Nagising ako na mag-isa nalang sa kwarto ko, naalala ko na kasama ko si Felix matulog kagabi dahil hindi ko siya pinaalis.
Ayokong lumabas ng kwarto ko ngayon dahil kay mommy, ayokong makita ang mukha niya o marinig ang boses niya. Naiinis pa 'din ako dahil sa mga pinagsasabi niya kahapon at mas naiinis ako dahil ang liit ng tingin ni Felix sa sarili niya dahil sakanila. Palaging sinasabi saakin ni Felix na sobra siyang pinagpala dahil naging kami pero sa totoo lang, mas swerte ako dahil sakanya.
Dahil kay Felix ay natuto akong makipag-usap sa mga tao, medyo na overcome ko na ang social anxiety ko dahil sakanya. Dahil kay Felix ay mas lalo kung nakita kung gaano kaganda ang buhay at ang mundo. Magaling lang naman sila manghusga pero hindi nila alam ang totoong pagkatao niya.
"Te! Kain!" sabi ni Abe sabay katok sa pintuan ko "Kami lang ni Sop nandito ngayon, umalis silang lahat" sabi niya kaya pinagbuksan ko siya ng pinto
"Saan sila?" tanong ko
"Si lola at dad hindi pa nakauwi, si mommy pumunta ng city hall, si tito at tita nagtrabaho, si Kuya Jon nag grocery dahil inutusan ni Lola tapos si Ate Joy nakipagkita sa kaibigan niya"
Lumabas ako ng kwarto at kumain kami ni Abe at Sofia pagkatapos naming kumain ay nanood lang kami ng movie pampalipas oras. Hindi ako pwedeng makipagkita kay dahil madadagdagan lang ang mga kasalanan ko sa mata ni lola. Cool off muna para hindi masyadong mapagalitan
"I want Bobba!" sigaw ni Sofia
"Me too!" tinignan nila akong dalawa, kaagad akong umiling dahil alam ko na kung ano ang pinaplano nila. Papupuntahin nila ako sa shop malapit dito tapos ako pa ang magbabayad, rason nila ako daw ang matanda.
"We won't snitch on you and we'll even help you if you wanna go outside!"
"Deal!" mabalis na sagot ko, having Abe and Sofia is very useful dahil pinagkakatiwalaan ang dalawang 'yan ng mga matatanda at isa pa alam nila ang lahat ng pasikot sikot sa bahay so better have them as partners than snitches.
Umalis ako ng bahay at pumunta sa shop tsaka umorder doon, ilang minuto ako naghintay bago bumalik.
Habang naglalakad ako pauwi ay napansin ko na may van na sumunod saakin, binaliwala ko 'yun dahil sino ba naman kikidnap saakin pero nagulat nalang ako nang huminto ito sa tabi ko at bumukas ang pinto nila.
Bumungad ang dalawang lalaki at malakas nila akong hinila pasakay sa van nila, sa sobrang gulat ko ay hindi ko na nagawang lumaban pa sakanila.
Nang makapasok ako sa van nila ay mabilis nilang pinatakbo ang van habang bumubusina para magmukhang may emergency. Tinignan ko ang dalawang lalaki, hindi sila pamilyar saakin at ang pangit ng pagmumukha nila, napansin ko 'din na mayroong isa pang lalaki sa harapan at ang driver na akala mo nasa race track kung maka-drive.
"Seryoso kayo?" I blurted out when I realized something "Yung bobba ko! Kailangan niyong itapon? Ang mahal 'nun ha! siguraduhin niyong may pambayad kayo!" sigaw ko sakanila pero tumahimik lang sila, may hawak na baril ang isa sa kanila pero napakamot siya sa ulo niya nang marining ang sinabi ko
"Yung-yung milktea pa talaga?" sabi ng isa sakanila habang may gulat na ekspresyon sa mukha niya
"Sino ba kayo? Saan niyo 'ko dadalhin?" kaswal na tanong ko sakanila. Patay na kung patay, kung oras ko na edi hindi ko pipigilan si Lord na kunin ako, gusto na niya ako makasama, may magagawa ba ako?
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ng isa
"Patayin ka kaya namin!" pananakot ng isa
"Edi patay" bored na sabi ko "Sagutin niyo nga tanong ko! Sino ba kayo? Hindi ako mayaman, la kaming pera" sasagot na sana ang isa sa kanila pero biglang huminto ang van at binuksan nila ang pinto. Pinatayo ako ng isa at tinulak palabas ng van.
YOU ARE READING
A Malefactors Charm
Teen FictionWhat if she falls in love with the most unexpected person, her childhood friend who has a been sent to jail for murder. ©️ credits to those who own the pictures used for the book cover. venayyaa Date started: 03-01-23 Date finished: -