Part 1

1 0 0
                                    


Two months Ago...

" Doctor Austria, ipinatatawag po kayo ng Head ng hospital. Ang sabi po ng secretary niya ay urgent daw po. " ani ng nurse attendant na naka schedule sa kanya ng oras na yon para i assist siya.

" Okay tatapusin ko lang ito then aakyat na ko sa head office pakisabi nurse Lanie. " ani ni Arjay Austria na isang ophthalmologist and eye surgeon sa Villaruiz Medical Center sa isang bayan sa Pangasinan na pagmamay ari ng kanyang ninong Rodrigo.

Kakalabas lang din kase ng pasyente niya para sa eye check up ng sabihan siya nang nurse na ipinapatawag siya ng Head nila. Inayos na muna niya ang mga gamit niya at nag hugas ng kamay at saka hinubad na muna ang doctors coat na suot niya. At pagkalabas niya ay dumiretso na siya sa opisina ng kanyang ninong Rodrigo na matalik na kaibigan ng kanyang mga magulang.

" Doctor Austria! " bati ng secretary ng head nila sa ospital ng makita siyang papalapit.

" Pinapatawag daw ako ng head doctors!. Nasa loob ba si Ninong? " Ani niyang tanong sa babae na ikinatango nito sa kanya.

" Yes, Doctor Austria. Hinihintay ka nga po ni Doctor Villaruiz. " sagot ng secretary.

Tatayo na sana ang secretary ng pigilan niya at ngitian. Tumango naman ito sa kanya.

" Ako na! " Kumatok ng tatlong beses si Arjay at pinihit ang pintuan at isinilip ng bahagya ang ulo niya na nang makita niyang nakatingin na sa kanya si Rodrigo Villaruiz ay pumasok na siya ng tuluyan at isinara ang bahagyang nakabukas na pinto.

" Whats up ninong!? " bati niya rito.

" Maupo ka na muna Arjay at seryoso ang pag uusapan natin. Kaya wag mo ko ma whats up, whats up na bata ka! " istriktong saad ng ninong niya sa kanya.

" Okay! tsk, why so serious Ninong? " nakangiti niyang sagot na hindi na lang pinansin ng head doctors.

May inilabas na brown envelope si Rodrigo at iniabot kay Arjay. Tinanggap naman ni Arjay ang envelope at binuksan at binasa ang nakalagay doon at ng matapos niyang pasadahan ng basa ay tumingin siya sa ninong niya.

" Si Sofia Alcantara ang kababata ninyo ni Daniel. Natatandaan mo pa ba siya iho? Ang anak nila Luisa at Manuel Alcantara na kaibigan namin ng ama mo na lumipat ng Manila. Medical record niya yan na ni request ni Manuel sa ospital kung saan sila na confine na mag anak. " pag i explain ni Dr. Villaruiz kay Arjay.

Naaksidente sila ng parents niya last month ng patungo sila rito sa pangasinan para magbakasyon. Okay naman na ang mag asawa pero ang anak nilang si Sofia ang napuruhan dahil nabulag ito. Lumapit sa akin si Manuel kanina at gusto niyang dito na lang sa ospital natin operahan sa mata ang anak niya.
And since na ikaw ang ophthalmologist na kakilala kong magaling sa larangan ng eye surgery inirecommend kita na maging doctor ng anak nilang si Sofia. " pahayag ni Rodrigo sa inaanak. Tumango tango naman si Arjay.

" I remember her, dalaga pa rin pala siya! " pilyong wika ni Arjay na ikinasama ng tingin sa kanya ng ninong niya.

" What!? Nabasa ko sa record niya na single siya!. " depensa nya sa sarili na ikinailing na lang ni Rodrigo.

Kilala naman ni Rodrigo ang ugali ng inaanak dahil ng mamatay ang mga magulang nito ay siya na ang tumayong ama amahan ni Arjay.
Na kaya nag doctor ito ay dahil din sa kanya. Nagawa niyang maimpluwensyahan ang anak ng kaibigan niya na isang businessman noon pero ang ina ni Arjay ay isa rin namang doctor, nga lamang ay Pediatrician.

Hindi man niya tunay na anak si Arjay ay mahalaga ang binata sa kanya. Mas nabigyan pa nga niya ng oras at pagmamahal si Arjay kaysa sa tunay niyang anak na si Daniel na mas piniling manirahan sa ibang bansa at ibang propesyon ang tinahak gayong kilalang mga doctor ang pamilya nila at ang namayapang asawa nya ay isang nurse noon.

LOVING THE SIGHTLESS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon