2002 || 0.2

35 5 17
                                    

||※ Amadeo's POV ※||

・*:.━━━★━━━.:*・

「GC ka Soju」
●Active Now●

09:24 A.M.

Blue Ranger (Guthrie):
Oi mga par sino 'yon?
New student ba 'yon?
Ba't parang ngayon ko lang nakita?

Red Ranger (Amadeo):
Taga kabilang section 'yon tol
Bago sa paningin mo kasi 'di ka pumapasok

Blue Ranger (Guthrie):
Aray, sakit mo naman pre

Green Ranger (Roux):
'No meron?

Blue Ranger (Guthrie):
May naligaw sa room namin
Grabe, ang lakas ng loob ni ate para umupo sa tabi ko. Inangkin 'yung upuang 'di kaniya

Green Ranger (Roux):
Sa room niyo? May maliligaw?

Red Ranger (Amadeo):
Oo
Lutang ata 'yung babae
Late na nga, sa maling room pa pumasok

Blue Ranger (Guthrie):
Hiyang-hiya 'yung babae, tol
Takbo siya palabas eh

Red Ranger (Amadeo):
Kahit sino naman mahihiya
Kung kaibigan ko 'yun, baka itatakwil ko pa!

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

☆・*:.。. ・・.。.:*・☆

||※ Willow's POV ※||

・*:.━━━★━━━.:*・

「Powerpuff Girls」
●Active Now●

09:37 A.M.

Buttercup(Lucy):
Jusmeyo mahabagin, Willow!
Anona beh ko 😭
Late ka na nga, sa ibang room ka pa pumasok!

Blossom (Willow):
'TE HINDI KO TALAGA NAPANSIN
SORRY NA 😭

Buttercup (Lucy):
Tahimik! Tigilan mo 'ko
Wala akong kaibigan na late na nga nagising, tapos sa maling room pa napunta

Bubbles (Haneul):
Ate Willow, nakakahiya huhu
Kaya pala nagtataka kami kung bakit wala ka pa. Inaabangan ka namin sa pinto.

Blossom (Willow):
Beh promise! Akala ko talaga room natin 'yon
Tapos kamukha pa kasi ni madam sungit 'yung Prof. nila eh 😭

Pero mga ante hiyang-hiya talaga ako huhu
Pwede na ba magpasundo kay St. Peter?
Ayaw ko na sa earth!

Buttercup (Lucy):
Ay te, dapat lang na mahiya ka! Grabeng kalutangan 'yan, Willow Primrose Ginemoux!

No'ng lunes, binatukan mo 'yung isang babae sa kabilang section kasi akala mo ako

Tapos last week, Thursday, ginulat mo si Prof. Finna kasi magkahawig sila ni Haneul kapag nakatalikod

Beh, ano pang next? Baka next time itulak mo mga Prof or ibang students dahil akala mo kami ha. Itatakwil na talaga kita, kairita!

Blossom (Willow):
Hoy grabe!
Kasalanan ko bang magkahawig si Prof. Finna at si Haneul kapag nakatalikod?!

Buttercup (Lucy):
Ay hindi.
Kasalanan siguro talaga ni Prof. Finna

Blossom (Willow):
Bwisit ka!
Ay jowk lang HAHAHAHAHA
Pero sorry na nga mga beh
Alam niyo naman, sabog ako minsan

Buttercup (Lucy):
Anong minsan? Neknek mo
Sabog daw minsan, edi wow!
Beh hindi ka lang sabog, lutang pa!
Bangag pa!

Blossom (Willow):
Wow, nagsalita ang uminom ng suka dahil sa kalutangan. Napagkamalan daw na gulaman 'yung sawsawan ng kwek-kwek

Buttercup (Lucy):
Normal lang naman ang maging lutang
Pero 'wag mong araw-arawin, Willow

Blossom (Willow):
Edi okay!
Masusunod po, madam na 'friendzone'

Buttercup (Lucy):
Foul 'yon ha!

Bubbles (Haneul):
Oi! Mamaya na kayo mag cellphone
Nakikita ko na si madam sungit
Papunta na dito sa room

Euphony Series #2: 2002Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon