Chapter finale.Lumipas ang ilang araw at nanatili si Arjay sa bahay ng mga Alcantara dahil sa utos na rin ng kanyang ninong at pakiusap ng mag asawa sa kanya.
Habang si Sofia naman ay nagkukulong pa rin sa kanyang kwarto at ayaw pa rin nitong lumabas ng silid.
Nakikita lang ni Arjay ang dalaga kapag papasok si Luisa sa kwarto nito at iiwan na bukas ang pinto na nasa labas siya at oobserbahan lang niya si Sofia.
Araw araw naman din ay umaalis si Arjay sa umaga at babalik naman sa gabi. Dahil iyon ang gusto ng ginang na hindi niya din kase matanggihan. Siguro ay sabik din siya sa ina kaya ganoon na lang ang respeto niya sa ina ni Sofia.
Natutuwa raw kase sa kanya ang ginang dahil magmula ng dumating si Arjay at kinausap si Sofia ay may pagbabago na sa dalaga.
Ang sabi ng mommy ni Sofia ay hindi na nakikitang umiiyak ang anak. Nauubos na rin nito ang dinadala niyang pagkain para rito. Madalas na rin hanapin nito ang ama sa tuwing papasok si Luisa sa silid ni Sofia na dati naman ay hindi nito ginagawa magmula ng mabulag ito.
Isang gabi pagkatapos na maghapunan nila Arjay, Manuel at Luisa ay naisipang mag ayang mag inom ng alak si Manuel na hindi naman tinanggihan ni Arjay.
Makwento na si Manuel ng tamaan na ito ng espiritu ng alak. Proud na proud sa anak nya si Manuel lahat na ata ng pangyayare sa buhay ng anak mula pagkabata ay sinabi na sa kanya. Nalaman nyang mahilig si Sofia sa mga hayop, at marunong tumugtog ng piano, violin at guitar. Nag aral din ng ballet nung bata pa at masarap din daw magluto ang anak na minana nito sa kanyang asawa at marunong din mag bake at gumawa ng mga cookies dahil isang patisserie chef pala si Sofia.
At owner ito ng isang Coffee and bake shop sa manila na imina manage ng co owner ni Sofia ngayon na ikinahanga ni Arjay sa dalaga.Lahat ng iyon ay narinig din ni Sofia sa kanyang silid dahil nasa itaas lang ang kwarto niya at nasa ibabang tapat lang nag iinuman ang dalawang lalaki at dahil bukas ng bahagya ang kanyang bintana sa silid ay malinaw niyang naririnig ang lahat.
Natutuwang naiiyak siya sa mga idinadaldal ng kanyang Daddy hanggang sa narinig niyang may tumugtog ng gitara at kumanta ng kanta ng bandang parokya.
Tama na yan inuman na.
Hoy pare ko'y tumagay ka
Nananabik na lalamunan
Naghihintay nag aabangMay mag jojoke sabay kampay
Biglang inom sabay dighay
Kwentuhan na walang saysay
Tawanan na walang humpay.Alam ni Sofia na si Arjay ang nag play ng guitar at kumakanta na sinabayan pa ng kanyang ama dahil hindi naman marunong ang ama niyang mag gitara. Naluluha siyang natatawa sa naririnig at yon ang naabutan ni Luisa ng puntahan nito ang anak sa kwarto upang tignan kung natutulog na ba.
Hindi na tumuloy si Luisang pumasok ng silid ng anak. Tumigil na lamang siya sa likod ng pintuan at nagagalak sa nakita niya kay Sofia.
Kinabukasan maagang gumising si Arjay upang mag jogging sana nang sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay nakita niya si Sofia na nasa labas na ng silid nito at nakahawak na sa railings ng hagdan at pilit na iginagabay ang kanyang mga kamay at dahan dahan na i ihahakbang ang paa.
Hinayaan ni Arjay si Sofia at pinagmasdan lang niya ang dalaga. Nasa hagdan na si Sofia ng dahan dahan umupo ang dalaga at paupo itong bumaba ng hagdanan na ikinangiti ni Arjay pero sumunod na rin siya sa dalaga ng walang ingay na ginagawa.
Nang makababa na nang hagdan si Sofia ay kumapa kapa muli ang dalaga sa pader na balak atang mag tungo sa labas ng bahay ngunit nalimutan ata ni Sofia na may dapat siyang hakbangan na dalawang sementong hagdan bago makarating sa pinaka pinto ng bahay dahilan ng pagkakadulas niya ngunit mabilis na nakaalalay si Arjay kay Sofia na ikina akap ng dalaga sa katawan ni Arjay dahil sa kabiglaanan.
BINABASA MO ANG
LOVING THE SIGHTLESS GIRL
Short StoryLOVING THE SIGHTLESS GIRL. Blurb Dahil sa aksidente ay nawalan ng paningin si Sofia Alcantara. Hindi matanggap ng nobyo nito ang nangyare sa kanya kaya hiniwalayan siya at dahil doon ay nawalan na siya ng ganang mabuhay pa at ayaw ng magpa opera pa...