Sa mga puting buhangin, ako'y napaupo
Nakatanaw sa nagtagpong dagat at langit
Lagi kang naiisip, hinahanap ng puso
Pag-agos ng mga luha'y sadyang pinipilit.
Naaalala ang mga panahong ika'y katabi,
Noong sa'yo ko lang nabuhos ang lahat ng emosyon;
Tanging ang mga ulap na ang nagsasabi
Na tuluyan nang naglaho ang lahat ng iyon.
Ako ay nalulungkot sa iyong paglisan
Sa dalampasigan, ako ngayo'y nag-iisa
Kaya ay nais na sana kitang pakawalan
Mga alaala'y dapat nang ibaon ng tuwina.
scaredycaaat
YOU ARE READING
Her Muse (Collection of Poems)
Poetry"Her Muse" is a collection of poems that tackle the longingness of a person. The poems are all about the author's muse in her every masterpiece.