Chapter 6

723 6 8
                                    

Nasa bahay na ako ay hindi ko pa din makalimutan ang mga nangyari kanina. Ang gilid na bahagi ng dibdib niya na tila ramdam pa din ng kamay ko.

Ang mga pasimpleng sulyap niya sa akin at pag-iwas naman niya sa tuwing magtatama ang aming mga mata.

At higit sa lahat ay ang mga ngiti niya na tila nagdadala sa aking alapaap, sa tuwing sisilay ito sa napakaganda niyang mukha.

36 years old siya habang ako naman ay 18 palang. Siguro nga ay kay layo ng aming agwat. Ngunit bakit nga ba sa kanya pa ako nagkagusto ng tulad nito. Bakit nga ba hindi siya mawala sa utak ko. Bakit palagi ko siyang naiisip kahit saan ako bumaling ay tila mukha niya ang nakikita ko?

Siguro nga ay nai-inlove na ako sa kanya. Sa isang babaeng halos doble na ang edad sa akin.q Sa babaeng, alam kong pwede akong mapahamak sa sandaling malaman ni Sir Fidel ang totoong nararamdaman ko para sa maganda niyang asawa.

Mga isiping nakatulugan ko na dahil sa.kalasingan ko.

Kinabukasan

Halos hindi ako makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko.  Sumabay pa ang nanunuyot na lalamunan ko at nakakatamad na pakiramdam.

"Pootek na hang over to... Tsk, paano ako papasok nito. Kung mayaman lang sana ako, kay sarap siguro humilata pa sa kama at matulog pa hanggang gusto ko. Ngunit hindi maari. Dahil kapag di ako kumayoad ay magugutom kaming mag-ama."

Napapailing na bulong ko pa sa sarili habang tila automatic ng gumagalaw ang katawan ko. Mula sa mga gawaing paulit-ulit ko naman talagang ginagawa tuwing umaga. Kasama na dito ang pagpapadede at pagpapaligo kay Baby bago ko siya ihatid kay Ate Patricia.

Ahhh tama, ito ang nagpapasaya sa akin tuwing umaga. Ang sandali naming pagtatagpo ng aking magandang landlady.

Sigundo lang ito, mula sa pagbibigay ko kay Baby at mabilis na itong papasok ng bahay.

Siguro nga sapat na yon sa akin...

Masaya na ako sa ganong setup...

"Good morning po Ate." Masiglang bati ko pa sa kanya matapos kong maiabot sa kanya ang Baby ko.

Tumango naman siya sa akin... Ngunit tumalikod din naman agad matapos kong maibigay sa kanya si Baby. Gaya lamg din naman ng eksena naming tuwing umaga.

"Sige po Ate aalis na ako." Sabi ko pa tsaka ako tumalikod na din.

"Sandali lang..."

Isang malambing na boses, finally ay nadinig ko na naman. At dahil din dito ay mabilis akong napalingon sa kanya.

Ngayon ay nakangiti na siya habang karda ang Baby ko.

Kay sarap niyang tingnan habang matamis na nakangiti.

Ano nga kaya kung dumating ang araw na ang kakargahin na niyang Baby ay ang mismong anak na naming dalawa.

Siguro ay napakaligaya ko...

"Marunong kabang mag ayos ng lababo?"

Sandali akong nagising mula sa napaka gandang daydreaming...

"Opo magaling ako diyan." Mabilis na tugon ko.

"Halika pumasok ka, may ipapaayos lang sana ako sa iyo sa kusina." Walang emosyong sabi niya tsaka ito tumalikod.

Agad ko naman siyang sinundan. At hindi maiwasang mapatingin sa kabuuan niya, habang naglalakad ito mula sa harapan ko.

"Naibilin ko na kasi yan sa Sir Fidel mo Pero nakalimutan pa din niya dahil nga kakamadali kanina. Ang problema, paano naman ako makakapagluto kung ganyan barado siya." Napapailing na sabi niya.

"Ako nalang po bahala Ate, madali lang naman yan."

Hindi na siya kumibo. Habang ako naman ay tila excited pa na binuksan ang cabinet at hinanap ang kitchen sink p-trap nito.  At mabilis na sumot dito.

"Nakita ko na Ate, madali lang ito. May aalisin lang ako sa trap. Malamang nandito yung clogged niya kaya barado ang lababo mo."

Agad akong sumuot sa medyo makipot na cabinet ngunit dahil medyo payat naman ako ay kumasya ako rito.

"Ok ka lang ba diyan Yuri? Di kaba masyadong gipit naman diyan sa pwesto mo ha?"

"Ok lang po ako Ate." Pagmamalaki ko pa.

Pinihit ko ang trap ng bahagya at swerte namang hindi ako nahirapang buksan ito.

Ngunit may nangyaring hindi ko talaga inaasahan. Dahil ng mabuksan ko ito ay bumulwak sa aking damit na suot ang mala-burak na laman ng tubo.

May kakaibang amoy din ito na halos magpaduwal sa akin. At dahilan upang mapalabas ako.

"Ohh ano pala nangyari sa iyo? Eehh bakit kasi hindi ka nag-ingat Yuri." Nag-aalalang sabi pa niya matapos itong mabilis na lumapit sa akin.

"Ok lang naman ako Ate. Magpapalit nalang ako ng damit."

Ngunit ok lang naman basa ang damit ko ngunit hindi ang nakakasulasok na amoy nito ang hindi ko yata kayang tagalan. Kaya naman mabilis ko itong hinubad. At sandaling nakalimutan na kaharap ko nga pala si Ate.

Kita ko ang pagkabigla niya at pati na din ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Dahilan upang mapaiwas siya sa akin.

"Bakit naman kasi bigla-bigla ka nalang naghububad." Sita pa niya habang ngayon ay tila nakapako siya mula sa kinakatayuan niya.

Ang totoo niyan ay may ipagmamalaki naman ako pagdating sa aking pangangatawan. Mayroon din akong abs na hindi ko naman pinaghirapan pa sa paggi gym. Siguro ay dahil na din murang edad ko ay nasanay na ang katawan ko sa mabibigat na trabaho. At sigurado akong talo pa nito ang mga dumbbells at barbell na binubuhat ng mga nagwo workout.

"S-Sorry po Ate, hindi ko naman sinadya na ma offend ka sa ginawa ko po." Sabi ko pa habang ngayon ay biglang nakaramdam ng pagkahiya sa kanya.

Siguro nga ay dahil, sa tingin ko ay nabastusan siya dahil sa ginawa ko.

"Diyan ka muna Yuri, ikukuha muna kita ng damit ni Fidel para may maisuot ka. Maligo ka na din tuloy sa banyo." Walamg emosyong sabi niya tsaka mabilis na tumalikod sa akin.

Kaya naman napakibit balikat nalang ako at tinungo amg banyo nila. At saglit na naligo dito.

"Yung towel pala nasa may pintuan lang ha. Makikuha nalang. Doon muna ako sa sala para bantayan si Baby." Sigaw pa niya mula sa labas ng banyo.

"Ok po Ate. Pagkatapos ko dito ay aayusin ko nalang ulit yung lababo para magamit niyo na din."

"Ok sige. Pero sana mag-ingat ka na next time ok."

Matigas na sabi niya. Ngunit dama ko pa din ang lambing nito.

At alam kong kahit papaano naman ay na attract siya sa mga muscles at abs ko.

O baka naman masyado lang akong assuming...

"Nga pala mag-usap tayo mamaya. May gusto sana akong sabihin sa iyo Yuri."

Sandali akong natigilan...

At bahagya din namang napangiti...


ROOM FOR RENT (The Landlord's Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon