chapter 5

6 2 0
                                    

Maraming araw na ang nagdaan at ayun 2 days left bago mag june 15- ang unang araw ng pasukan namin.


"Ma, pwede pa ba mag-back-out?" ang tanong ko kay mama habang kami ay nag bebreakfast.


"Charm honey, of course, no!" ang pagalit na sagot ni mama sa akin


"bigayan mo ako ng 20 reasons para magback-out ka." ang kondisyon ni mama sa akin.


"ahhhmm...una mahal doon."nagumpisa na akong magsalita at natigilan ako nang maalala ko na nakita ko roon yung mga it girls.

[hindi ko naman kasi pwede sabihin na may kaaway kasi ako doon, at tiyak grounded pa ako.]


"hay, nako dear, wag mo na ipag-pilitan pa ang gusto mo."ang huling sabi ni mama at hinalikan niya ako tapos ay umalis na ng bahay.


wala na ako magawawa pa at talagang kailangan ko na sigurong magpondo ng maraming lakas ng loob. para kapag nag-kaharap kami ay kaya ko sialng harapin.

Nakaramdam ako ng pagkabugnot sa bahay kaya agad naman akong nag-pasyang umalis,pero hindi pa rin ako sanay na mag-pa drive kay mang edmund kaya nag-commute na lang ako papuntang mall.


...

Pagdating ko sa mall ay talagang natuwa ako dahil sale pala ngayon kasi malapit ng ang swelduhan. kaya sinipat ko ng maigi ang mga stall at kung may magugustuhan ako. napapunta ako sa isang phone gallore at bumili ako ng brand new phone ko. Samsung ang binili ko kasi hindi ako fan ng iphone at para sa akin too much na ang iphone para sa isang tao.


"Miss, pwede ko po ba makita yung model na ito?"ang nakangiting sabi ko sa tindera ng shop.


"ayan, na po tignan ninyo na po." ang pagsagot nito sa akin.


"ah, i mean pwede ko ba makita at mahawakan." ang pagclarify ko sa kanya.

[ay, talaga bang ipangalandakan ang katangahan. ang aga-aga naghahasik ng lagim.]


"Ay sorry madam, hindi pwede." ang pagsusungit nito sa akin.


"bakit naman? i-checheck ko lang."ang pag-iinsist ko sa sales lady.


tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. at umiling.

"hindi po talaga pwede." ang sabi niya sa akin.

[palalampasin kita, pasalamat ka at mabait pa ako.]


after noon ay may lumapit na mag-nanay at mukha pang pobre kaysa sa akin at nagrequest din na kung pwede nila makita yung phone. laking gulat ko nang ilabas ng saleslady ang phone at pinahawak pa sa kanila.



[ ay teka lang! ibang usapan ito.]

"hello miss, miss me?"ang bungad ko ulit dito na nakangiti


tanging pagtatas ng kilay ang isinukli niya sa akin. pero todo ngiti pa rin ako. Hindi siya nakontento at nilayasan niya ako.[ Aba! bruhang toh, isang-isa na lang at makakatikim ka na!]

Dilusional meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon