chapter 1

14 5 1
                                    

Boom-boom, tooot! ting-ting...boom! tagatag-tag, ting-cling-cling, boom!


"Charm! lipat tayo ng pwesto hindi ko makita ang banda na tumutugtog ngayon." ang pagpupumilit sa akin ng aking kaibigan habang atat na atat siyang masipat ng mga nag-gagwapuhang mga lalaki na tumutugtog sa banda.


"bakit ba naman kasi ang daming tao dito sa plaza." ang pagrereklamo ni mel sa akin habang naghahanap ng magandang pwesto.


"Bes, hindi mo sila masisisi, isipin mong maigi na piyesta itong pinuntahan natin. natural maraming tao dito." sagot ko naman sa kanya habang hinihila niya ako kung saan-saan.

...

Importante ang araw na ito para sa aming mga taga-santa Rita avenue dahil ang araw na ito Mayo 22 - ang pista ng patron naming si Sta. Rita. pero take note hindi ako taga-pampanga. Ang araw na ito ay sadyang napaka-saya at talaga naman na ang lahat ng tao sa buong avenue ay abalang-abala. Makukulay na banderitas, tug-tugan, kainan at puro gimik. [*HIndi ko rin inasahan na may mangyayari sa akin na hindi ko mapaniwalaan.]

...

My name is Charmaine Rodriguez, charm for short. hindi kami mahirap at mas lalong hindi kami mayaman. masasabi ko na ang antas ng aming pamumuhay ay below the high class and above the poor. sa bansa naman kasi natin hindi mo ma-classify na middle class ang isang tao, dahil sa bansang ito ay walang ganoon. tanging dalawang klase lamang ang pwede mong pagpilian, its either mayaman ka o mahirap. ang daldal ko noh. anyway, bunso ako sa dalawang anak ni Eng. Josh Rodriguez at Dra. Charita Rodriguez. nakatira kami sa isang village dito sa avenue ng Sta. Rita( ang avenue na ito ay gawa ko lang.) Kilala ang village na ito sa tawag na schon village dahil sa angkin nitong magandang landscaping at puro mga mayayaman ang nakatira. siya nga pala si Wendy Rodriguez naman yung ate ko 5 years gap ang meron kami pero kahit ganoon close ko pa din siya. at yung kasama ko naman kanina, si Melody Cervantes pwede ninyo siya tawagin na mel. Kaibigan ko siya simula pa lang nung seven ako.


...

At ayun nga, naka-hanap na rin kami ng magandang pwesto.


"ay sa wakas! naka-hanap rin tayo ng pwesto at take note friend, naka-upo pa tayo. hahaha para tayong V.I.P's" - ang pabirong sabi ni Mel sa akin.


"Hay naku, buti na lang at walang naka-upo dito, mukhang tadhana na ito para sa atin. hahaha" - ang naging sagot ko naman kay mel.


maya't- maya pa


"charm, may bibilhin lang ako ha. ano gusto mo ipabili?"- ang biglang pamutol sa akin ni mel habang ako ay nanunuood ng mga banda.


"hhmmm...kahit ano na lang pero mas gusto ko kung tubig lang." - tangi kong sagot sa kaibigan ko naman na talagang hindi mapakali sa pwesto niya.


Dahil sa sobrang nakaka-aliw ang paligid na talaga namang nakaka-indak ay ayun sumama ang pakiramdam ko at feeling ko nahihilo ako. napansin ko rin na wala pa ang kaibigan ko mga 20 minutes na siyang wala.


kaya naman...


...

tumingin ako sa paligid, pabaling-baling talaga. pero wala sa paligid ang kaibigan ko. medyo kinakabahan na ako.


Dilusional meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon