PROLOGUE

11.1K 81 3
                                    

Making wrong decisions, making mistakes, and playing with the devil is part of living in this world. Even the most saint type of person can't run from sin when sin is into you. No one is a saint. No one is perfect. No one of us who never been tempted to taste the poisonous apple.

I tried to fight it. I tried to hold myself. I was young and naive. I didn't know how to control myself properly. I made mistake. The kind of mistake i committed that is so unforgettable 'till my very  last breath.

Minsan umiyak man ako at magsisi sa ginawa pero wala na akong magagawa. I have to face all the consequences. I deserved it all. Kahit anong sabihin kong pinagsisihan ko iyon ay hindi ko maitatanggi na gusto kong mangyari ang lahat. I chose that to happen. I chose to commit a sin and ignore everyone around me.

It all started when I was 18 and a freshman college student. I was just a silent type and I don't talk that much until I have to.

"Hello, mom. Bakit po?" Takang tanong ko nang bigla na lang tumawag si mommy sa kalagitnaan ng meeting namin ng mga kagrupo ko sa major subject namin. Nagpaalam naman na ako bago umalis ng bahay na pupunta ako sa kaklase ko para sa project namin na pag uusapan.

Nakatingin lang sakin kina Lea, Razelle, at Trina habang kausap ko si mommy sa telepono. Natigil kasi ang diskasyon namin sa biglang tunog ng cellphone ko na akala ko kung sino na. I know mom knows how important this meeting is, to me, so I have no idea why all of a sudden she'd call me at this hour.

"Are you still with your classmates, honey?" I heard some noise in her background. I wonder where she is right now

"Ah yes, mom. We're in the middle of discussing things about our project."

"Can you come home early? We're having a family gathering. Nandito ang lolo't lola mo pati mga tita at pinsan mo. Kasama kasi ng Auntie Clarita mo ang bago niyang asawa at nais niya itong ipakilala ng masinsinan sa kaniyang buong pamilya since hindi na natin nasaksihan ang kanilang kasal kasi private lang daw iyon"

"Kailangan pong nandiyan ako? Marami po kasi kaming tinatapos mommy" napakamot ako saking pisngi. Ayaw ni mommy ng hinihindian ko siya. Tsaka gusto niya na every time na may family gathering kami lalo na sa side niya ay dapat nandun lagi ako. Lagi niya kasi akong pinagmamayabang sa mga kapatid niya at parents niya. Lahat ng achievements ko, since my elementary days up until now that I'm on my first year in college.

"Oo. Hinahanap ka ng mga pinsan mo. Ngayon na lang kayo magkikita kita. Pwede mong isama yung boyfriend mo kung gusto mo. Para maipakilala mo din siya sa lolo't lola mo."

"Busy po si Ariel. Marami po yung ginagawa, ayoko namang istorbohin" malungkot kong sabi. Nami miss ko na ang boyfriend ko. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Alam ko naman na busy siya dahil graduating siya sa kursong IT. Pero dapat may oras din siya sakin. I'm not being a clingy girlfriend here, I understand him because I'm also a student.

Pero sana naman huwag niyang kakalimutan na may girlfriend siya. Madalas ko pa naman siyang ipagmalaki nun kina mommy at daddy. Lagi kong bukang bibig na siya na ang gusto kong mapangasawa kapag nakagraduate na ako. I'm a Business Ads student. Gusto ko nga sanang mag BPeA since I'm into arts so much. Pero yun yung gusto nina mom at dad para sakin kaya yun na yung kinuha ko.

"Ganun ba? Oh sige basta pumunta ka dito ng maaga. Dito nila napiling magtipon tipon sa bahay natin. Ibababa ko na anak, madami pang aasikasuhin dito" bago pa man ako muling makaangal ay pinutol na niya ang linya. Good God. Si mommy talaga.

Bumalik ako sa puwesto ko kanina at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pinapauwi ka?" Iniangat ko ang aking tingin at tumango lang ako sa tanong ni Trina.

Captive Of Desire (DESIRE Series I)Where stories live. Discover now