang tv namin?"naiinis na kasi ako sa kanya balak pa niyang sirain pati ang remote control ,wala kasi mga magulang ko pumunta sa isang event at gagabihin pa umuwi yun.

"Ang boring naman dito!"at papatayo siya.

"Oyy!san ka pupunta?"

"Lalabas lang total wala naman yung mga magulang mo walang magbabantay sakin"at papasok siya sa kanyang kwarto ako naman ito sumunod sa kanya at nag sesermon habang siya ay pumili ng susuotin niya.

"Pinababantayan ka ni mama sakin bawal kang lumabas!"pero di pa rin ako pinakinggan at aakma na siyang maghubad at tumingin muna siya sakin.

"Balak mo ba akong rape.pen?"ngiti pa niyang pasaway at agad akong tumalikod at nagsesermon pa rin.

"Gusto mo ba akong mapagalitan ako ng dahil sayo?"hindi niya ako pinansin at ayun lumabas na siya ng kwarto na una na siyang lumabas ang bilis magbihis at papalabas na siya ng bahay.

"Hoy!di mo ba ako narinig!"kaya lumabas na rin ako ng bahay at ini lock ko muna at gulat naman siya naka tingin sakin.

"Anong ginagawa mo?"nakasimangot siya ng tingin sakin parang malalamon ako.

"Eh,di sasama sayo kung san ka pupunta para tayong dalawa ang mapapagalitan hahahaha"naka evil laugh ako at di naman siya nagpatinag ngitian lang ako at maya maya may tumawag sa kanya.

"Oh pare!nandito na ako sa labas"

"Whatt?san kayo pupunta?"nagulat ako dahil ngayon ko lang napagtanto na naka pambahay pala ang suot ko

"Sa bahay ng kaibigan ko magpaparty siya"om gee ganitong outfit ko tsssk!

At maya maya may nakahintong sasakyan sa tapat namin at agad nagbukas ang window shield ng sasakyan at napa nganga naman ako napaka gwapo niya mas gwapo ni chris ang cute ng dimple niya.

"Pare!nagsama ka pa ng yaya"tumawa siya at nawala tuloy ang paghuhumaling ko sa kanya hmp!pareho lang pala sila ni chris!

"Oo nga pre wala akong magawa"wow!yaya niya talaga ako!pinainitan ko siya ng tingin pero si chris nginitian lang ako at pumasok sa kotse sa may likod at no choice katabi ko nga siya.

"Pre!nandun si trishia yung patay na patay sayo"wow!ha! Sige siya na ang gwapo!

"Ah ganun ba pre ininvite mo?"may mukhang na inis siya sa pangalan pa lang ni trexia parang di niya type.

"Hindi nagpumilit siya,sabayin mo nalang yung tama niya"nagtawanan nalang sila.

Mas gago pala to kesa kay chris!at itong si chris naman di naman ako pinapakilala at mukhang wala naman itong interesado sakin hmp! Napa buntong hininga nalang ako.

Nang nandito na kami sa bahay ng kaibigan ni chris napa OH MY GEE!! Ako wow!mansion! At napa tingin ako agad sa suot ko tsk!nakakahiya im sure mapagkamalan akong yaya ni chris at sinabayan naman nito chris!lagot siya sakin mamaya!

Pagpasok namin agad may sumalubong samin isang babaeng ubod ng puti at ang kinis at chinita in short maganda siya kaya nanliit tuloy ako sa sarili ko dahil sa suot ko.

"Hi chris"pa cute ng sabi nitong babae cguro ito si trishia maganda naman siya ano kaya ang di nagustuhan nito ni chris?hmp!

Sinagotan lang ng kaway ni chris napaka antipatiko talaga nito.

Pero agad akong napansin ni trishia napakunot noo siyang tumingin sakin.

"By the way yaya ni chris,whats your name again?"ha?nagtatanong ba siya ng pangalan ko kanina duh!

"Im cheska"pa simpleng ngiti ko at sabay lahad ng kamay ko at parang nandidiri pa sakin tumanggap ng kamay ko ang arte arte naman pala.

"Cge pre ma iwan ko muna kayo puntahan ko muna si vanessa"sabay tapik sa balikat at naiwan kaming tatlo ang awkard kasi parang nagmumukha akong chaperone.

"Cge alis muna ako"aakma sana akong tumalikod pero pinigilan ako ni chris anong nangyari dito?

"Dito ka lang,di ba yaya kita?"napa nga nga nalang ako at parang sumesenyas siya sakin ng di ko maintindihan.

"Ahh..okay"napasunod nalang ako kasi wala naman talaga akong mapupuntahan dahil nakakahiyang makikipaghalubo sa mga bisita sa ganitong outfit ko.

"Takot ka ba sakin chris?"pa simpleng humawak sa kamay si trishia at iniwasan naman yun ni chris.

"I told you already"itim bagang sinabi ni chris at napatingin nalang ako sa kanilang dalawa.

"I know ayaw mo lang masaktan kaya natatakot ka lang magmahal"tama ba ang narinig ko?

"Stop it trishia!"napasigaw si chris pero di man medyu narinig dahil sa lakas ng music.

"Bakit nahihiya ka bang malaman nila?"sabay tingin niya sakin at agad nagkunot ang ulo ko.

Tumalikod nalang si chris at agad naman siyang pinigilan ni trishia at agad sinunggaban ng halik.

Wow!ha!ang obsess!agad nagtakip ako ng mukha .

At agad naman kumawala si chris at nag walk out at hinablot niya ako papalabas aray!parang siya pa sakin may galit!.

"Hoy!tama na ang sakit!"kaya parang dun niya napansin na babae po ako! Kaya binitawan niya ang braso ko.

"Ayy..sorry"napayuko siya.

"Ang obsess ng babae nun sayo!graveh!"siya naka yuko pa rin parang ang lungkot niya.

"Hoy!okay ka lang ba?di mo naman kasalanan niyun di ba sinabi mo naman sa kanya na ayaw mo siya?or nasabi mo na ba?"litong lito ako na tumititig sa kanya at dun na siya nag angat ng tingin sakin oh my gee ang gwapo niya!

"Nope,love ko naman talaga siya.."

"Yun naman pala eh bakit pinapahirapan pa!"nakamewang ako sa harap niya.

"It suddenly change when i caught her kissing with another guy"at dun ako natahimik at nakatitig sa kanya.

"Magtatapat na sana ako sa kanya kaso nadatnan ko siyang nakikipag harutan sa loob ng kwarto niya bestfriend kami nun"may lungkot sa mga mata niya.

At agad ko nalang siyang niyakap ng di ko man lang alam siguro naawa ako sa kanya dahil may busilak na naman palang nakatago sa kanyang puso kaya nga siguro ganito siya ngayon.

*chessssy hehehe*
*follow me please i'll follow u too *

*maghahabolan tayo hehehe*

HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon