Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This story is not affiliated to any schools, organizations or businesses.This story contains violence, strong language and scenes that may be disturbing to certain readers.
Read at your own risk
Thyra Helenoi Orzencia's Point of View
Year 2015
Marami ang nahuli saaming barangay dahil sa ipinatupad ng bagong pangulo na Oplan Tokhang kasama na doon ang nanay at tatay ng ilan sa mga kababata ko saamin.
Nakakalungkot man isipin na gumagawa nalang sila nang masama dahil walang-wala na sila at sa hirap ng buhay ngayon ay gagawin mo nalang ang lahat para mabuhay ang iyong sarili at ang pamilya mo.
Kung ako ang tatanungin ay uunahin kung baguhin ang pamamalakad sa ating bansa. Bigyan ng trabaho ang mga mahihirap, palayasin sa pwesto ang mga corrupt at nang-aabuso na mga nakatataas. Sa bayan natin, ang mga mayayaman ay mas lalong yumayaman at dahil 'yun sa mga mahihirap na kumakayod para pagsilbihan sila. Mahihirap, sa salita pa lang ay alam mo na kung sino talaga ang nangangailangan.
Present Year
Isa-isa nang lumalabas ang mga pamilya ng mga kababata ko na ikinulong sa loob ng anim na taon. At sa loob ng anim na taon na 'yun ay walang ginawa ang mga nakatataas kundi mamatay ng mga tao, kahit inosente ay nadadamay. Nakakatakot manirahan sa bansa dahil may mga nang-aabuso ng kanilang mga kapangyarihan.
Ngayon ako ay labing walong taong gulang na at nag-aaral sa isa sa mga nangungunang unibersidad sa aming syudad, isa akong STEM student pero hanggang ngayon ay hindi ko pa 'rin alam kung ano ang kukunin ko kapag ako ay nag kolehiyo na.
Ang gusto ng pamilya ko ay mag-nursing ako dahil itatapon nila ako sa ibang bansa pero gusto ko 'din mag-aral ng Law dahil parang exciting ito. Bahala na ang mundo kung saan niya ako itatapon.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si mommy dahil magpapaalam ako sakanya, nag-aya kasi ang mga kaibigan ko na mag-club daw kami dahil kakatapos lang ng first quarter exams namin.
Hindi ko nakita ang aking pinakamamahal na ina sa loob ng bahay kaya lumabas ako at nakita ko siya nakikipag-usap sa kanyang ka-marites na si Tita Vanessa, ang kapitbahay namin.
"Napansin ko nga na maraming mga motor ang pumapasok dito sa barangay, siguro binabantay nila ang mga bagong labas sa presinto" sabi ni Tita Vanessa
"Ay oo napansin ko 'din yun, siya nga pala. Kailan ba lalabas si Vince?" tanong ni Mommy
Lumapit ako sa kanila pero hindi naman nila ako pinansin, talagang tuloy na tuloy ang chismisan nila.
"Next week pa sabi ni Alex, Si Alex nga next week pa sana pero pinalabas nalang kahapon dahil masikip na daw ang presinto"
Pwede pala 'yun? Anong klaseng batas naman 'yun.
"Mommy" kinalbit ko siya dahil mukhang hindi titigil ang kanilang pag-uusap
"Ano?"
"Pwede ba akong lumabas mamaya kasama sila Yena" mahina kung sabi
"Ay ewan ko sa'yo Thel! Palagi ka nalang nagna-night out, kapag may nangyari sa'yo bahala ka" malakas na sabi niya
"Magkita-kita nalang kayo nila Keil mamaya, lalabas 'din ata sila" sabi ni Tita Vanessa
Palagi 'din kasi nagna-night out sila Ezekiel at Hannah kasama ang kanilang mga pinsan at kaibigan, noon nga ay nagkita-kita kami sa isang bar pero ang dami nilang kaibigan kaya hindi kami gaano nagsama-sama.
YOU ARE READING
A Malefactors Charm
Teen FictionWhat if she falls in love with the most unexpected person, her childhood friend who has a been sent to jail for murder. ©️ credits to those who own the pictures used for the book cover. venayyaa Date started: 03-01-23 Date finished: -