Prologue.
Academic achievement was something i'd always sought as a form of reward. Good grades pleased my parents, good grades pleased my teachers. I got them in order to sew up approval.
Since i was a kid, palagi akong with highest honor sa school namin. I saw how proud and happy my parents are. Grade one to grade six, palagi silang naghahanda ng party after ng moving up and graduation ko. Not until naghigh school ako. Siguro nasanay na rin ang family ko na always akong pumupunta sa stage kaya ineexpect na rin nila.
Pero hindi palaging mataas ang grades ko.
Since my parents stopped supporting me na rin sa mga gusto kong gawin, nawalan ako ng inspiration in life. Noong nag grade nine ako, i got 92 on mathematics. I know na hindi big deal 'yon sa iba but for me, it is. Mathematics was my main sub. Palagi akong nakakakuha ng perfect 100 sa subject na 'yan. Halos palayasin na 'ko ng magulang ko noong bumaba lahat ng mga marka ko.
"Alcantara, Taquia Layne." Ma'am Santos called my name. She was checking our attendance. Tinaas ko ang kanang kamay ko't tumayo. "Present ma'am."
I'm Taquia Layne Alcantara, 16. My friends started calling me Tala since i was on the 7th grade. Ta from Taquia and La from Layne. Grade 10 na 'ko ngayon and dalawang quarter na lang, magmomoving up na kami.
Nagsitahimik ang lahat. "Okay class, may bago kayong kaklase. He's a transferee. Galing pa s'yang Manila kaya sana makasundo nyo sya." Agad namang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Ang matured ng looks nya. I'll be honest, he's cute.
"A pleasant morning to everyone, especially to Ma'am Santos." Panimula pa lang ng greetings nya, bida-bida na. "I'm Zachary Sky Enriquez. I'll be in your care." Nagsihiyawan naman ang kaklase ko na para bang nakakita sila ng artista. Yes, cute sya and matured tignan but it doesn't mean na maaabot nya basta basta ang standards ko. Baka nga even a simple equation, hindi nya pa masagot. Pinatabi sya sa'kin ni Ma'am since bakante ang upuang nasa side ko.
"Since everyone here's present, bakit hindi tayo mag quiz? Don't worry, it's 1 to 30 lang naman and 20 ang passing." A quiz? Maning mani lang sa'kin 'to. Palagi akong nag aadvance study kasi ayokong malamangan ako ng iba. "Get a one whole sheet of paper." Habang kumukuha ako ng papel sa bag ko, napansin kong walang ano mang gamit na dala ni Zachary. Estudyante pa ba sya?
Hindi pa nagtatagal at bigla syang nilapitan ng mga kaklase kong babae para abutan ng papel. Naiinis na 'ko sa mga 'to. Ganon ba talaga kababa ang standards nila na pati walang papel na lalaki papatulan basta pogi? Ew.
Ma'am Santos gave the quiz papers na sa'min isa isa. All of us have an hour para matapos ang mga kailangang sagutan and i only need 5 minutes. Nagulat ako nang makita kong halos sabay kami ni Zachary matapos magsagot. Well, i guess hinulaan nya lang isa isa yung mga questions. Para sa normal na grade 10 students, ang mga equations sa paper na 'to ay mahirap. Unang una ay dahil sa hindi ito multiple choices. Pangalawa, hindi pa 'to natuturo sa'min ni Ma'am.
"Okay class, finish or not finish, pass your papers." An hour passed. Chinecheckan na ni Ma'am isa isa ang mga papel namin. Confident ako sa mga sagot ko. Alam kong ako na naman ang magiging highest. "Very good. Lahat kayo ay nakapasa. Perfect score ang highest natin and it's.." alam ko namang ako 'yan. "It's Zachary! 30 over 30!" Tumigil ang mundo ko. What?!
Napatayo ako bigla sa upuang kinauupuan ko. "What do you mean perfect score Ma'am? Does it mean na may mali ako? Hindi ako naniniwala!" Quarter 1 to quarter 2, perfect lahat ng scores ko. Ngayong 3rd quarter lang ako nagkamali. Malas talaga 'tong Zachary na 'to! "Calm down Taquia, isa lang naman ang mali mo and still, you did great. Nag double check pa 'ko para siguradong tama ang check ko." Pagpapaliwanag ni Ma'am.
Huminga muna ako ng malalim. "Saan po ba ako nagkamali?" Tanong ko. "Sa number 28. You used P (n,n) formula instead of using P (n,r) one." Formula pa lang mali na 'ko. Pero hindi pa rin ako naniniwalang perfect ang Zachary na 'yon!
"Ma'am can i ask you something?" Humarap ako kay Zachary at saka nagtanong sa teacher namin. "Paanong nakaperfect score 'yan? Baka naman.." hindi ko pa natatapos ang tanong nang biglang tumayo si Zachary.
"What are you trying to say? Na cheater ako?" Mas lalong nag init ang dugo ko. "Why are you defending yourself? Guilty ka ba?"
Lumapit sya sa'kin at tinignan ako mata sa mata. "Of course i'll defend myself kasi wala naman akong ginawang mali. You want a proof na tama talaga ang mga sinagot ko?" Pumunta sya sa harapan namin. Kinuha nya ang chalk at nagsimulang magsulat sa board.
"We're now on Permutations. A Permutation is an arrangement of all or part of a set of objects in a definite order." Pumunta rin ako sa unahan at lumapit sa kanya. "I already knew na Permutations ang topic natin and it was too easy." Sambit ko.
He smiled at me. "Yun na nga. Madali lang pero hindi mo pa naperfect. I heard na ikaw daw ang palaging with highest honor right? Anong nangyari?" Naiinis na 'ko sa lalaking 'to!
Pinagpatuloy nya ang pagsasalita nya. "We have two formulas sa permutations. It's P (n,n) = n! or the number of permutations of n things taken all at the time is n factorial." Kinuha ko ang chalk sa kanya. "And the other one was P (n,r) = n!/(n-r)! or the number of permutations of n things taken r at a time." Narinig kong pumalakpak si Ma'am kaya napatingin kami pareho.
"Alam nyo na pala lahat lahat, bakit hindi na lang kayo ang maging teacher?" Nagsitawanan lahat ng kaklase ko. Mukhang napahiya kaming pareho ni Zachary.
Pero now i realized that i shouldn't judge the book by it's cover. Magaling sya. Mukhang meron na 'ko ngayon academic rival.
Zachary looked at me seriously. "You're good." I rolled my eyes on him. "You really wanna play huh?" Nagulat ako nang bigla siyang humalakhak. "This isn't a game Miss Alcantara. Wake up." Mas lalo akong napahiya dahil parang pinaparamdam nya sa'kin na ginagawa ko lang laro ang lahat.
Hindi ko dapat hinahayaang masira ng lalaking 'to ang mga pangarap and goals ko sa buhay. Kagaya nga ng sabi nila, men have no rights to tell women what to do diba? Hindi naman porket lalaki sya eh sya na yung magaling. Nagkataon lang talagang wala ako sa sarili ko ngayon and super stress ako dahil sa pag aaral buong gabi.
Bumalik kami parehas sa upuan namin. He grabbed my right hand. "Would you like to spend your free time with me?" He asked me that thing out of curiosity. Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Hindi ba sya aware na i totally hate him?
Inalis ko ang kamay nila sa kamay ko. "What the hell are you thinking? Ano bang pakay mo?!" Napatingin lahat ng kaklase namin sa'min. Hindi ko na sya pinansin at umupo na ako kaagad. Our classes continued. Palagi nya 'kong nalalamangan. Palagi nya 'kong natataasan lalo na sa mga quizzes. I hate this guy! I really do!
Our recess time came. Lahat ng mga classmates namin ay lumabas just to buy some snacks. Well ako? Nagbaon ako ng pagkain ko para hindi na 'ko mag abalang bumili. Ako lang mag-isa ang natira dito sa room and that's what i like.
"Finally some peace." Rinig kong sambit ng isang boses ng lalaki. Lumingon ako sa tabi ko't lalo akong nainis dahil nandirito pa rin si Zachary. Hindi nya ba ako kayang bigyan ng kahit isang beses man lang na katahimikan?
I opened my book and started to read some pages and chapters for our next subject. "You also love reading din pala ha?" Pinanganak ba talaga para maging pakialamero ang lalaking 'to? Hindi ba sya tinuruan ng manners ng mga magulang nya?
I took a deep breath. "And what if i do?" He looked at me. "Wala lang. I just thought na you're an interesting girl. I like you." Well, it's the opposite for me. I hate him.
"Just leave me alone. I don't like you." Inirapan ko sya. Totoo naman kasi. Hindi ko talaga sya gusto. Hirap na hirap na nga akong mag-advance study tapos dadagdag pa sya? Tell me, pano ko kakalabanin ngayon ang gantong klaseng tao? "Takot ka bang malamangan?" Tanong nya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
My whole body were shaking. Nalilito na 'ko. Takot nga ba talaga akong malamangan ng isang lalaking kagaya nya? "What the hell are you even saying? Lumayo ka nga sakin!" I was so mad at him. Ano bang gusto nya at ginugulo nya ang buhay ko?
Ang dami ko pang dapat unahin. I have to achieve my mom and dad's expectations. "You know what, nakikita kong nahihirapan ka." How can he even tell?
BINABASA MO ANG
Somewhere (Book 1)
Teen FictionZach, my academic rival was also my greatest love. He made me realize that i was enough. He's always doing his best just to work things out.